[Freyal's POV]
Tumigil ako sa paglalakad saka ako lumingon sa likuran ko para kasing may tumawag sa pangalan ko ng magawi ang paningin ko sa isa sa mga bench sa may school ground, nakita ko siya na nakaupo doon.
Napakuyom ako ng kamao...
Bigla pumasok sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Papa...
"Hanggang kailan mo sisisihin ang Kuya mo, Freyal? Alam mo ba na araw-araw ay sinisisi ng Kuya mo ang sarili niya dahil sa pagkamatay ng Mama niyo. Kung nagdurusa ka mas nagdurusa siya dahil sa'yo.", Papa.
Napaisip ako... bakit sabi ni Papa na nagdurusa siya ng dahil sa'kin?
"Sobrang galit talaga ang nararamdaman mo para sa kanya no?"
Napalingon ako sa nagsalita...
Ang homeroom teacher ng 4D... lumakad siya palapit sa'kin saka tumayo sa tabi ko sabay tingin sa malayo...
"Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa pribadong buhay ng mga estudyante ko pero hindi makaya ng puso ko na makitang umiiyak at nasasaktan sila.", patuloy nito.
Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong nakatingin sa kanya...
"Sa tingin mo 'pag sinisi ba ng taong nawalan ng mahal sa buhay ang isang tao sa tingin mo maibabalik pa kaya nito ang buhay ng taong nawala sa kanya? Pero paano kung ang taong sinisisi niya ay nabubuhay dahil sa kanya?", sabi nito na nakapagpakunot-noo sa'kin.
"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.
"Matanong ko lang... anong nararamdaman mo ngayon? At anong nararamdaman mo sa tuwing sinisisi mo ang Kuya mo sa pagkamatay ng Mama niyo? Masaya ka ba na sinisisi mo siya? Babalik ba ang Mama niyo 'pag sinisi mo ang siya?", sabi niya sabay lakad paalis.
Sinundan ko siya ng tingin...
Ano nga ba ang nararamdaman ko?
"Siya nga pala...kung akala mo na nagdurusa ka bakit hindi mo subukang isipin siya at kung ano ang nararamdaman niya sa tuwing sinisisi mo siya sa isang bagay na hindi niya naman ginusto.", sabi niya sabay lakad ulit paalis.
*PHONE RING*
Kinuha ko ang cellphone ko sabay sagot sa tawag...
"Hintayin niyo ako 'jan." , sabi ko.
[Aeron's POV]
Kasabay ko sila Liam at Jiroh papunta sa classroom ng may marinig ako na nag-uusap...
"Nakita ko si Freyal kanina sa labas ng papasok ako, kasama niya ang grupo nila Jude!", sabi ng isa sa tatlong estudyante.
"Balita ko delikado daw ang grupo na 'yon. Sabi pa ng iilan na oras daw na sumali ka sa grupo nila ay hindi ka na maaring kumalas.", sabi ng isa sa mga kasama nito.
"Kung gan'un nasa panganib si Freyal!", sabi naman ng isa.
"Ha?! Anong ibig mong sabihin?", sabi ng isa.
"Narinig ko kasi si Freyal kanina habang kausap si Win, kakalas na raw siya sa grupo nila Jude!", sagot nito.
Kinuwelyuhan ko ang isa sa mga ito...
"Saan mo nakita si Freyal?!", angil ko sa kanya.
"Sa-Sa a-abandonadong building malapit sa likuran ng isang maliit na kainan!", takot na sagot nito.
Agad ko itong binitawan at patakbong pumunta sa lugar na sinasabi nito.
"Anong problema nun?", sambit ni Diego.
"Oi, Aeron!", Liam.
"Masama 'to!", Jiroh sabay takbo papunta sa gym.
"Naku naman!", Liam sabay sunod kay Jiroh.
[Rie's POV]
Pinapatalbog ko ang bola ng soccer habang nakaupo sa isa sa mga bench doon sa school gym habang hinihintay ang mga pasaway kong basketball player...
*sigh*
"Nasaan na kaya ang mga 'yon.", tanong ko sa sarili ko.
[A/N]
"BITAWAN NIYO ANG KAPATID KO!"
Tumigil ang grupo nila Jude sa pagbugbog kay Freyal saka nilingon si Aeron.
"Aba tingnan mo, Freyal andito ang walang kuwenta mong kapatid para iligtas ka. *smirk* Magkapatid nga kayo...parehong mga WALANG KUWENTA!", Jude sabay tadyak kay Freyal.
Namilipit si Freyal dahil sa sobrang sakit ng tadyak ni Jude...
"FREYAL! *tingin ng masama kay Jude* MAGBABAYAD KA!", sigaw ni Aeron.
"Oh bakita ka galit? Akala ko ba wala kang pakialam sa kapatid mo?", Jude.
"Layuan mo ang kapatid ko.", mariin niyang sabi dito habang nakakuyom ang mga kamao.
"Hmm? Paano kung ayaw ko?", Jude sabay apak sa braso ni Freyal.
"IKAW!", Aeron sabay sugod kay Jude.
"*smirk*", Jude.
[Rie's POV]
"RIE!"
Napalingon ako sa tumawag sa'kin...
"Bakit ka sumisigaw?", tanong ko kay Jiroh.
"afdsdfasdgklfglkfg...", Jiroh.
"Ha?", ako.
"asddfsdnsfdgnkfng...", ulit nito.
"Ha? Umaatake na naman pagka-alien mo, Jiroh.", sabi ko sa kanya.
"Si Aeron...", sabi ni Jiroh sa wakas.
Napakunot-noo ako...
"Bakit?", tanong ko.
Ayon at sinabi niya sa'kin ang lahat...
"Sigurado akong------", Jiroh.
Hindi ko na pinatapos si Jiroh sa sasabihin nito agad akong tumakbo papunta sa sinasabi nitong lugar kung nasaan si Aeron...
"OI,RIE!", tawag ni Jiroh sa'kin.
* * *
Narating ko rin ang lugar na sinasabi sa'kin ni Jiroh...
Nakita ko si Aeron na pinoportektahan ang kapatid nito...
"Ku-Kuya...", Freyal.
"'Wag kang mag-alala. Andito lang si Kuya hindi ka niya iiwan.", sabi ni Aeron habang iniinda ang pagpalo sa kanya nila Jude.
"Aeron..", sambit ko.
Napakuyom ako ng kamao ko saka ako naglakad palapit sa mga ito...
"ITIGIL NIYO 'YAN!", sigaw ko sa kanila.
Napatigil sila saka napalingon sa'kin...
"R-Rie...", Aeron.
"ANG LAKAS NG LOOB NIYONG SAKTAN ANG ESTUDYANTE KO, SIGURADUHIN NIYO LANG NA KAYA NIYONG TIISIN ANG GAGAWIN KO SA INYO DAHIL DOBLE PA SA GINAWA NIYO SA ESTUDYANTE KO ANG GAGAWIN KO SA INYO!", sabi ko sa kanila sa galit na tono.
* * *
PABITIN MODE MUNA :P
SORRY KUNG NATAGALAN ANG UPDATE BUSY KASI AKO SA WORK.. SORRY TALAGA.. BUTI NGA NAKAHANAP AKO NG TYEMPO NGAYON NA MAG-UD ...
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...