[Rie's POV]
Nakaupo ako sa veranda habang nakatingin sa malayo, iniisip ko pa rin ang pasa sa mukha ni Gray.
"Huhulaan ko.", Kuya Rain.
Nilingon ko si Kuya Rain saka ko ibinalik sa malayo ang tingin ko, umupo siya sa tabi ko.
"Estudyante mo na naman 'yang iniisip mo?"
"*smile* Pakiramdam ko kasi parang may itinatago ang isa sa mga estudyante ko sa'kin."
"Tama nga ako. Hmm. Bakit hindi ikaw mismo ang umalam ng sekreto na 'yon?"
"Uhm!*knod*", ako.
Kinabukasan...
Dinala ko ang buong 4D sa gym at inutusan ko silang lahat na magbihis ng gym uniform nila.
Naghintay ako sa labas ng locker room...
Isa-isa na silang lumabas maliban kay Gray kaya pumasok na ako sa loob ng locker room...
[Seven's Room]
Nakita kong pumasok si Rie sa loob ng locker room kaya sinundan ko siya...
Natigilan kaming pareho ng makita namin ang katawan ni Gray...
Puno ito ng mga pasa, nagulat si Gray at natigilan ng makita kami ni Rie na nakatayo sa may pintuan ng locker room...
"Ri-Rie...Se-Seven...", sambit ni Gray.
"Sinong may gawa niyan sa'yo?", Rie.
Hindi sumagot si Rie, iniiwas nalang nito ang tingin sa'min ni Rie...
"GRAY! SAGUTIN MO AKO!", naluluhang sigaw ni Rie kay Gray.
Isinuot ni Gray ang white shirt nito saka inabot ang bag nito saka lumakad palabas ng bahay...
"Wala ka ng pakialam!", sabi nito kay Rie bago tuluyang lumabas.
"Gray!", Rie sabay habol dito.
Naabutan ni Rie si Gray sa labas ng locker room, hinawakan ni Rie ang kanang kamay ni Gray kaya napatigil sa paglalakad si Gray...
"Gray, sabihin----------", Rie.
Natigilan kaming lahat na naroon sa nakita namin, malakas na hinablot ni Gray ang kamay niya na naging dahilan para ma-out of balance si Rie at mapaupo.
"GRAY!", Kaiser sabay lapit kay Gray.
Agad na kinuwelyuhan ni Channe si Gray...
"Ano bang problema mo?!", angil nito kay Gray.
Hindi sumagot si Gray...
"Humingi ka ng tawad kay Rie!", Channe.
Inalis ni Gray ang kamay ni Channe na nakahawak sa kuwelyo niya...
"Nakakairita kayo.", sambit nito sabay lakad palayo.
"Anong sinabi mo---------", Channe.
"Pabayaan niyo siya.", sabi ko sabay lapit kay Rie para tulungan itong tumayo.
"Anong nangyari sa kanya?", Blaze.
"Parang hindi siya si Gray.", Liam.
"Hayaan na muna na'tin siya.", sabi ko ulit sa kanila.
Tiningnan ko si Rie...
"Okay ka lang ba?", tanong ko dito.
Marahan siyang tumango...
*SIGH*
[Gray's POV]
Malapit na ako sa bahay ng marinig ko ang iyak ng mga kapatid ko, agad akong tumakbo papunta sa bahay...
Naabutan kong umiiyak si Mama at ang dalawa kong nakakabatang kapatid habang hinahalungkat ng mga hindi ko kilalang tao ang bahay namin.
Natigilan ako ng makita ko na akmang papaluin ng isa sa mga lalaki ang Mama ko kaya agad kong sinunggaban ang lalaki, bumagsak ito sa sahig saka ko ito pinagsusuntok.
Pinigilan ako ng mga kasama nito sabay tulak sa'kin kaya napahiga ako sa sahig at ang sumunod ay pinagtatadyakan na nila ako...
"TAMA NA!", Mama sabay tulak sa mga lalaki at saka ako yinakap.
At ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil bigla nalang nagdilim ang paningin ko.
[Rie's POV]
Nagkulong ako sa kuwarto ko....
Doon ako umiyak ng umiyak....
Nakakataw kasi umiiyak ako hindi dahil sa brokenhearted ako kundi dahil sa sobrang pagmamahal ko sa mga estudyante ko na kahit nasasaktan na ako patuloy ko pa rin silang tinuturuan, prinoprotektahan at minamahal.
Anong magagawa ko dahil para sa'kin sila ang buhay ko...
Hindi ako matatawag na guro kung wala ang mga estudyante ko...
Yinakap ko ang mga paa ko...
*KNOCK ON THE DOOR*
Hindi ako sumagot...
Narinig kong pumasok si Kuya Reiko na may dalang tray ng pagkain...
"Iiyak mo 'yan pero siguraduhin mong sasalubungin mo sila bukas ng nakangiti at walang lungkot at sakit na mababakas sa mga mata mo't mukha.", Kuya Reiko sabay lakad palabas ng kuwarto ko.
"Kuya.", tawag ko sa kanya ng hindi lumilingon.
Tumigil ito sa paglalakad...
"Salamat.", sabi ko ng hindi pa rin siya nililingon.
"*smile*Kumain ka na", Kuya Reiko sabay labas ng kuwarto ko.
* * *
" BE THANKFUL TO YOUR TEACHERS." - shaimmea
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...