Chapter 7
[Klea's POV]
Kasama ko ngayon si Ronnie sa mall. Well, namiss namin yung hangout namin kaya naisipan naming lumabas ngayon. Kakatapos naming manood sa Cinema ng Horror. Horror Movie Lover kasi kami.
"So hindi ka na natatakot ngayon ha? Nag improve ka. Noon nga dahil sa takot mo hindi mo namamalayan na binubugbog na ko. Buti naman lumabas tayo sa sinehan na wala akong pasa" Oo nga naman. Sanay nako sa mga palabas nila huh. Yung kunyari ang tahimik nung scene tas biglang lalabas yung multo. Sus hindi na yun bago sakin.
"Kasi ikaw pag nanonood ng horror wala lang. Bakit ba hindi ka nagugulat? Siguro tinatakpan mo yang mata mo noh?" Biro ko sa kanya. Pero seryoso. Hindi talaga siya nagrereact pag nanonood kami eh hindi naman siya nagtatakip ng mata.
"Tss. Gutom nako, Gusto ko ng fries" Ngumiti ako sa kanya at gets na niya yun.
Umorder kami ng Limang large fries at nilagay sa iisang tray then Kumuha na rin kami ng Large Sundae. Ganito kasi kami lagi pag magkasama. Hindi kami nagreresto kapag kami lang yung magkasama. Gusto lang naming maging normal. Basta yun.
"Ang takaw mo talaga Klea." ---Ronnie
"Wow ha? Matagal naman noh. Parang hindi ka na sanay pag magkasama tayo. Siguro may bagong bestfriend ka noh? O baka may nililigawan ka na kaya nakakalimot ka na sakin." Sabi ko sa kanya sabay pout. Actually joke ko lang yun sa kanya.
"Tss. Wala noh. Tsaka hindi kita makakalimutan" Ngumiti lang ako sa kanya at kumain ulit.
After naming kumain, Naisipan pumunta sa isang photo studio. Everytime na naghahangout kami, pumupunta kami dito kaya kilala na rin kami ng mga workers nila. Halos mapuno na nga yung walls ng room namin sa dami ng pictures namin.
"Ang pangit mo dito Klea ! HAHAHA!" pinakita niya sakin yung picture namin. Pinataas niya yung ilong ko using his two fingers nagmukha tuloy akong baboy -_-
"Mas pangit ka dito Ronnie" tapos pinakita ko rin sa kanya yung picture niyang nakaduling. Pero hindi naman talaga siya pangit dun. Ang cute nga eh.
Pagkatapos namin dun, lumabas naman kami para mag ikot ikot sa mga shops.
"Akin na nga yang polo mo. Nilalamig ako oh" Sabi k okay Ronnie. Naka Black shirt lang kasi ako tas naka shorts pa. Ang init naman kasi kanina eh. Malamig lang dito sa mall.
Tinanggal niya yung polo niya tapos sinuot ko naman. Bagay naman saken. Naka plain white shirt lang si Ronnie pero ang lakas parin ng dating.
Tuwing may makakasalubong kami, napapatingin yung mga babae. Well, Heartthrob yan sa sa school eh. Pati sa labas pinagkakaguluhan.
"Feel na feel mo naman eh noh? Ikaw na may araming chix" Sabi ko sa kanya.
"Ikaw rin kaya. Maraming lalaking tumitingin sayo. Isa pa, Bakit ka ba nagshorts!? Magpalit nga tayo ng damit! Suotin mo tong pants ko!" Yan na naman. Nasa conservative mode na naman siya oh.
"Ayoko nga! Maluwang yan saken noh" Sagot ko sa kanya.
"Okay. Ayaw mo ha? Halika dito" Sabi niya tapos hinila niya ako papasok sa isang shop at pumunta sa Jeans section.
"Pick One. Palitan mo yang shorts mo." Napangiti ako sa kanya. Ayaw na ayaw niya talaga kapag nagsusuot ako ng mga showy clothes.
"Sige na nga." Sabi ko sa kanya at pumili na ng isa. Pumunta siya sa counter para bayaran at sinuot ko naman yung napili kong jeans.
"Okay na po ba? Hindi na kita yung legs ko?" Pang aasar ko sa kanya.
[Ronnie's POV]
Ayoko lang kasing may tumitingin kay Klea lalo na kapag nakasuot siya ng mga damit na showy ang katawan niya.
"Okay na po ba? Hindi na kita yung legs ko?" aba at nakuha niya pang mang asar.
"Tara na nga"
"Ronnie gusto kong pumunta tayo dun sa court. Laro tayo ng basketball. Sisiguraduhin kong matatalo kita. " I just smiled at her. Sige lang. Kung saan ka masaya.
"Okay. Let's go"
Pumunta kami sa court na malapit sa bahay nila. Wala namang naglalaro kaya masaya. Na miss ko rin dito. Yung mga moments namin ni Klea nung bata pa kami.
"Ano ? One on one tayo?" Tanong niya sakin the nag nod nalang ako.
Sa kanya yung bola. Sa totoo lang ang daling agawin yung bola sa kanya. Napatitig ako sa kanya habang dinidribble niya yung bola. Yung ngiti niyang yun oh.
"Okay 1pt. na ko. Nakatunganga ka naman kasi! Paunahan tayong maka 3 points ha? 1-0 na!" Tuwang tuwang sabi niya.
Inagaw ko sa kanya yung bola tsaka ako ng 3pt. shoot pero syempre dahil 1 on 1 kami. 2pt. lang count nun.
"Paano na yan Klea? 1-2 na. Isa nalang panalo na ako" Pang aasar ko sa kanya.
Dinribble niya yung bola at tinatakbuhan niya ako. Mag tthree-pt. shoot rin siya. Pero imbes na I block ko siya, Hinayaan ko nalang siya at nashoot na nga niya. Kakaibang babae naman talaga toh.
"So? Nanalo ako. Therefore, MagdiDinner tayo sa bahay ha?"
"Oo na po. Hapon na. Tara na sa bahay niyo. Tuloy nalang natin dun yung Hangout natin. Uulan na rin" Sabi ko sa kanya.
Nagpahinga kami saglit at pumunta na rin sa bahay nila.
Sana ganito nalang kami lagi.
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...