Chapter 20

23 4 0
                                    

Chapter 20

[Klea's POV]

Nagprepare palang ako para sa party ni Mark. Kasalukuyan akong naka bathrobe at hindi pa nakakapag ayos. Kinuha ko yung phone ko dahil tumatawag si Ronnie.


"Hello? Oh ano? makakapunta ka ba?"

[Yes pero malelate ako. Inutusan ko yung driver namin na sunduin ka at ihatid sa bahay nila Mark so don't worry]

"Thank you. So see you nalang later?"

[Are you sure you're going Klea?]

"Very sure"

[Okay then. Goodbye]


Inend ko na yung call dahil pumasok si Alex sa kwarto. She's wearing a long white dress. Siguro may pupuntahan to. Hindi nab ago sakin kung nakadress siya ngayon.


"Ate I'll be going out. Magpapaalam lang sana ako sayo." Sabi niya. I just smiled at her and nodded. Lumabas na siya ng kwarto ko kaya naman sinimulan ko na ring ayusan ang sarili ko. Sayang magpapaayos pa sana ako kay Alex. She's so pro. when it comes to this.


Nakalimutan kong tanungin kung saan yun pupunta ah? Nagpaalam naman siguro yun kina Mom at Dad. Dahil hindi ako magaling sa pag memake up, Nag lipstick lang ako tsaka naglagay ng liquid eyeliner then blush on. Hindi ko talaga alam mag ayos! Dinryer ko lang yung hair ko at nilugay.


I wore my dress and my blue wedge dahil hindi ako sanay sa mga pointed heels. Lumabas na ako ng room ko at dumiretcho sa gate. I saw a car waiting for me. For sure eto yung driver na inutusan ni Ronnie.


Kinabisado ko talaga yung way papunta kila Mark. Nang makarating kami sa mansion nila, agad akong lumabas and there I saw Sandra wearing a red dress.


"Oh Klea! You're here na pala! Where's Ronnie huh?" tanong ni Sandra. Tignan mo nga naman to. Si Ronnie na naman yung hinahanap.


"Malelate siya kaya pinahatid niya ako sa driver nila. So dito pala sa labas yung venue huh?" Malawak dito sa yard nila. May pool naman sila pero walang lumalangoy.


"Hey Klea! Ang ganda naman ng kapatid mo. Mana sayo" Sabi ni Brent at inakbayan si Sandra. Ay! Kaya pala nakadress rin yung isang yun! Sinabi niya sana na dito siya pupunta edi sana sabay nalang kami.


"Hindi ko alam na dito pala siya pupunta. So she's here pala? Great." Sabi ko kila Sandra at biglang nagbago yung expression ng mukha ni Sandra. Is there something wrong?


"Hindi yata kasi alam ni Alex na pupunta ka dito" Sagot ni Sandra at nag nod lang ako. Medyo marami yung tao kaya hindi ko Makita si Alex.


May konting program sa birthday ni Mark. Naging emcee naman yung kapatid niyang si Marie. We sang a happy birthday song for him then he blew his cake.


"My kuya is the best kuya for me kasi lagi siyang nandiyan para sakin. Sobrang protective niya kaya hindi pa ako nagkakaboyfriend. Mas strict pa siya kesa sa parents namin. Ang daya nga eh kasi may curfew ako pero siya wala. Saan yung hustisya diba? Pero pag umuuwi naman yung ate namin na nakatira ngayon sa Canada, Under na under naman si kuya kaya ang saya ko pag umuuwi si Ate kasi nafefeel niya yung ginagawa niya sakin" kwento ni Marie sa ministage sa harap.


"Pero alam niyo ba? Kuya likes someone pero hindi ko pa siya kilala. Sana yung babaeng yun pabaitin si Kuya noh? Sana yung babaeng yun ipapagtanggol ako kay kuya. Matanda na si kuya! May nagugustuhang babae oh! Sige yun lang muna" Sabi ni Marie. Sige Marie baling araw ipagtatangol kita sa kuya mong si Mark. Ang assuming ko lang talaga.


Nagkwentuhan kami dito sa table kasama sila Sandra. Kasama namin yung mga ka teammates nila Ronnie. Para silang mga nakadrugs! Ang lalakas ng trip! Hindi bagay yung suot nila, Nakaformal sila tapos asal badboy pero masaya naman silang kasama.


"Hi? I'm Lerick, You are?" Nagulat ako dun sa lalaking tumabi sakin. Ang pogi naman niya pero lamang parin si Ronnie ng mga benteng ligo?


"Klea" Sagot ko at nagshakehands kami. Sumali siya samin at nakipag kwentuhan. Kilala pala siya nung ibang kateam nila Ronnie. Pinsan pala siya si Mark kaya naman good looking rin.


"You're so beautiful Klea. Hindi mo ba nahahalata na ikaw yung pinag uusapan namin ng mga pinsan ko? Nainis kami kay Mark kasi hindi niya sinabing may kaibigan pala siyang sobrang ganda" Sabi ni Lerick. Hala mga pinsan pala ni Mark yung mga tumitingin sakin. Ayaw sabihin ni Mark sa kanila kasi sa kanya lang ako. Ganun ba? HAHAHA!


"Thank you nalang kung maganda ako. By the way, may Idea ka ba dun sa surprise daw ni Mark tonight?" tanong ko kay Lerick. Close na kami niyan huh!


"I think it's about the girl he likes. Basta yun lang ang alam ko and I think nandito yung babaeng yun kaya isusurprise niya" Bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lerick. Like daw diba hindi Love? Parang gusto ko nang umalis. Paano kung... shet. Aalis na yata ako.


Naptingin kami sa harap dahil pumunta si Mark dun at kinuha yung microphone. Halatang kinakabahan siya sa kilos niya. May possibility na ako yung tinutukoy ni Lerick na gusto ni Mark pero T@ngina eh! Mahirap umasa!


"I decided to do this ngayong birthday ko. It will be a very big gift to me if she says Yes. This girl made my heartbeat crazy since I first met her. Were not that close kaya gumawa ako ng way para mapalapit kami. Then the day came na tinanong ko yung parents niya if I can court her. Sobrang saya ko nung pumayag sila at lalo nung pumayag siyang ligawan ko siya. So niligawan ko siya as hard as I can and now... Gusto ko maraming witness kung anong isasagot niya sakin ngayon sa tanong ko sa kanya." Tumayo ako. Handa na akong umalis dahil hindi ko kayang tignan. Bakit hindi ko alam na may nililigawan nap ala si Mark!?


"Can I call you here in front? The girl who made me so in love. Ms. Alex Levish Velasco?"


Bakit kapatid ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon