Chapter 30
[Klea's POV]
Halos lahat ng nakakasalubong ko dito sa hallway pinag uusapan na si Ronnie at Hannah na daw ngayon. Hindi maiiwasang masali ako sa issue nay un kasi nga yung iba, Ang alam ay nagbreak na kami yung iba naman alam nilang may misunderstanding lang sa aming mag best friend bla bla bla. Kung sila na.. EDI SILA NA.
Pero nakakatuwa rin kasi yung mga naririnig namin ni Sandra. Mas gusto ako ng karamihan kesa sa Hannah na yun. I'm smarter, prettier, sexier? A kind of an educated Bitch. Well, Bitch rin siya pero Untamed Bitch. Ganern.
"Woah Klea! You did not inform me that you're gonna wear those kind of clothes" Pagbati ni Sandra sa akin. I'm wearing a Blue Faded shorts tsaka brown low cut boots then Tinuck-in ko yung T shirt kong Black sa shorts ko. Nakapatong lang yung Blue polo ko sa right shoulder ko. I tied my hair in a messy bun style then black shades to protect my eye from the sun.
"Seriously Sandra? Parang hindi ka naman sanay sa mga sinusuot ko" sagot ko sa kanya.
"No.. I mean you're wearing shorts. Here in the school?" ---Sandra
"Ha? Eh nakashorts ka rin naman ah? Ayaw mo yun? Terno tayo? Magkaiba nga lang ng kulay" Sagot ko ulit sa kanya.
"Hindi kasi ngayon ka lang nagshorts dito sa school. Diba usually pag lalabas ka lang para mag gala tsaka ka lang nag shoshorts? Kasi dito sa school maraming studyante mapapatingin sa legs mo at ayaw na ayaw yun ni Ro— Oh Sorry" ---Sandra
"Noon lang yun Sandra. Pero ngayon? Okay na. Makakapag suot na ako ng gusto kong isuot kasi wala nang kokontra. Wala nang makikialam. Yung ibang mga studyante nga eh mas mataas pa yung suot na mini skirt kesa dito sa shorts ko. Ina allow naman ng school" Then she nodded.
"Sana nga someday yung mamamahala dito sa University na to eh didisiplinahin na yung pagsusuot ng mga students" ---Sandra
"Kung ganun edi kailangan mo nang maging balot araw araw dito sa school"
"No way. I mean kapag nakapag graduate na tayo para masaya" Nonsense na yata tong topic namin kaya nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa klase ko.
Dumaan muna ako sa Clinic para kumuha ng gamot. Medyo nahihilo kasi ako. I'm not feeling well right now but I can still tolerate naman.
Bago ako pumasok sa room, Naisipan ko munang sumilip dahil napansin kong tahimik sa loob. I saw our teacher writing on the board. Pagkakataon ko na tong pumasok habang hindi pa siya nakaharap. Humanap muna ako ng bakanteng upuan na pwede kong upuan para hindi pa ako maghanap pagkapasok ko.
Luckily I found a vacant chair na malapit lang dito sa door. Okay I'm going in. Para akong magnanakaw na nag iingat maglakad papunta sa upuan na bakante then suddenly biglang humarap si Sir. Dela Fuente. Shit.
"Oh.. my favorite student Ms. Velasco. Why are you late?" He said in a British accent. Napatingin lahat ng kaklase ko sa akin. I saw Ronnie at sa tabi niya si Hannah. Bakit kung kailan ko pa kaklase tong bruhang to tsaka ako napahiya ng ganto!
"I'm very sorry Sir. I went to the clinic to get a medicine because I'm not feeling well then the nurse suggested for me to rest there but I insisted because I have to attend this class. I'm late because I walked very slowly because I feel dizzy" Ano? Wrong grammar ba ako? Medyo mahaba yung palusot ko kasi I know Sir. Dela Fuente. Kung may atraso ka dapat sabihin mo lahat ng info's kung bakit.
"Really? If that's the case then I'll allow you to go back to the clinic and rest."
"No sir. I can still tolerate what I'm feeling right now. Please continue" Sagot ko sa kanya kasi mukhang nakakaabala na ako sa klase. I know that I'm his favorite student pero dapat hindi ko yun abusuhin.
"No Klea. Hindi rin naman ako magdidiscuss at wala akong ipapasagot na papers ngayon. Magpapakopya lang ako ng notes. You can borrow your classmate's notes after." Narinig ko naman yung mga pag "yes" ng mga kaklase ko dahil sa narinig. Mangongopya lang naman kasi sila.
"Okay Sir. I'm going now" Pasalamat ka sir. Gwapo ka. Hindi na ako makakaangal.
"Mr. Sandoval pakihatid naman si Ms. Velasco sa clinic. Baka mahilo sa hallway bigla" Alam kong sinadya ni Sir na ipahatid ako kay Ronnie. Siya naman kasi yung number one na nang aasar sa amin noon.
Pumunta si Sir sa harap at nagpatuloy sa pagsusulat then lumapit si Ronnie sa akin. Titingin sa amin yung mga kaklase namin tas titingin kay Hannah tas titingin na naman sa amin tas titingin na naman kay Hannah. Alam kong na aawkwardan yung mga kaklase namin sa amin kasi nga ang alam nila Ex ko daw si Ronnie tapos sila na ni Hannah.
"I can handle myself. I can go alone" Sabi ko sa kanya tsaka medyo lumayo sa kanya. I really feel dizzy.
"Hindi ka pa nagsisimulang maglakad nahihilo ka na then you're telling me na you can handle yourself? Let's go" Medyo pagalit niyang sagot.
"No. I said.. I c-can handle myself. Just P-please let m-me go alone" Sabi ko sa kanya.. Shit nahihilo na talaga ako.
Matutumba na sana ako kaso kumapit ako sa braso ni Ronnie. "Klea!" He shouted.
I can't stand anymore. Then.. then everything went black.
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...