Chapter 9
[Ronnie's POV]
Kumanta nang kumanta kami ni Klea hanggang sa nagsawa kami. Pumunta siya sa kwarto niya para ibalik yung gitara niya sa kwarto niya. Sobrang inaalagaan niya kasi yung gitara niyang yun kasi syempre regalo ko yun sa kanya nung 15th birthday niya. Pumunta ako sa living room at naabutan ko dun si Alex.
"Kuya Ronnie? Can we talk?" Sabi niya sakin kaya umupo kami sa sofa.
"About saan Alex?" tanong ko sa kanya.
"Thank you kuya ha? Buti nalang niyaya mo si ate para lumabas. Kung hindi, baka nalaman na niya kanina. Hindi pa po ako handa kuya" Sabi ni Alex, Mark visited her a while ago dito sa bahay nila.
"Shhh. Baka may makarinig. Wala yun Alex. Sinadya ko rin kasi, gaya mo nga. Hindi rin ako handa na malaman niya." Nag smile lang siya sakin. Palingon lingon kami sa likuran namin kasi baka nandyan na si Klea.
"Alam mo ba kuya, Sinabi ko kila mom at dad na wag munang banggitin yung pangalan ni Mark kung meron si ate Klea" ---Alex
"Hindi ba sila nagtaka? O nagtanong kung bakit naman hindi nila babanggitin yung pangalan ni Mark kay Klea?" tanong ko sa kanila..
"Oo nagtanong sila kung bakit. Sinabi kong surprise nalang kay ate. Parang hindi nga valid yung reason ko eh. Pero oo nalang ang nasabi nila mom" then she smiled again.
"Dinner is ready! Where's Klea? Kindly call her Alex. Thank you" umayos na kami ni Alex kasi yung itsura namin parang nagtsitsismisan sa isang barangay.
[Klea's POV]
"So, Kamusta naman ang dinner niyo kagabi with Ronnie?" tanong sa akin ni Sandra at inemphasize pa talaga yung pangalan ni Ronnie. I know what she means.
"Tigil tigilan mo nga kami ni Ronnie. Mag bestfriends lang kami yun lang"
"Ouch! LANG? as in, kung anong meron sa inyo ni Ronnie. NilaLANG mo? Hala ka, masasaktan si Ronnie niyan" Hindi naman yun ang ibig sabihin ko.
"Hanggang magbestfriends lang kami. Hindi yung niLaLANG ko yung friendship namin. Ronnie is very important to me you know" Sagot ko sa kanya.
"Okay, so kwento ka naman tungkol sa date niyo ni Ronnie kahapon" tanong niya sabay kinikilig pa.
"Sandra! Dating gawi namin yun. Yung mag hangout together na kaming dalawa lang. Hindi yun date para samin. Tsaka napapansin ko ha? These days inaasar mo ako kay Ronnie. Ano bang meron? Dati lang tinutukso tukso moko kay Mark. Ngayon Ronnie naman?" tanong ko sa kanya. Oo eh, napansin ko yun. Nung mga nakaraang araw, puro nalang siya Ronnie, Ronnie, Ronnie.
"Nafigure out ko na mas bagay kayo ni Ronnie kesa kay Mark. Saan ka pa? Ultimate Package na si Ronnie. Heartthrob oh. Gwapo, Team Captain ng Varsity team, Magaling kumanta at sumayaw, Matalino pa. Eh si Mark? Parang ordinary student naman dito. Mas sikat si Ronnie ang daming babaeng humahabol sa kanya" Ay sakit naman nun. Maka ano naman kay Mark.
"Grabe ka Sandra. Ang sakit naman nun, Parang nilait mo lang si Mark. Kung tutuusin nga bestfriend mo siya! Sinisiraan mo! Nag aaway ba kayo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman. Just stating facts." Sagot niya rin sakin.
"Eh kayo nalang kaya ni Ronnie eh noh? Tss" Pang aasar ko sa kanya. May boyfriend na tong Sandra na toh. Minsan nga pinagseselosan nung boyfriend niya si Mark.
"You know that I have a boyfriend. Mas better pa kay Mark. Dapat Klea yung magiging boyfriend mo mas better rin sa boyfriend ko. Kung hindi, tatawanan talaga kita." Oo nga naman. Kasi yung boyfriend ni Sandra, close friend rin ni Ronnie kaya medyo sikat rin dito pero lamang parin si Ronnie. Si Mark? Kung titignan, parang napag iwanan na siya eh. Pero hindi dahil dun eh hindi ko na siya gusto.
"Wala akong paki kung pagtawanan mo ako. Si Mark parin" sabi ko sa kanya.
"May tanong ako sayo Klea. Answer it seriously" then we became serious.
"Ano yun Sandra?"
"Anong mas masakit Klea. Yung malaman mong may girlfriend na si Mark. O yung mawala sayo si Ronnie dahil may ibang babaeng nagpapasaya sa kanya?" tanong ni Sandra. Napaisip ako sa tanong niya. Iniisip ko palang nasasaktan na ako. Pero sa dalawang sinsabi sakin ni Sandra, may isang sobrang masakit sakin kapag nangyari.
"Ano Klea? Sagutin mo yung tanong ko" sabi ni Sandra.
"Hindi ko alam Sandra pero. Nung binaggit mo yun. Iniisip ko palang, sobrang bigat na yung nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya.
"So what's your answer?" tanong ulit ni Sandra.
"Mas masakit kasi yung mawawala na si Ronnie sakin tapos may ibang babae na, na nagpapasaya sa kanya. Hindi ko alam pero mas masakit kasi talaga yun eh" sabi ko kay Sandra.
"Oh my Gosh!" Napataas ng boses si Sandra.
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...