Chapter 12

239 4 0
                                    

Chapter 12

[Klea's POV]

Kanina pa nagsimula yung pageant na magaganap at kakarating lang namin ni Sandra sa gym. Kasama sana namin si Alex kaso makikiupo daw siya sa mga kaibigan niya. Natatanaw ko naman kahit malayo siya.


"Nabusog ba kayo sa mga talents na pinakita nila? Let's move on naman sa Q and A portion!" Sabi nung baklang host . Ganun na ba kami kaLate ni Sandra? Wow ha? Sayang yung talent portion.


"So let's start first to the ladies!" sabi nung host at isa isang rumampa sa stage yung mga candidates. Si Rose ang candidate no. 1 kaya natural na siya ang unang bubunot ng tanong sa fishbowl.


"Here's your question Ms. Candidate no.1" tsaka niya binuksan ang rolled paper na nakuha ni Rose.


"Oh what a nice question!.. Bakit sa tingin mo, ikaw ang karapat dapat manalo sa kompetisyong ito?" tanong nung host. Ngumiti si Rose at nagsalita.


"Karapat dapat akong manalo dito dahil una sa lahat, Maganda ako. Pangalawa, Nagtagal na ako sa unibersidad na ito at hindi ako nagkaroon ni isang hindi magandang record sa paaralang ito. Naging isang magandang modelo ako sa mga nakakabatang estudyante. Dahil dun, sa tingin ko. Ako ang karapat dapat na tanghalin bilang Ms. Campus ng Unibersidad na ito. Yung lamang po. Maraming salamat" at nagpalakpakan ang mga suportado kay Rose.


Sumunod ang mga natitirang candidates. Maganda ang sagot ng iba, Yung iba naman ay medyo kulang sa explanation sa sagot. Sumunod naman ang Lalaki.


"Next will be the gentlemen! Naku mas exciting toh" kilig na kilig pa yung bakla. Sus. Nagsimulang rumampa naman ang mga lalaki. Nahagip agad ng mga mata ko si Mark, siya kasi yung Candidate no.1, Ang gwapo niya. Si Ronnie ang pinakahuling candidate at paglabas niya. Halos magiba na ang buong gym dahil sa pagwawala ng mga babae. Siguradong mataas ang score niya sa audience impact. Ang gwapo rin ni Ronnie. Bestfriend ko yan.


"Okay I'll as I read this question to you. You should listen ha?" Patawa nung host kay Mark. Hindi naman nakakatawa.


"Anong mas pipiliin mo. Manalo ka ngayon sa pageant na ito? O Manalo ka sa puso ng taong gusto mo?" Ang ganda naman nung tanong. Kinuha ni Mark yung mic at sumagot.


"Mas gusto kong manalo sa puso ng taong gusto ko. Dahil kapag natalo ako dito sa pageant, Kaya kong matanggap. Pero ang pagkatalo sa puso ng gusto kong tao? Baka hindi ko kakayanin. Kaya gagawin ko ang lahat para manalo sa puso ng gusto ko. Actually hindi ko lang siya gusto, Kasi mahal ko siya" tumingin ako dun sa banda kung saan nakatingin si Mark.


Nakatingin siya sa banda kung saan nakaupo si ... Si Alex? Wait. Hindi ko sure pero marami kasi sila dun eh. Pero nandun si Alex.


"Nakita mo bay un Klea! Kinawayan siya nung baklang katabi ni Alex kaya napatingin si Mark sa banda nila Alex. Nakakatuwa yung bakla" Sabi ni Sandra. Ayy kaya pala. Hindi ko naman nakita yung bakla nung kumaway siya. Type siguro nung bakla si Mark.


"Ayy! Ang swerte naman ng babaeng yun. Okay that was a great answer. Feeling ko tuloy ako yung babae. Next Candidate please" Sabi nung host. Medyo hindi naman ako interested sa mga sagot ng iba. Naghintay ako hanggang turn na ni Ronnie.


Likewise. Parang magigiba ulit yung gym dahil sa kakatalon at kakatili ng mga kababaihan at kabaklahan. Nakita ko si Ronnie na nakatingin sakin kaya nginitian ko siya at syempre ngumiti rin siya. Medyo malapit kasi kami sa Stage kahit na medyo naLate kami ni Sandra, Nakahanap naman kami ng upuan sa harap.


"Okay. Konting katahimikan mga kababayan kong patay na patay sa lalaking toh. Hi Ronnie! Okay. Pili ka na ng tanong" Natawa yung audience dahil sa pag papabebe accent nung bakla kay Ronnie.


Bumunot siya ng isang rolled paper at pabebe namang kinuha nung bakla at binuksan. "Loves. Here's your question"


"Mamamahalin mo parin ba yung taong mahal mo kahit paulit ulit ka niyang nasasaktan?" Tanong sa kanya nung bakla. Wow, destined talaga siya sa question na yun ha. Naalala ko tuloy yung kinwento niya sakin na may matagal siyang gusto kaso iba yung gusto nung babaeng gusto niya.


"Oo, mamahalin ko parin siya kahit na paulit ulit niya akong nasasaktan. Dahil para sa akin, kapag mahal mo ang isang tao, Kahit anong gawin niya sayo, kung mahal mo siya. Hindi yun magbabago" His answer was short but meaningful.


Muling nagtilian ang mga babae sa sagot ni Ronnie. They are all proud raising their creatively made banners for Ronnie. Wala man akong banner. Hindi man ako nakikipag tilian sa mga babae pero sobrang proud ako sa bestfriend ko.


He looked at me and smiled. I smiled at him as a respond to his smile. Then later, the host started declaring their awards and places.


Bakit kapatid ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon