[Seven's POv]
Natapos din ang magulo pero enjoy na outing kaya ngayon ay balik na ulit kami sa paaralan.
"*yawn*", ako sabay inat ng mga kamay ko.
"Goodmorning!", Gray sabay akbay sa'kin.
"Goodmorning!", bati ko din sa kanya.
Pumasok na kami sa loob ng classroom, naupo ako sa upuan ko saka tumungo...
*KA-BLAG*
Napatingin kaming lahat sa may pinto...
"Masamang balita.", Shaun.
At base sa hilatsa ng mukha ni Shaun mukhang masamang balita nga ang dala nito...
Napakunot-noo ako...
[Vice Principal's POV]
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong magquit ka bilang guro dito sa Southville High, Ms. Sawada."
Napatingin kaming lahat kay Mr. Ruiz...
"Pe-Pero----------", Teacher Rie.
"Mas mabuti ng ikaw ang mag-quit kesa sa ang paaralan mismong ito ang magtanggal sa'yo. Para na rin ito sa ikabubuti mo.", Mr. Ruiz.
Tiningnan ko si Ms. Sawada, nakatungo ito at alam kong anumang segundo ay iiyak na ito...
"Pero, Mr. Ruiz mawalang-galang na po pero wala namang nagawang paglabag-------"
"Wala nga pero sa tingin ko'y wala siyang kakayahang maging guro.", Mr. Ruiz.
*KA-BLAG*
Napatingin kaming lahat sa may pintuan, napatayo ako ng makita ko ang buong 4D na nakatayo doon...
"Anong ginagawa niyo dito? Bumalik kayo sa classroom niyo!", sabi ko sa kanila.
"Ito ba ang sinasabi niyong 4D na napatino ng teacher na 'yan?", Mr. Riuz sabay turo kay Rie.
Nakita kong sumama ang tingin ng 4D kay Mr.Ruiz...
Hindi maganda 'to...
[Sid's POV]
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na hindi masapak si Mr. Ruiz dahil isa ito sa mga mahahalagang tao dito sa school at ayoko ring ipahamak si Rie...
"Base sa itsura ng mga estudyanteng ito ay mga walang kuwenta ang mga ito.", Mr. Ruiz sabay tingin sa 4D mula ulo hanggang paa.
Tang-ina nangangati na ang kamao ko, gustong-gusto ko ng sapakin ang kalbo na'to...
"Kagaya lang kayo ng homeroom teacher niyo... walang kuwenta... *smirk*", pang-iinsulto nito kay Rie.
Susugurin na sana ng 4D si Mr. Ruiz pero pinigilan namin sila nila Teacher Tina at Teacher Pam...
"'Wag! Mas lalo niyong ipapahamak si Rie.", bulong ko sa kanila.
"*smirk* Sa ugali niyong iyan sigurado akong walang kinabukasan na naghihintay sa bawat isa sa inyo.", patuloy ni Mr. Ruiz.
At doon na tuluyang nawalan ng pasensya si Seven at ang buong 4D, susugurin na sana ni Seven si Mr. Ruiz pero agad itong yinakap ni Rie para pigilan...
"WALA KANG KARAPATANG PAGSALITAAN NG GANYAN SI RIE DAHIL HINDI MO SIYA KILALA!", angil ni Seven kay Mr. Ruiz.
"Hindi kilala? *smirk* Kilalang-kilala ko kung sino siya. Kaya nga gusto kong mag-quit siya dito para na rin sa kaligtasan ng pamilya at siyempre ng paaralang ito.", Mr. Ruiz.
Natigilan kami nila Seven, napatingin naman si Rie kay Mr.Ruiz na para bang alam na niya ang ibig sabihin nito...
"Tama na...", Rie.
[A/N]
"*smirk* Nagtataka ako kung bakit nandito pa ang mga basurang gaya niyo sa paaralang ito gayong puro kahihiyan at problema lang naman ang dinadala niyo sa paaralang ito.", Mr. Ruiz.
Susugurin na sana ng 4D at ni Seven si Mr. Ruiz pero pinigilan nila Sid ang mga ito...
"Sumusobra ka na ah!", Channe.
"Sino ka ba para insultuhin kami?!", Blaze.
Nagwawala na ang buong 4D at hindi alam nila Sid kung hanggang kailan nila kayang pigilan ang mga ito...
"Mga walang kuwenta!", Mr. Ruiz.
Lalong nagalit ang 4D sa sinabi ni Mr. Ruiz kaya lalong nagwala ang 4D at hindi na magkanda-ugaga sila Sid at ang ibang faculty member para pigilan ang mga ito...
"TAMA NA!", sigaw ni Rie.
Natahimik silang lahat at napatingin kay Rie... humarap si Rie kay Mr. Ruiz...
"Ako di'ba ang pinunta mo dito? Kung gusto mo akong umalis sa paaralang ito... *sigh*sige gagawin ko! Pero sana 'wag mong iinsultuhin ang mga estudyante ko dahil kompara naman po sa inyo ay may respeto sila sa mga taong dapat respetuhin.", Rie habang pigil ang luha.
"Ms. Sawada.", Vice Principal.
"Bukas na bukas din ay ipapasa ko ang resignation letter ko.", Rie.
"Oi, Rie ! Ano bang pinagsasasabi mo?!", Seven.
Humarap si Rie kay Seven saka niya ito nginitian...
"Magiging okay din ang lahat. *smile*", Rie sabay gulo sa buhok ni Seven.
Tinulak ni Rie ng marahan si Seven palapit sa 4D na nakatulala lang doon, nginitian niya ang mga ito...
"Sige na bumalik na kayo sa classroom, hintayin niyo ako doon. *smile*", Rie sabay tulak sa 4D.
Ng wala na ang 4D ay hinarap ni Rie si Mr. Ruiz...
"Mabuti 'yang naging desisyon mo, Ms. Sawada dahil kung nagmatigas ka pa malamang pati mga estudyante mo ay ma-expelled dahil sa ginawa nila ngayon.", Mr. Ruiz sabay lakad palabas ng faculty room kasunod ang mga tauhan nito.
[Sid's POV]
Nilapitan ko si Rie..
"Rie...", sambit ko.
Tiningnan ako ni Rie saka siya ngumiti sa'kin... isang pilit na ngiti...
"*sigh* Mukhang mababali ko ang pangako ko sa kanila.", sambit niya sabay ngiti, ngiting may bahid ng lungkot.
"Rie..."
"Sid, ikaw na bahala sa kanila 'pag umalis na ako dito.", sabi ni Rie sa'kin.
Hindi nalang ako nagsalita dahil sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na iyon, wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin palabas ng Faculty Room...
"Rie...", sambit ko.
* * *
FYI...
ISA SA MGA SCHOOL BOARD SI MR. RUIZ AT ALAM NIYA NA ANG TOTOONG PAGKATAO NI RIE...
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...