Chapter 19

8.2K 243 11
                                    

[Rie's POV]

"Nandito na ako.",sabi ko sa kanila sabay pasok sa bahay.

"PRINCEEEEEEESSSSSSSS!"

Nanlaki mga mata ko ng makita ang pagmumukha ng tao payakap sa'kin.

"Pa-Papa?",sambit ko.

Yinakap niya ako ng mahigpit,habang umiiyak.

"Kamusta na ang Prinsesa ko? Kumakain ka ba ng mabuti at hindi lang puro ice cream ang kinakain mo? Ilan na ang napatay mo? Bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagsusuot ng dress?",sunod-sunod niyang tanong sa'kin.

Itinulak ko siya palayo sa'kin.

"Papa,bawal magsuot ng dress sa paaralan na tinuturuan ko. Tsaka opo kumakain ako ng mabuti at hindi lang puro ice cream nandyan lagi sila Shiro at binabantayan ako at......'DI SABI KO SA INYO NA 'WAG NA 'WAG NIYO AKONG TATAWAGIN NA PRINCESS O PRINSESA?!",bulyaw ko sa kanya.

"Princess, naman. Ikaw lang ang nag-iisang babae dito sa pamilya na'tin kaya Prinsesa ka namin tsaka Prinsesa ka naman talaga ng McNamara Familigia.",Papa.

Napa-buntong hininga nalang ako.

"Aakyat na muna ako sa kuwarto ko.",sabi ko sabay akyat sa hagdan.

"Okay,Princess!",Papa.

"*angry vien*",ako.

[Louie's POV]

Naglalakad na ako pauwi ng maramadaman kong parang may sumusunod sa'kin.

Tumigil ako sa paglalakad.

"*sigh*Tay.",sambit ko.

Lumabas si Itay mula sa likuran ng isang puno, hinarap ko siya.

Nginitian ko siya saka ko nilapitan.

"'Di po ba sabi ko sa inyo na 'wag niyo na akong susundan? Umuuwi naman ako pagkatapos ng trabaho ko.", sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siya sa paglalakad.

"Nag-aalala lang kasi ako sa'yo, anak. Itigil mo na kaya ang pagtratrabaho? Mag-fucos ka nalang sa pag-aaral mo.",sabi niya.

"Hindi pwede, Pa wala tayong ipapambili ng gamot niyo 'pag tumigil ako sa pagtratrabaho.",sabi ko.

"Pero-------"

"'Wag kayong mag-alala kasi napagsasabay ko naman ang trabaho at pag-aaral ko.", sabi ko.

"Pero paano kung malaman ng school mo na nagtratrabaho ka kahit nag-aaral ka pa baka paalisin ka sa school mo."

"Hindi po mangyayari 'yon...pero kung magkaganun man ipapagpatuloy ko nalang ang pagtratrabaho.",sagot ko.

[Rie's POV]

Inilapag ko ang mga career test paper ng 4D sa study table ko sa kuwarto ko.

Lumabas ako ng kuwarto ko para kumuha ng gatas.

Pababa na ako ng mapansin kong nakabukas ang pintuan ng library, lumapit ako dito at sumilip sa loob. Nakita ko si Papa, nakatungo sa mesa at mukhang tulog na.

*smile*

Pumasok ako sa loob, pinulot ko ang blanket na nasa sofa saka ko ito ikinumot kay Papa.

"Kahit mafia boss ka nagtratrabaho ka pa rin ng mabuti. Masaya ako at ikaw ang naging Papa ko.", bulong ko.

"Rain,Rieko...",Papa.

Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Napapanaginipan siguro nito ngayon ang dalawang iyon.

"'Wag niyong pababayaan si Rie. Kayo ang inaasahan kong proprotekta sa Prinsesa ng McNamara Famiglia.",Papa.

Napangiti ako sa narinig ko, pati pala sa panaginip ay ang kapakanan ko pa rin ang iniisip ni Papa.

[Seven's POV]

"Nandito na ako."

Napatigil ako sa pagpasok sa bahay, nga pala ako lang pala ang nandito.

Pumasok na ako sa bahay...

"Maligayang pagbabalik,Young Master.",maid.

Hindi ko siya pinanansin, nagpatuloy lang ako sa kuwarto ko.

Pabagsak akong humiga sa kama ko sabay titig sa kisame.

Isang butler,dalawang maid at isang driver, mga kasama ko sa bahay.

Ang pamilya ko?

Ang Tatay ko nasa ibang bansa at as usual busy sa business.

Ang Nanay ko? Nasa casino malamang naglalaro na naman at bukas ng umaga uuwi.

At ang nakababata kong kapatid... nasaan nga ba siya?

Tumayo ako sa kama ko saka naglakad palapit sa bintana, hinawi ko ang kurtina doon at tumingin sa labas.

"Ang saya.",sambit ko.

[Gray's POV]

Papasok palang ako ng eskinita kung nasaan ang bahay namin ay rinig ko na ang bangayan nila Nanay at Tatay.

Pumasok na ako sa loob ng bahay ng hindi nagsasabi sa kanila dahil hindi rin naman nila ako mapapansin kasi busy sila sa pag-aaway.

Bakit hindi nalang kaya sila maghiwalay kung puro lang sila away.

Bigla kong naalala ang pamilya ni Blaze, tuluyan ng naghiwalay ang mga magulang niya at ngayon ay base sa nakikita ko sa mukha ni Blaze masaya na siya kahit hindi na nila kasama sa iisang bahay ang padre de pamilya nila.

Humiga ako sa higaan ko at tiningnan ang dalawa ko pang nakababatang kapatid na sina Blue (7yrs. old) at Red (4yrs old). Mahimbing ang mga tulog nito at mukhang 'di alintana ang pag-aaway ng mga magulang namin.

"*sigh*" 

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon