Chapter 33

21 4 0
                                    

Chapter 33

[Klea's POV]

Kanina pa nauna sina Alex at Sandra sa gym para sa game. Atat sila masyado eh. Kakatapos kong magresearch dito sa library and I'm on my way to the gym na.


Likewise maraming tao pagkapasok ko. Sigawan sila. Napatingin ako sa score board at lamang yung kalaban nila. It's already third quarter.


Natanaw ko sila Sandra na kumakaway dun sa bandang baba ng bleachers at dun pa talaga sa malapit sa court ha? Ugh. They reserved a space for me. Kailangan kong makipag siksikan sa mga tao dito.


I sat with them na parang napilitan lang na samahan sila. Tinitignan ko naman si Alex at Mark na parang nag uusap kahit malayo. Walang Forever po. Hindi ako Bitter nuh. I hate ampalaya.


Wala akong ibang narinig mula sa kanila kundi. "Go Mark ko!" "Go Myloves Brent!" "Go Babe" etc. Ako lang yata tong tahimik dito na nakaupo. Samantalang sila.. Tayo ng tayo.


I saw Ronnie. He's really damn good in basketball. Hindi niya pa yata ako nakikita. Sabagay. Agaw eksena kasi dun sa kabilang side ng Bleachers. Yung grupo nila Hannah. Ang lalakas ng sigaw kaya halos lahat ng players nadadala sa kanila. Halata namang iritado ang karamihan dito sa kanila. Bitches Right. I'm a million times more beautiful than her.


Its already 4th quarter at lamang ng 5 points ang school namin. 78-73 ang score. Kung Velarria ang mananalo ngayon. Champion na sila at magiging 3-Peat champions na sila. If matatalo naman sila.. May isa pang game kasi 1-0 ang standings at Best of Three lang ngayong Finals.


"Another Three-Point shoot from Sandoval!" Then the score became 81-73. Talagang tinotodo nung mga graduating students ang larong toh.


"Uyy Ang Cool ni Ronnie dun ha" Pang aasar ni Sandra.


Yeah I know Right. Kaya nga nagkakagulo na naman ang mga kababaihan dito. Halos 75% ng tao dito sa gym eh siya ang sinisigaw.


Parang hindi ako makagalaw nung biglang nagtama yung mga mata namin ni Ronnie. He was like stunned. Kung hindi siya sinigawan ni Brent baka patuloy parin siyang nakatayo doon. Okay. Weird.


Maraming beses naagawan ng bola si Ronnie. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sakin. Hindi na siya ganun kadalas makashoot. Until naging dikit na yung score. 91-89 na.


Bigla akong napatayo nang mabangga ng team Captain sa kabilang team si Ronnie. Natumba siya. He's holding his Left leg at kita ko sa mukha niya na nasasaktan siya. Agad siyang nilagay sa stretcher at binuhat palabas.


Sobrang pag aalala ang nararamdaman ko ngayon. I can't watch this game anymore.


"Oh my Gosh. I hope Kuya Ronnie is fine" Sabi ni Alex. The game continued and the time remaining is 4 minutes+


"Dinala nila si Ronnie sa School Clinic. Ayaw niya sa hospital. Brent texted me" Nagkaroon ng time out that's why Brent had time to text Sandra.


"Pupuntahan ko siya. Maiwan ko nalang muna kayo dito" Sabi ko then I left them with their shocked faces.


Binilisan kong maglakad papunta sa building ng school clinic. My hands are shaking right now. I hope he's fine.


"Si Ronnie Sandoval po" Sabi ko sa school nurse kaya tinuro niya yung room kung saan siya. Saktong kakalabas naman nung mga umalalay sa kanya kanina.


Pumasok ako sa Room then I saw him resting. Hindi siya tulog. Nakaupo lang siya sa bed. Nakatalikod sa akin. Tumabi ako sa kanya kaya nagulat yata siya.


"Hindi ako multo. Okay" Pambungad ko sa kanya.


"Why are you here?" I know he will ask me that.


"Concerned ako. Wala ka nang pakialam dun" Sagot ko naman sa kanya.


"Kung alam ko lang sana na ito lang yung way para lapitan mo ako, Then sana noon pa ako nagpasadyang magpainjury" ---Ronnie


"What? Sinadyo mo toh!?" I asked him.


"No. I really thank Nathan for this" Si Nathan yung dahilan kung bakit siya nainjury tapos mag tthank you pa?


"I came here to see you. If you're fine." Sabi ko sa kanya.


"I'm really fine right now. How are you?" Tanong naman niya. Parang ako naman tong nainjury.


"Eto... Hindi ko maintindihan. Mom and Dad are already planning for that wedding" at naalala ko ulit kung paano ko sinigawan sila Mom.


"Wedding? They'll marry again?" Kahit kailan talaga ang slow -_-


"Kasal ko. They're planning my wedding with that Steve Delgado. I don't even know him. All I know is.. He's a model and a Playboy and yeaa.." Sabi ko sa kanya.


"Oh. Really? Okay"


Bakit kapatid ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon