Chapter 10
[Klea's POV]
"Mas masakit kasi yung mawawala na si Ronnie sakin tapos may ibang babae na, na nagpapasaya sa kanya. Hindi ko alam pero mas masakit kasi talaga yun eh" sabi ko kay Sandra.
"Oh my Gosh!" Napataas ng boses si Sandra at napatayo.
"Maka Oh my gosh ka naman jan! Tumayo ka nga diyan!" Sabi ko sa kanya at umupo naman siya.
"Oh my Gosh Klea. Mahal mo talaga si Ronnie!" Tuwang tuwa niyang sinabi.
"Syempre mahal ko siya kasi long time friend ko siya. Halos sabay na kaming lumaki tapos bigla siyang mawawala dahil may iba nang babae na nagpapasaya sa kanya? Masakit yun dre!" Sabi ko sa kanya at parang dismayado pa siya.
"Mahal dahil kaibigan mo siya? Oo nalang" Ano ba ang gusto nito? Tss.
[Mark's POV]
Nakita ko sina Sandra at Klea sa Cafeteria kaya naisipan kong kamiupo sa mesa sa nila. Mukhang gulat sila nung nikata nila akong umupo. Sa tabi ni Klea ako umupo dahil may bag sa tabi ni Sandra.
"So anong topic?" tanong ko sa kanila at ngumiti.
"Ano, Yung topic namin about sa bagong labas na clothes sa company nila Klea" sagot ni Sandra.
"Really? So imomodel niyo ulit yun ni Alex?" tanong ko kay Klea.
"Uhmm. Y-yeah." Tipid na sagot ni Klea.
I really want to ask Klea about kay Alex kung anong mga favorites niya kaso sabi sakin ni Alex na hindi pa alam ni Klea yung panliligaw ko kay Alex. Secret daw muna sabi ni Alex. I wonder kung bakit ayaw pa sabihin ni Alex kay Klea na I'm courting her. Siguro surprise niya nalang.
"So kamusta ka nap ala Klea?" tanong ko sa kanya.
"Ah-h. Okay lang naman. Hehe" Tuwing kausap ko to parang nauutal lagi. Sabagay ngayon lang ulit kami mag usap. Baka hindi siya sanay.
"Ah Klea. Kilala mo pala kung sinong nanliligaw sa kapatid mo?" pasimpleng tanong ko kahit ako naman talaga ang nanliligaw sa kapatid niya.
Tumingin sa akin si Sandra na nagbibigay ng sign na wag tanungin yun sa kanya. I just smiled at her.
"Hindi pa eh. Nung tinanong ko, Secret naman daw" then she smiled.
Matagal ko nang gusto yung kapatid ni Klea. The first time I met Alex , Nung nagkabanggan kami sa Cafeteria. Iba na ang naramdaman ko sa kanya. Parang love at first sight lang. And now I'm courting her, Sana nga hindi ako bustedin ng kapatid ni Klea. Hindi ko kakayanin.
"Klea! Kakabasa ko ng text ni Ronnie! Hinahanap ka daw niya. Magkita daw kayo sa ano.. Sa... Library! Oo sa Library" sabi ni Sandra kay Klea. Parang ayaw pa yatang umalis ni Klea.
"Ngayon pa talaga eh noh? Sige na nga. Bye Sandra. Uhm Goodbye M-mark" Pagpapaalam ni Klea sabay alis.
Tumingin sa akin si Sandra ng masama "Diba sabi ko wag ka munang magsasabi kay Klea kasi nga secret daw muna sabi ni Alex" bakit ba siya sobrang affected dun?
"Okay,? Sorry." Malalaman rin naman ni Klea baling araw. TSS
[Ronnie's POV]
Nandito ako ngayon sa library at nagbabasa ng kung ano anong libro na napag iinteresan ko. Bored naman ako tsaka walang practice at wala pa akong klase for now.
"Ronnie! Bakit mo daw ako hinahanap? Pinapunta mo daw ako dito" Sa lakas ng boses ni Sandra, sinita siya nung nagbabantay sa library. Tumabi siya sakin at inulit yung sinabi niya kanina.
"Ha? Sino naman nagsabi diyan sayo? Hindi naman kita hinahanap" sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi, Akala ko magkasama sila ni Sandra kaya hinayaan ko muna sila.
"Sinabi sa akin ni Sandra na tinatawag mo daw ako dito. Wrong timing pa ha? Kasama namin si Mark at magkatabi kami sa Cafeteria tapos biglang sasabihin ni Sandra na pinapatawag mo daw ako dito. Nakakainis yung Sandrang yun!" natawa ako dun sa ginawa ni Sandra. Alam kong sinadya niya yun.
"What are friends for? Ganyan talaga ang mga kaibigan. Minsan sinasadyang painitin yang ulo mo" sabi ko sa kanya.
"Ano yan?" tanong niya sa hawak kong libro.
"Uhmm baka libro?" sagot ko sa kanya at parang nainis pa siya sa sagot ko.
"Ano ba! Common sense! Syempre yung title nung libro!" What? I think I just answered her question right?
"Hindi ko alam. Maganda lang kasi yung cover nung libro kaya kinuha ko" Yeah. I judge the book by its cover. Pero sa libro lang. Hindi sa tao.
"Ronnie?" seryosong tanong ni Klea.
"Yeah? Bakit?"
"Natatakot ako na baka isang araw eh baka bigla kang mawala sakin dahil may ibang babae nang nagpapasaya sayo" Ano raw? Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi naman kita iiwan." I'll never do that. Unless you'll ask me to do that.
"eh malay mo? May magustuhan kang babae diyan tapos magiging girlfriend mo. Syempre siya na priority mo" seryoso pa siya diyan ha.
"Ronnie hintayin mo munang maging kami ni Mark tsaka ka mag Girlfriend ha? Para kahit iwan moko, nandyan naman si Mark" Ang ganda ganda na nung mga sinasabi niya kanina tapos biglang sasabihin niya yun. -_-
"Alam mo Klea, May gusto na akong babae. Matagal ko na siyang gusto. Kaso ang manhid niya, Tinitiis ko nalang yung sakit na nararamdaman ko. Hanggang ngayon" sagot ko sa kanya.
"Sino naman yan? bakit ngayon mo lang sinabi? Tsaka swerte siya kasi nagustuhan siya ng isang Ronnie na hinahabol ng mga babae. Ang tanga rin ng babaeng yan" Napangiti ako sa sinabi niya. So tanga ka pala Klea? Hayyst.
"Hindi siya tanga Klea. Ako yung tanga kasi hindi ko kayang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko sa kanya" sabi ko sa kanya.
"Sus, Sabihin mo na sa kanya habang maaga pa. Habang wala pa siyang boyfriend" sabi niya sakin.
"Huli na yata ako Klea. Kasi may gusto na siyang iba. Pero kahit anong mangyari, Sa tingin ko hinding hindi mawawala yung nararamdaman ko sa kanya kahit paulit ulit akong nasasaktan"
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Fiksi RemajaShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...