Chapter 27
[Klea's POV]
"I'm afraid to L-Lose you Levigne"
Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo sa kanya. Walang katapusan ng paglabas ng luha ang mga mata ko. Feeling ko ang hina hina niya nung sinabi niya yun sa akin. Shet na malagkit.
Pinara ko yung isang taxi at sumakay. I'm going to Sandra's house. I need her right now. Kaibigan ko pa rin yun no matter what happens. Narealize ko eh. Mali yata ako. Oo nasaktan ako kaya nadala ako sa nararmdaman ko kaya ako nagalit sa kanila. Tama si Ronnie kanina. Babalik na sana kami sa dati kaso yung sinabi nga niya kanina.
Pinapasok naman ako sa bahay nila dahil kilala na nila ako dito. Dumiretso ako sa kwarto niya at kumatok sa pintuan ng room niya then she opened it immediately. Mukhang gulat pa siya.
I just smiled at her then pumasok ako sa room niya at sinara yung door. Gulat parin talaga siya kaya. I layed on her bed na parang walang nangyari.
"Ano? Tititigan mo lang ako? Hindi mo ako papakainin?" tanong ko sa kanya.. Everytime I visit her, Marami siyang pagkaing Prineprepare kung mag ssleep over ako dito.
"Sabi ko nga.. Kukuha ako sa baba. Hindi ka man lang kasi nagsabi" Sagot niya sabay labas.
Pagbalik niya, Maraming siyang dalang chips... Chocolates... Drinks etc. Nagpaluto pa ng fries sa maid nila. Parang dati lang.
"Wag ka ngang umarteng ganyan Sandra! Ang tahitahimik mo eh! Kanina ka pa nakatingin sa akin na parang hindi mo ako kilala" Sabi ko sa kanya.
"Anong nakain mo Klea?" ---Sandra
"Wala.. kaya nga pumunta ako dito para kumain." Sagot ko sa kanya.
"I thought you're still mad at me" ---Sandra
"Nadala lang kasi ako sa nararamdaman ko kaya nagalit ako sa inyo. I'm sorry" Sabi ko sa kanya then I hugged her so tight.
"Ano ba yan! Ang drama masyado! Basta okay na ang lahat Okay? So... Nag usap na kayo ni Ronnie?" Umupo ako ng matuwid at tinignan si Sandra.
"That's why I'm here para ikwento sayo na Nagsigawan kami kanina sa parking lot" Sagot ko sa kanya
"Ha? Paano naman kayo napadpad sa parking lot? Tsaka bakit kayo nagsigawan? Tsaka ka dumiretso dito sa akin?" Sabi ko na nga ba tatanungin niya lahat.
Kinwento ko sa kanya yung nangyari simula dun sa pag alis ko dun sa party. Na naglasing ako tas nakatulog ako sa bahay nila Lerick. Kilala rin pala niya si Lerick kasi nga bestfriend niya rin si Mark so kilala niya yung buong family ni Mark. Hanggang dun sa pag ssnob ko sa kanila nung umuwi ako tapos nung pumunta ako sa Ice cream house hanggang sa nakarating ulit ako sa condo ni Lerick. Pati yung sinampal ko yung babaeng dinedate ni Lerick at nagpanggap kami hanggang sa dumating si Ronnie at dun sa Parking lot.
"So best friend na kayo ni Lerick niyan? Tsaka sorry ha hindi ko sayo sinabi noon pa na may nararamdaman sayo si Ronnie. I want to tell you pero nagmamakaawa si Ronnie na wag nalang daw kasi baka kapag nalaman mo.. Lalyo ka sa kanya and that was actually what you did a while ago nung sinabi niyang mahal ka niya. Lumayo ka at pumunta dito sa bahay." ---Sandra
"Iba na kasi ngayong alam ko na. Sobrang awkward kung babalik kami sa dati tapos .. Basta hindi ko maexplain!" sagot ko kay Sandra.
"How about Alex? Did you talk to her already?" ---Sandra
"Not yet. I'll talk to her later after ng dinner namin sa bahay. Wala sila Mom and Dad kasi they're on their way to Palawan kanina. That means.. Kami lang diba?"
"That's good. Sana maayos na"
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...