Chapter 26

18 4 0
                                    

Chapter 26

[Klea's POV]

"Babe daw sabi ni Ronnie" Gago talaga tong Lerick na to. Tawagin pa ako ng Babe!


"What do you mean babe?" Tanong ni Ronnie kay Lerick. Napatayo naman ako.


"Nevermind that. I just call her babe pero wala talagang kami. Inaasar ko lang siya Don't worry" Sagot naman ni Lerick.


Sinuot ko yung boots na suot ko kanina at inayos yung pinagkainan ko saglit habang may sinasabi si Ronnie kay Lerick. Kinuha ko yung bag ko at lumapit ako kay Lerick kaya naman napatingin si Ronnie sa akin.


Kung hindi lang siguro kami nag aaway baka pinagalitan na niya ako kanina pa sa harap ni Lerick. Sorry na lang siya galit ako sa kanya. Hindi niya ako mapagalitan but I can see in his eyes right now na parang gusto niya akong pagalitan.


"Let's go" sabi niya sabay hila sa akin. Kinawayan ko lang si Lerick bilang pagpapaalam sa kanya. Nag wave rin siya at ngumiti then he closed the door.


"Let go of me! I can walk!" Sigaw ko sa kanya habang nandito kami sa elevator. Kaming dalawa lang. Tahimik lang siya, ganyan siya kapag galit na eh.


Medyo madilim na pala dito sa labas kaya napatingin ako sa wristwatch ko.. 5:17pm palang naman! Tsaka bakit ba kasi ako pumayag na umalis dun! Ugh!


"Sakay" sabi niya sa akin habang hawak yung pinto ng car niya. Hello ha? Baka nakakalimutan niya na galit nag alit parin ako sa kanya?


"I'd rather ride on a taxi kesa makasabay ka pauwi. Don't act like nothing happened" Sabi ko sa kanya at akmang aalis na sana kaso napatigil ako dahil sa lakas ng pagsara niya dun sa pintuan ng kotse niya.


"Why are you acting like that Klea!? Yeah I admit that I was wrong! I'm sorry for not telling you earlier because I'm scared that.." Naputol yung pagsisigaw niya niya sa akin dahil sinigawan ko rin siya. Buti nalang at wala masyadong tao ngayon dito sa Parking Lot.


"Natatakot ka na masaktan ako!? Kung totoo yan edi dapat sinabi niyo na noon pa! Para hindi na ako nagmukhang tanga! Ngayon alam niyo na kung ano ang resulta! Mas nasasaktan ako ngayon Ronnie pero hindi halata! Don't worry! I think nakamove on na ako! Wala na akong nararamdamang sakit ngayon!" Sigaw ko rin sa kanya with tears falling from my beautiful eyes.


"Please forgive me Klea.. also Sandra and Alex for not telling you about that earlier. I regret what I did.. What we did. Sana bumalik tayo sa dati" Nasasaktan rin ako kapag nakikita ko si Ronnie na ganito. Totoo nga yung sinabi ni Dad. Hindi ko alam kung ano yung side nila that time. Should I hug him right now and say that I forgive him? Them?


"I hope that someday bumalik na ang lahat... Yung gaya ng dati Klea." Tangina umiiyak na rin yata siya.. His voice was.. Shit


"I love you.." He said in a husky voice.


"I'm afraid to L-Lose you Levigne"

Bakit kapatid ko pa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon