Chapter 18

22 4 0
                                    

Chapter 18

[Klea's POV]

4th quarter na nang laro nila Ronnie at kasing init nung game nila yung temperature dito sa loob! 92-96 yung score. Lamang yung St. Mark at last 2 minutes na. Tama nga yung hinala namin ni Sandra! Nag times two yung mga nagchecheer kay Ronnie. Imbes na icheer nung mga babae yung St. Mark, Si Ronnie yung chinecheer nila.


"Cruz for Threee!!!!" Sigaw ng nung announcer dahil mag tthree pointshoot na si Mark! "Yes Sir!!" Nagsitalunan kaming lahat dito sa left bleachers. Sa Right kasi yung mga taga St. Mark. Grabe ang galing ni Mark! 95-96 na yung score! Mas lalo akong natuturn on sa kanya shet!


Nasa St. Mark na ngayon ang bola. Kinabahan kami kasi hawak nung team captain yung bola. Nagcrossover siya kay Mark at Dominic tsaka nagdunk! What the heck? Tumingin ako sa score board at naging 95-98. Lamang parin ang St. Mark.


"I love you Babe!!" Sigaw ni Sandra nung nag two point shoot si Brent. 97-98 na yung score at 3.8 nalang yung natitirang oras. Mukhang mananalo yata yung St. Mark. Nagsilabasan na yung iba sa exit dahil parang sure na sila na talo ang Velarria.


Kita ko na sobrang ninenerbyos yung ibang fans. Nakababa na rin yung mga hawak na tarpaulin nung mga babae. Puro tarpaulin ni Ronnie. Yung iba naman gumawa ng mga malalaking letters na R-O-N-N-I-E


Nagform na ulit sila sa court at pawis na pawis si Mark. Edi siya na ang gwapo! Napatingin rin ako kay Ronnie na parang hinahanap kung nasaan ako. Kinawayan ko siya at nakita naman niya ako. Ngumiti lang siya sa akin at umiwas agad ng tingin dahil magsisimula na.


Na kay Brent yung bola at iniwasan yung team captain ng St. Mark. Naiwasan niya naman siya at agad na pinasa kay Mark! My gosh shoot mo na babe wala nang oras! Dalawa na ang nakabantay sa kanya kaya pinasa niya agad kay Ronnie.


Sunod na nangyari ay ang talunan at sigawan ng mga studyante dito sa Velarria! Hindi pa ako makagalaw dahil sa nangyari. Hindi ko inakala yung ginawa ni Ronnie! Nag three point shoot siya diba? Kaya naging 100-98 yung score?


"What a great Buzzer Beater shoot from Mr. Sandoval!!!!! Congratulations Velarria University!!!" Sigaw nung announcer! Parang guguho na yung gym. Nagsitalunan yung mga kateam mate ni Ronnie at nakipag apir. Maraming students ang pumunta sa court at pinagkaguluhan si Ronnie.


"Did you see that damn shoot from Ronnie!? That's unexpected dude!" Sigaw ni Sandra at siniko ako. I'm really amazed huh. Proud ako sa kanya.


Nagkaroon ng pictorial tuloy sa court! Ang daming nagpapapicture kay Ronnie at sa ibang players. Nakita ko si Belle kasama yung kuya niyang si Dominic. Lumapit sila kay Ronnie at nagpicture silang tatlo. I'm not affected now. Bata lang yang Belle na yan nuh.


"Ayy grabe naman. Nag text si Brent! May celebration daw sila this night. Kasama rin nila yung team ng St.Mark" sabi ni Sandra na parang disappointed.


"Hayaan mo na. Minsan minsan lang naman sila magcelebrate. Tsaka give him time naman! Hindi yung laging ikaw. Like Duh?" Sagot ko sa kanya.


Nagtext rin sa akin si Ronnie. Nireplyan ko naman siya na okay lang. Kami nalang ni Sandra muna ang magkasama ngayon. I'll call Alex also.


Pumunta kami sa isang resto at kumain. Kasama namin si Alex kasi nga tinext ko siya kanina. Mabuti naman at available siya ngayon.


"Alex.. How are you now?" tanong ni Sandra kay Alex.


"Okay naman po ako ate Sandra" Sagot ni Alex. Nag nod lang si Sandra.


"Let me guess Alex, Siguro kasali sa team yung suitor mo noh? Usually kasi kapag iniinvite kitang sumama samin ni Sandra may kasama ka. Ngayon may celebration sila kaya di mo siya kasama hindi ba? Naku alam ko na yan Alex. Atleast nagkaclue ako kung sino manliligaw mo. So sino sa kanila?" Tanong ko kay Alex kaya nanlaki ang mga mata niya.


[Sandra's POV]

Nagulat ako dun sa tanong ni Klea kay Alex. Kasi nga ngayon lang sumama si Alex samin kasi lagi niyang kasama si Mark. Ngayong may celebration yung team, Hindi na niya kasama kaya sumama siya samin.


Nagkatinginan kami ni Alex pero hindi ako nagpahalata. Klea is guessing kung sinong manliligaw ni Alex? Ako nalang kaya magsabi kay Klea na nililigawan ni Mark si Alex ngayon para matapos na? But I can't. Dapat sila mismo ang magsabi nun hindi ako.


"Ate naman. Tigilan mo na yang pangungulit sakin kung sino manliligaw ko. Nung isang araw ka pa eh." Sagot ni Alex. So tinanong na pala siya ni Klea noon? Paano niya kaya hindi nasagot yun? Kilala ko si Klea. Hindi yan titigil kung hindi mo sinasagot.


"Ano ka ba Alex. Kailan mo balak sasabihin kung sino yang manliligaw mo? Hanggang ikasal na kayo? Just tell me Alex. Walang mawawala sayo sis" Sagot naman ni Klea. I can see that Alex is already nervous.


"Si Dominic? Si Carl? Si John? Si Mark? Si Lay? Si Brent? Ay hindi pala, Boyfriend ni Sandra yun. Siiiiii OMG Alex. Baka naman si Ronnie pala? Cmon! That's great!" Sabi ni Klea. Saan naman niya nakuha yung idea na yun?


"Ate its not kuya Ronnie. Tsaka change the topic please" Suggest ni Alex. I should help her para maligaw si Klea sa usapan.


"Look at him! Nakikita niyo ba yun!? Ang gwapo niya oh! Over there!" Sabi ko sa kanila sabay turo dun sa nakapolo ng Blue sa counter. Nakatalikod yung lalaki.


"Paano mo naman masasabi na gwapo yan? Nakatalikod siya!" sagot ni Klea. Nakatingin parin kami sa lalaki hanggang humarap siya samin.


"Ano ka ba Sandra! Mas gwapo naman si Mark! Diba Alex?" Sabi ni Klea kay Alex. This is so awkward! Tumango lang si Alex.


"Hala! 8:30 na! Kailangan kong umuwi before 9! Kakauwi ni Grandma from New York!" Sabi ko sa kanila. Since kotse ko yung ginamit namin. No choice sila.


Hinatid ko sila sa bahay nila tsaka ako umuwi. Sana naman hindi na nila pag usapan yun sa bahay nila. Bahala na si Alex kung sasabihin niya yung totoo.


Bakit kapatid ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon