Chapter 29

7.9K 230 1
                                    

[Rie's POV]

"Anong dahilan niyo at bakit binugbog niyo si Harold Santillan ng 4-A?!", Vice Principal.

Hindi sumagot sila Liam at Troy...

"Sumagot kayo!", Mr. Reyes.

"Kahit naman sabihin namin na hindi kami ang gumawa nun kay Harold hindi rin naman kayo maniniwala.", sambit ni Liam.

"Liam.", sambit ko.

"HA! Talagang hindi!", Vice Principal.

"Eh bakit nagtatanong ka pa?", Troy.

"Ah.....Aba't-----", Vice Principal.

"Vice Principal, chill.", Sid sabay hawak sa kamay ni Vice Principal.

"Oo nga. May punto rin naman si Troy hindi naman po pala kayo naniniwala eh bakit nagtanong pa kayo.", sabi ko.

"Miss Sawada!", Mr. Reyes.

"May problema ka?", sambit ko sabay tingin ng masama kay Mr. Reyes.

Napalunok ito sabay upo sa upuan na nasa likuran nito.

"*pigil ang tawa*", Sid.

"Mr. Romero!", Mr. Reyes.

"Sorry. Pfft.", Sid.

"ARGH! MAGSIPUNTA NA KAYO SA MGA KLASE NIYO! KAYONG DALAWA 'DI PA TAYO TAPOS!", Vice Principal kayla Troy at Liam.

"Kalbo.", Liam.

"Pffft! *laugh out loud*", ako, Sid at iba pang faculty member.

Tumakbo papuntang pintuan ng faculty sila Liam at Troy, tumigil silang dalawa sa may pintuan...

"Bye, Kalbo na Vice Principal!", Liam at Troy sabay takbo.

"HOY! BUMALIK KAYO DITO!", sigaw ni Vice Principal.

"*laughing out loud*", ako, Sid at iba pang faculty member.

"TAHIMIK!", Vice Principal.

4D Classroom...

"Sino naman kaya ang gagawa ng bagay na 'yon para siraan kayo?", tanong ko kayla Troy at Liam.

"Ah! Hindi kaya mga taga-St. Vincent Academy?", Liam.

Napatingin ako kay Liam...

"O 'di kaya mga taga-Geronimo Highschool!", Shaun.

Napatingin ako kay Shaun...

"Baka mga taga-Northville!", Troy.

"O taga-St.Claire Academy!", Gray.

"Baka naman mga taga-St. Francis All Boys School!", Blaze.

"O mga taga-East University!", Channe.

"AH! *pak* Malamang mga taga-Redwood High!", Seven.

"O taga-Che--------"

"TEKAAAA!", sambit ko.

Tumahimik silang lahat saka napatingin sa'kin...

"Bakit?", Gray.

"Lahat ng mga sinabi niyo mga kaaway niyo?", tanong ko sa kanila.

"*knod*", 4D.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat...

"Ah! Dahil sa dami nila hindi ko na malaman kung sino!", Blaze.

"Ang hirap talagang maging malakas at matapang!", Channe.

"Teka, bakit parang pakiramdam ko'y pinagmamalaki niyo pa?", sambit ko.

"Naman!", 4D.

"*face palm* Watashi no gakusei wa gyangudesu ka? [My students are hoodlums?]", sambit ko.

"HA?!", 4D.

"Wala!", sambit ko sabay iling.

"Mga baliw.", Louie.

"Teka lang may hindi pa ba ako alam sa inyo?", tanong ko sa kanila.

"Meron!", Renz.

Napatingin ako kay Renz...

"Si Troy, chickboy 'yan 'di nga lang halata.", sabi ni Renz sabay turo kay Troy.

"OI!", Troy.

Tiningnan ko si Troy, kinagat-kagat nito ang labi habang pinapaliit ang mga mata at hinihimas-himas ang baba niya...

Nawala ang mga ngiti ko sa mga labi sabay baling ng tingin kay Seven...

"Seven, patigilin mo 'yan bago pa magdilim ang paningin ko.", bulong ko kay Seven.

"*chuckles*Imposible.", sambit ni Seven.

"Aish! Okay! Oras na para sa klase, ayusin niyo na mga upuan niyo!", sabi ko sabya lakad papunta sa blackboard.

"Bakit pakiramdam ko parang hindi siya naniniwala?", sambit ni Troy.

"Hindi mo lang pakiramdam 'yon hindi talaga siya naniniwala.", Shaun sabay tapik sa balikat ni Troy.

"Hindi naman talaga kapanipaniwala.", Aeron.

"Oi!", Troy.

[Rie's POV]

Nagulat ako sa nakita ko ng pumasok ako sa loob ng faculty room....

"Harry...", sambit ko.

Nilapitan ko si Vice Principal at ang dalawang lalaki na kausap niya, napatingin sa'kin si Harry at ang kasama niya.

Napatayo si Harry...

"Ri-Rie...",sambit ni Harry.

Tumayo si Vice Principal...

"Magkakilala kayo?", tanong nito sa amin.

"Ah...kaklase ko po siya ng college.", sagot ni Harry.

"Ba-Bakit sila nandito?", tanong ko kay Vice Principal.

"Nandito sila para sa dalawa mong estudyante na sila Troy at Liam.", sagot ni Vice Principal.

"A-Ano?", gulat kong sambit.

"May bugbugan na naman na naganap. At iisa ang itinuturo ng mga biktima. Mga estudyante daw na nagngangalang Troy at Liam.", Harry.

"Sigurado ba kayo?", Sid.

"Oo.", kasama ni Harry.

"Baka naman kapangalan lang ito ng dalawa naming estudyante dito.", Hara.

[Seven's POV]

*DOOR OPENED*

Natahimik kaming lahat saka napatingin sa pintuan, pumasok mula room sila Vice Principal, Rie, Mr. Reyes at dalawang lalaki.

"Troy Salazar at Liam Castillo?", sabi ng isang lalaki.

Tumayo sila Troy at Liam kasunod ang ibang 4D habang kaming pito ay nanatili lang na nakaupo sa mga upuan namin.

"Bakit?", Laim.

"Teka lang.", Rie sabay tayo sa gitna ng lalaki at ni Liam.

"Pasensya na, Rie pero ginagawa lang namin ang trabaho namin.", Harry.

Napatingin ako sa lalaking bumigkas ng pangalan ni Rie... napakunot-noo ako...

Hindi nagsalita sila Troy at Liam at hindi rin sila pumalag ng hawakan ng dalawang lalaki silang dalawa sa mga braso nila at dalhin sila palabas.

"Oi! Liam! Troy!", 4D.

Wala kaming nagawa kundi ang mapaupo at manahimik sa loob ng classroom habang si Rie ay nakatungo lang...

Tumayo ako at lumapit kay Rie...

Tama nga ako...

Inilagay ko ang kanan kong kamay sa ulo niya sabay tungo para silipin ang mukha niya...

Nanatili ako sa ganoong puwesto ng hindi nagsasalita...

Hinayaan ko lang siyang umiyak...

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon