Chapter 25

7.6K 262 10
                                    

[Channe's POV]

"Ang lakas ng loob mong pumunta ng mag-isa. Sa tingin mo ba kaya mo kami ng mag-isa ka lang?", Arthur.

Tiningnan ko sila isa-isa...may mga hawak silang mga tubo saka ko ibinalik ang tingin kay Arthur.

"Tapusin na na'tin 'to.", sabi ko.

"Ng mag-isa ka? Nagpapatawa ka ba?*laugh*", Arthur.

"MANAHIMIK KA! KAYA KO KAYONG PATUMBAHIN LAHAT!", sigaw ko sa kanila.

Tiningnan ni Arthur ang mga tauhan niya saka tumingin ulit sa'kin.

"Sugurin siya.", Arthur.

Sunod-sunod nila akong sinugod at dahil doon ay hindi ko sila nailagan lahat.

[Rie's POV]

"CHANNE!", tawag ko sa pangalan niya.

Nagbabaksakali ako na nasa paligid lang si Channe at maririnig niya ang pagtawag ko sa kanya.

Tumigil ako sa pagtakbo at nagpalingon-lingon, umaasa na makita ko siya doon.

"Nasaan na kaya ang batang iyon.", sambit ko habang hinihingal.

*PHONE RING*

Kinuha ko ang cellphone ko at saka sinagot ang tawag...

"Gan'un ba. Salamat.", sabi ko sabay bulsa ng cellphone ko.

Saka ako tumakbo ulit...

"Mga pasaway...", sambit ko habang tumatakbo.

[Channe's POV]

Hinawakan ni Arthur ang kuwelyo ko.

"Alam mo bang hindi ka namin titigilan hangga't 'di ka nalulumpo?", Arthur.

"*smirk*", ako.

"Aba't-----"

Iniangat ni Arthur ang kanang kamao niya, susuntukin na niya sana ako ng may humawak sa braso niya.

"Lo-Loui..", sambit ko.

"Baliw ka talaga.", Louie sabay sapak kay Arthur.

Napa-upo sa sahig si Arthur hawak ang pumutok na labi.

[Rie's POV]

Tumigil ako sa may bukana ng abandonadong warehouse na sinasabi ni Shiro na pumasok si Channe at Louie.

Nakita ko si Channe at Louie na nakahandusay sa sahig ng warehouse habang pinagtatadyakan ng mga grupo ng lalaki.

Ito siguro ang sinasabi nilang grupo ng Arthur na 'yon...

"Channe! Louie!"

Napalingon ako sa sumigaw sa likuran ko.

Nakita ko sila Kaiser, Seven, Gray, Aeron at Blaze.

"Tulungan na'tin sila.", Seven.

Hinarangan ko sila...

"'Wag mo kaming pigilan! Kailangan kami ng mga kaibigan namin!", Kaiser.

"Hindi ako papayag na may masaktan pa sinuman sa inyo!", sambit ko habang nakatingin kayla Louie at Channe.

[Seven's POV]

Tiningnan ko si Rie...

Nakita ko na naman ang mukha niyang iyon...

"R-Rie...", sambit ko.

Nakita kong ikinuyom ni Rie ang mga kamay niya.

[Rie's POV]

Lumakad ako palapit sa kumpulan...

Wala na akong pakialam kahit sabihin pa nilang isa akong bayolenteng guro, gagawin ko ang lahat para sa kaligtasan ng mga estudyante ko.

"Sige! Lumpuhin niyo sila!", narinig kong sigaw ng isa.

Ito siguro ang sinasabi nilang Arthur.

Buong lakas kong pinulot ang drum na nasa gilid sabay bato sa dalawang lalaki na nakatalikod sa'kin.

Bumagsak ang dalawa na tinamaan ng drum sa likuran kaya napatingin ang mga kasama nito sa kanila saka napatingin sa'kin.

Tiningnan ko sila Channe at Louie, hindi na gumagalaw ang mga ito kaya mas lalo akong nagalit.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Sino ka?!",pasigaw na tanong ng isa.

"Pakialam mo?", malamig na sabi ko sa kanila.

"Ang lakas ng loob mong saktan ang dalawa kong kasama.", Arthur.

Tiningnan ko siya.

"Ang lakas din ng loob mong saktan ang dalawa sa pinakamamahal kong mga estudyante.", malamig kong sabi.

"Estudyante? Teacher ka pala ng dalawang walang kuwenta na ito.", sabi niya sabay tawa.

"'Wag mo silang ikompara sa inyo."

"Aba't-----Hoy, umalis ka na lang dito kung ayaw mong masaktan."

"Umalis? Hindi ko ugaling iwan ang mga estudyante ko at hayaan silang saktan ng mga walang kuwentang tao na gaya niyo."

"*smirk*Gusto mo akong labanan?", Arthur.

"Labanan? Kung ganito nalang kaya. Pabagsakin ko kayong lahat ng sabya-sabay."

"Ha! 'Wag mo kong patawanin!", Arthur sabay suntok sa'kin.

Pero bago pa tumama sa mukha ko ang kamao niya ay sinalo ko ito gamit ang kamay ko, hinigpitan ko ang hawak sa kamao ni Arthur habang pilit itong inaagaw ang kamao.

Ginamit niya ang isa niyang kamay para suntukin ako pero agad ko itong inilagan sabay bitaw sa isa pa niyang kamay, agad ko siyang itinulak.

"R-Rie...", narinig kong tawag ni Louie sa pangalan ko.

Pagharap ni Arthur ay nanlaki ang mga mata nito dahil nakaumang sa mukha niya ang kanang kamao ko.

Napaupo ito sa takot...

"Pasalamat ka narinig ko ang boses ng isa sa kanila dahil kung hindi sa ospital kayong lahat pupulutin. Sa oras na saktan niyo ulit ang isa sa mga estudyante ko hindi ko na pipigilan ang sarili ko. Alis na!", sabi ko sa kanila.

Tumakbo silang lahat paalis sa lugar na iyon saka naman nila Seven nilapitan sila Louie at Channe.

Hinarap ko silang pito...

"Pasaway talaga kayo.", nakangiti kong sabi sa kanila.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon