Chapter 8
[Ronnie's POV]
Medyo malapit na kami sa bahay nila Klea nang may makasalubong kaming kotse. Huminto ako at tumingin kay Klea kung napansin niya yung dumaang kotse.
"Bakit ka huminto? Anong nangyari?" tanong ni Klea sakin.
"Uhm. Napansin mo ba yung kotseng nakasalubong natin?" tanong ko sa kanya
"Ha? Hindi. Nagclaclash of clans ako dito sa phone ko diba? Bakit? Ano bang meron sa kotseng nakasalubong natin?" Tanong niya ulit.
"Ah, wala. Wala yun. Tara na nga." Sabi ko sa kanya at pinapatuloy ang pagddrive ko.
"Ano bay an Ronnie, NaDefeat tuloy oh. Hindi nako nakaLoots. Sayang mag uupgrade pa sana ako ng Barracks eh" Napangiti nalang ako. Adik talaga to sa COC.
Yung kotseng nakasalubong namin kanina, Kotse yun ni Mark. Nabanggi ni Mark sakin kahapon na bibisitahin niya raw si Alex. So tumawag ako kay Klea na lalabas kami ngayon para hindi pa niya malaman na nililigawan ni Mark si Alex.
So natuloy pala siya sa pagdalaw kay Alex. Buti nalang at napapayag ko tong si Klea tsaka buti na rin kasi hindi namin naabutan si Mark sa bahay nila.
Pinark ko yung kotse ko tsaka kami pumasok sa bahay nila Klea. Naabutan namin si Alex at yung Parents na masayang nagkwekwentuhan.
"Oh. Ronnie's Here. Buti naman at dumalaw ka rin dito." Masayang bati sa akin ni Tita Thea.
"Yes mom. I also invited him for dinner." ---Klea
"That's great! Sana pala Alex ininvite mo rin si manliligaw mo para mag meet sila ni Ronnie" Sabi ni tito Xander kay Alex. Akala ko babanggitin niya yung pangalan ni Mark pero buti naman at hindi niya binanggit.
"So I decided na ako muna ang magluluto for Dinner." Masayang wika ni tita Thea.
"Okay honey, Just call us if the dinner is ready" sabi ni tito Xander kay tita.
"Hindi Xander. Tutulungan mo ako sa kitchen. Let's go" sabi ni tita at hinila ang kamay ni Tito sa kitchen.
"Uhm. Ate Klea, Kuya Ronnie? Sa kwarto muna ako ha?" pagpapaalam ni Alex.
Sumabay na rin si Klea kay Alex para kunin yung gitara niya sa kwarto niya. Nakaakbay pa siya kay Alex oh. Yung kapag tinitignan mo silang magkapatid, Napakaclose nila at parang hindi nag aaway.
Tinignan ko yung mga pictures nilang magkapatid na nakadisplay dito sa Living room nila. Para silang magkambal na hindi mo mapaghiwalay. Kung malungkot yung isa, Malungkot rin yung isa. Oo, nag aaway sila. Minsan kapag nag aaway sila pumupunta si Klea sa bahay namin pero kapag kinekwento niya yung dahilan, Mababaw lang yung dahilan.
Paano na kaya kapag nalaman ni Klea na si Mark ang nanliligaw sa kapatid niya? Matatanggap niya kaya? Sana naman Oo. Pero kapag hindi. Ano na kaya ang mangyayari?
"Hey! Ang lalim naman ng iniisip mo. Sa labas tayo, dun tayo magjamming" Then she gave me her beautiful smile.
Nagjajamming kami kapag bored kami. Naturuan ko na siyang mag gitara nung highschool kami. I remembered those days na lagi ko siyang tinuturuan every breaktime until natuto na siya sa pag gigitara.
"Kantahin mo nga yung Baby Blue Eyes, Sabayan nalang kita sa part na alam ko yung lyrics" Sabi niya sakin. Gustong gusto niya daw naririnig ang kantang yun lalo na kapag ako yung kumakanta. Tss, Nasabi na niya yun sakin noon.
"Bakit ba gustong gusto mo yun?" tanong ko sa kanya.
"Wala, gusto ko lang yung tune. Hehe" Kinuha ko na yung gitara sa kanya at nagsimula nang tumugtog.
My eyes are no good blind without her
..
The way she moves I never doubt her
..
When she talks she sometimes creep into my dreams
Nagbigay siya ng sign na siya naman ang kakanta kaya hindi na ako kumanta at pinagpatuloy parin yung pag gigitara ko at sinimulan niyang kumanta.
She's a doll, a catch, a winner
..
I'm inlove with no beginner
..
Could ever grasp or understand what she means.
Then nagbigay ulit siya ng sign sa akin na sabay daw kami sa chorus.
Baby Baby Blue eyes, Stay with me by my side
..
'til the morning through the night
..
Baby stand here holding my sides, Close your baby blue eyes
..
Every moment feels right
..
And I may feel like a fool but I'm the only one dancing with you
..
Ooooh.. Ohhh. Ohhh. Ohh.
Tinapos namin yung kanta ng maayos. Dati nagsstop kami dahil nakakalimutan namin yung lyrics pero buti naman at natapos namin ngayon nang hindi humihinto.
"Klea I remembered something when we were still young" sabi ko sa kanya
"You remembered what?" she asked.
"You wished that someday you'll wake up with a blue eyes at hindi na brown" Then we both laughed.
"Excuse me? Bata pa tayo nun kaya hindi ko iniisip yung mga pinagsasasabi ko"
Ang dami naming memories ni Klea na hindi ko makakalimutan. Gusto kong gumawa pa ng memories with her habang buhay pa ako. Natatakot ako na isang araw mawala lahat. Natatakot akong lumayo siya sa akin. Should I keep my feelings for her forever?
A/N...
So Moments nila Ronnie at Klea muna para sa chapter 7 and 8. I hope you like it. Please vote ;) Thank you :*

BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...