Chapter 03

11.7K 323 11
                                    

GRAY

Naglalakad ako pauwi ng makasalubong ko si Seven, pareho kaming napatigil sa paglalakad.

"Seven..."

Tiningnan niya lang ako...

"Oi,Seven!"

Tiningnan ko ang lalaking umakbay kay Seven.

"I-Ikaw."

"Huh?", takang tanong ng lalaki na umakbay kay Seven. "Nagkita na ba tayo?", tanong nito sa akin.

"Tara na.", Seven sabay lakad paalis.

Nilingon ko si Seven na nilagpasan lang ako.

"Seven!", tawag ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad pati rin ang tatlong lalaki na kasama niya.

"Bumalik ka na.", sabi ko sa kanya. Pero hindi ako nito tinapunan manlang kahit isang tingin ulit saka ito nagtuloy sa paglalakad palayo kasunod ang tatlo nitong kasama na lalaki.

"Sandali lang,Seven!", sabi ko sabay habol kay Seven.

Pero bago pa ako makalapit kay Seven ay hinarang na ako ng dalawa sa tatlong kasama niya sabay tulak sa'kin kaya napaupo ako sa lupa. Hindi siya tumigil, nagpatuloy lang siyang lumakad palayo, hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Hayaan mo na si Seven. Hindi na siya babalik sa basura niyo ng paaralan.", sambit ng lalaki na mahaba ang buhok saka umalis kasunod ang isa pa nitong kasama.

Naiwan ako na tulala at sinusundan nalang ang palayo ang bulto ni Seven.

---

Sa wakas nakauwi na din ako, nakakapagod ang araw na ito grabe!

"Andito na po ako!", pag-anunsyo ko sa mga tao sa bahay.

"Maligayang pagbabalik,Miss!",bati nilang lahat sa'kin.

Kukunin na sana ni Yo ang bag ko pero pinigilan ko siya, ayokong magbuhay prinsesa kasi para sa akin hindi namin sila mga tauhan para sa akin ay pamilya sila. Teka, bakit wala si Papa para salubungin ako?

"Si Papa?" , tanong ko sa kanila.

Pero bago pa makasagot si Yo ay hinanap ko na si Papa sa buong bahay habang sunod naman ng sunod si Yo sa'kin.

"Miss Rie.."

Hindi ko pinansin si Yo, bakit hindi ko makita si Papa?!

"Mi-Miss Rie."

Hindi ko pa rin pinansin si Yo, busy pa rin ako kakahanap kay Papa.

"Mi-Miss Rie!"

Nasaa ka na ba?

Papa?

Papa?

Papa?

"Miss Rie."

"Ano?!", galit kong bulyaw kay Yo na ikinatakot nito kaya agad akong humingi ng tawad sa kanya.

"A-Ah di-'di po ba ngayon ang alis ng Papa niyo  papuntang Italya.", sambit nito.

Natigilan ako sa sinabi ni Yo, oo nga pala ngayon ang alis ni Papa para makipagpulong sa mga pamilya na kaalyado ng pamilya namin, humarap ako sa kanila saka tumawa ng tumawa, maya-maya pa'y nakitawa na rin sila.

"Handa na ang pagkain!"

Napalingon kaming lahat kay Ken, ewan ko kung bakit hilig ni Ken ang magluto eh hindi naman niya trabaho ang pagluluto ng pagkain namin dahil may mga maid naman kami.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon