[Rie's POV]
Tinatamad akong naglakad sa pathway papasok ng school campus ng mapatingin ako sa banner na nakalagay sa taas ng gate ng school...
"Ahh...bukas na pala ang simula.", sambit ko sa sarili sabay lakad ulit.
"Goodmorning!"
Napatigil ako sa paglalakad saka ko nilingon ang bumati sa'kin...
"Goodmorning din, Gray.", matamlay kong bati sa kanya.
"Bakit parang ang tamlay mo ata ngayon, Rie? May problema ba?", tanong niya sa'kin habang sumasabay sa'kin sa paglalakad.
"Wala.", sagot ko.
Napatingin sa'kin si Gray...
"Sigurado ka?", tanong niya ulit sa'kin.
"*knod*", ako.
"Goodmorning!"
Napatigil kami ni Gray sa paglalakad saka namin nilingon ang nagsalita...
"Oh, Goodmorning,Blaze!", bati ni Gray pabalik kay Blaze.
Napatingin sa'kin si Blaze...
"Oi, Rie okay ka lang ba?", tanong nito sa'kin.
Hindi ko siya sinagot...
Napatitig ako kay Blaze ng bigla nitong hawakan ang noo ko...
"Rie, mukhang lalagnatin ka.", sabi nito matapos nitong salatin ang noo ko.
"Wala 'to. Mawawala rin 'to mamaya.", sabi ko sa kanila sabay lakad ulit.
Sumabay silang dalawa sa'kin...
"Sigurado ka?", Blaze.
"Oo.", sagot ko.
[Rain's POV]
Umupo ako sa upuan na nasa harapan ng upuan ni Kuya Reiko...
"Mukhang may mali kay Rie.", sambit ni Kuya Reiko habang nakatingin sa malayo.
Napalingon ako sa kanya...
"Anong ibig mong sabihin, Kuya?", taka kong tanong sa kanya.
Napalingon siya sa'kin...
"Wa-Wala.", sabi niya sabay inom ng ng tsaa niya.
"Okay ka lang?", tanong ko sa kanya sabay inom ng juice ko.
"O-Oo.", sagot niya sabay tingin ulit sa malayo.
Napapailing nalang ako habang umiinom ng juice ko.
[Seven's POV]
Tiningnan ko ang pumasok na si Rie sa classroom...
"Goodmorning.", matamlay nitong bati sa'min.
"Rie?", tawag ni Liam dito.
"Bakit?", Rie sabay lingon kay Liam.
"Okay ka lang?", tanong ni Troy.
"Oo!*knod*", Rie sabay sulat ulit sa blackboard.
Lumapit sa'kin si Shaun...
""Oi, Seven okay lang ba talaga siya?", tanong nito sa'kin.
"*kibit-balikat*", ako.
"Okay...ang lesson na'tin--------"
Napatingin kaming lahat kay Rie dahil sa bigla nitong pagtigil sa pagsasalita, nakita kong napahawak si Rie sa sandalan ng upuan niya...
"O-Oi,Rie okay ka lang ba?", Gray.
"Oo. Okay la--------"
Napatakbo ako palapit kay Rie ng makita kong babagsak na ito...
"Rie!", 4D.
Agad kong sinalo si Rie, tiningnan ko ang walang malay na si Rie...
"Oi, Rie gumising ka.", sabi ko sa kanya habang marahan na tinatapik ang pisngi ni Rie.
Hindi pa rin siya nagigising...
"Oi, Rie!", ulit ko.
"Dalhin na na'tin siya sa clinic!", Gray.
Kinarga ko si Rie, 'yong bride styla na karga saka ako naglakad palabas ng classroom papunta sa clinic...
[Vice Principal's POV]
Naglalakad kami ni Mr. Reyes sa lobby ng makasalubong namin ang buong 4D, hinarang namin siya...
"Saan kayo sa--------", ako.
"PUWEDE BA 'WAG KA MUNANG MAGSERMON DIYAN!", Kaiser.
"Hoy, Gomez 'wag mo------"
"Vice Principal, mamaya na ho kayo manermon kailangan naming dalhin ang homeroom teacher namin sa clinic, inaapoy ho siya ng lagnat!", sambit ni Gonzaga.
Napatingin ako sa babaeng karga ni Gonzaga, nakita ko si Teacher Rie na walang malay at mukhang nahihirapan base sa mukha nito. Agad kong tinulak si Mr. Reyes patabi upang makadaan ang 4D.
[Sid's POV]
Nagising ako sa malakas na kalabog ng bumukas na pinto ng clinic ko...
"Ano ba 'yan ang sa--------"
Natigilan ako sa aking sinasabi ng makita ko si Seven na pumasok sa clinic at karga si Rie na walang malay.
"A-Anong nangyari?", nag-aalala kong tanong kay Seven.
Inilapag ni Seven si Rie sa clinic bed na naroon sabay hawak sa kamay ni Rie...
"Oi, Rie gumising ka!", sambit nito.
"Bigla nalang siyang nawalan ng malay kanina sa gitna ng klase.", sagot ni Blaze sa nag-aalalang tono.
"Oi, magiging okay lang ba si Rie?", Liam.
Hindi ko sinagot si Liam, lumapit ako sa mesa ko na nasa malapit sa pintuan upang kunin ang stethoscope ko at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang buong 4D na nasa labas at hindi mapakali...nilapitan ko sila.
"Bakit hindi muna kayo bumalik sa classroom niyo?", sabi ko sa kanila ng nakangiti.
"Paano namin malalaman kung okay lang------"
"Maiiwan kami ni Seven dito. Sasabihan ko nalang kayo kung ano ang lagay ni Rie sa ngayon bumalik nalang muna kayo sa classroom.", Louie.
"Tama si Louie.", sang-ayon ko.
Sumang-ayon naman silang lahat, nagsibalikan na sila sa classroom nila saka ko isinara ang pintuan ng clinic...
Agad kong chineck-up ang lagay ni Rie, napabuntong-hininga ako sa natuklasan ko...
"May lagnat lang siya dahil siguro sa ubo't sipon niya. Mamaya 'pag gising niya papainumin ko lang siya ng gamot at magiging okay na siya.", sabi ko kayla Seven at Louie.
"Buti naman kung gan'un.", Louie.
"Salamat naman kung gan'un.", Seven na hindi pa rin binibitawan ang kamay ni Rie.
"Sabihan ko muna sila Kaiser at ang iba pa. Nag-aalala na siguro ang mga iyon at saka Seven 'wag mong masyadong hawakan kamay ni Rie baka may makakita sa'yo alam mo na.", Louie sabay lakad palabas ng clinic.
"Shut up!", Seven.
Umupo ako sa sofa na naroon saka ako nag-de kuwatro ng upo...
"Matanong ko lang. May gusto ka ba sa pinsan ko, Seven?", tanong ko kay Seven na nakapagpalingon dito.
Nginitian ko siya...
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...