Chapter 2
[Ronnie's POV]
Kakasundo ko kay Klea. Nakaupo kami ngayon sa bench habang hinihintay ang next class namin. Mukhang puyat siya kagabi. Ako nga rin napuyat sa kakaisip sa kanya.
Matalik kong kaibigan si Mark kaya sa akin niya sinabi yon. Yung panliligaw niya sa kapatid ni Klea. Walang kaalam alam si Klea sa mga pangyayari. Paano na kung malalaman niya toh? Masasaktan ulit siya. Ayoko siyang nakikitang nasasaktan.
Paano kaya kung sabihin ko na sa kanya ang totoo?
"Klea"
"Bakit Ronnie?" sagot niya.
"Paano kung isang araw malaman mong may nililigawan si Mark?" napatingin siya sa akin ng Seryoso.
"Hindi ko yan matatanggap. Hoy Ronnie. Sabihin mo nalang. Paano pag niligawan ako ni Mark. Para masaya. Haha" Haayy. Why not me?
"Ang manhid mo Klea" Sabi ko sa kanya.
"Bakit Ronnie? Don't tell matagal na akong gusto ni Mark. Kaibigan ka niya diba? Sabihin mo! Sabi mo manhid ako. Dahil hindi ko ba nararamdaman na gusto pala ako ni Mark? Hayys . Sana totoo nga" Napa face palm ako sa sinabi niya.
"Ang layo naman ng narating mo." Sabi ko sa kanya.
"Ronnie may sasabihin ako sayo." She told me seriously. What? You love me? How I wish.
"Magcoconfess na ako kay Mark. Mamayang gabi." My eyes widened. She's serious? If she'll confess, malamang sasabihin ni Mark na nililigawan niya si Alex.
"G-ganun ba? Tingin ko wag muna Klea. This is not the right time." Sagot ko sa kanya.
"Ano ka ba Ronnie! Wag ka ngang Kj." Medyo galit na siya.
"Kasi Klea ! Makinig ka sakin! Hindi Pwede!" Medyo napataas ang boses ko kaya nagulat siya. Napatayo na kaming dalawa.
"Ang selfish mo naman Ronnie. Hindi naman ako mawawala sayo kapag umamin na ako sa kanya! Bestfriend kita! Alam mo naman yun. Intindihin mo kasi ako Ronnie!" at umalis na siya.
"Klea . Ayaw ko lang naman na masaktan ka." Sabi ko sa sarili ko.
Almost all of the girls here in this university are dreaming on me. But why? What makes you diferrent from the other girls?
[Klea's POV]
Kasama ko ngayon si Sandra. Sasabihin ko sa kanya na aamin na ako kay Mark.
"Sandra. Tinext ko si Mark na magkita kami mamayang gabi sa park na tinext ko sa kanya. Aamin na talaga ako sa kanya."
"Seriously Klea? This not the right time" ----Sandra
"Pati ba naman ikaw Sandra?"
"Ano bang nakain mo at naisipan mong gawin yan. Akala ko gusto mo lang si Mark. Hindi ko inexpect na mahal mo na pala talaga siya" ----Sandra
"Napaisip kasi ako sa sinabi ni Ronnie. Paano kung malaman ko isang araw na may nililigawan na pala si Mark? Ayokong dumating ang araw na yun. Masasaktan ako. Aamin na ako sa kanya."
"Okay. Dapat maganda ka kapag magkikita kayo. Magdress ka naman kahit mamayang gabi lang ha?."----Sandra
"Wtf? Dress!? Okay. Gagawin ko toh for the sake of this confession. Magpapatulong ako kay Alex" Nanlaki ang mga mata ni Sandra.
"Kay Alex? Alam ba ni Alex kung kanino ka magcoconfess?" ----Sandra
"No. Hindi ko muna sasabihin. Basta magpapatulong ako. Gotta go Sandra. Kita nalang tayo bukas."
Tinawagan ko si Sandra. Magkikita kami sa mall kung saan nakatayo yung isang branch ng shop namin.
"Alex. Pick a dress na bagay sa akin." Nagulat siya sa sinabi ko.
"You sure? Magsusuot ka ng DRESS? As in Dresss?" tanong niya then I nodded. "Ano bang occasion? Bakit ka magddress?" tanong ulit niya.
"Basta, Kung ikaw nga kung maka dress akala mo everyday may JS prom eh. Just Pick a dress na bagay sa akin. May pupuntahan ako mamayang gabi."
She started finding a dress for me. Magsusuot ako ng Dress. Hindi naman siguro ako mamamatay diba?
"Here. Suotin mo yan mamaya. Bagay yan sayo. I promise. Mauuna muna akong uuwi kasi masama pakiramdam ko." She said.
"Thank you Alex." Now I'm Ready
BINABASA MO ANG
Bakit kapatid ko pa?
Teen FictionShe's Klea. He loves Mark but Mark doesn't love her. Si Ronnie naman ang bestfriend ni Klea since birth na secretly inlove with Klea. He really wants to confess pero natatakot siya na baka layuan siya ni Klea after confessing. Then there's Alex. Kle...