Chapter 05

10K 315 4
                                    

[Seven's POV]

"Seven."

Nilingon ko ang tumawag sa'kin.

"Ikaw na naman?"

"Please bumalik ka na sa school.", sabi niya.

Itinapon ko ang hawak kong garbage bag sa basurahan.

"Ano bang puwede kong gawin para bumalik ka na sa klase ko?", sabi niya.

"*smirk*"

Hinarap ko siya...

"Wala ka ng magagawa dahil kahit anong gawin mo hindi na ako babalik pa sa walang kuwentang paaralan na iyon.", sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

Hindi ko siya sinagot, nanatili lang akong nakatalikod sa kanya...

"Sabihin mo sa'kin para malaman ko kung bakit ayaw mo ng bumalik sa school! Handa akong makinig!", patuloy pa niya.

"Handang makinig? Tss! 'WAg kang patawa. Pare-Pareho lang naman kayo.", sabi ko sa kanya.

"Ha? Pare-Pareho? Hindi kami pare-pareho!"

Kunot-noo ko siyang nilingon...

"Ganito kasi 'yon. Ako ang pinakamaliit sa faculty room, ako ang pinakabata at ako ang pinaka-cute!", sabin iya sabay peace sign.

"Ha?! Teacher ka ba talaga?"

"*knod*"

"Tss! Weirdo.", sabi ko sabay pasok sa loob ng restaurant.

[Rie's POV]

Napatungo ako...

"Grabe ang batang 'to lagi akong nilalayasan.", bulong ko sa sarili ko.

*sigh*

"OKAY! Kaya ko 'to! Hindi ako susuko! *taas kamay sabay talikod* Kaya mo 'to, Rie! Fig--------Gray?!", gulat kong sambit.

Nakatingin lang siya sa'kin, seryoso ang mukha niya.

* * *

Nakaupo ako sa railing ng isang convenience store habang kumakain ng ice cream, si Gray naman ay nakasandal lang doon.

"Hmm! Ang sarap talaga ng ice cream!", sabi ko habang nakapikit.

"Si Seven."

"Hm?", sambit ko sabay tingin kay Gray.

"Tumigil siya sa pag-aaral dahil kay Mr. Reyes.", patuloy niya.

"EH?! *sabay bitaw sa railing ng isang kamay*Oh oh AHHHH!"

*KABLAG!*

Tiningnan ako ni Gray...

"Oi, okay ka lang ba?"

Itinaas ko ang kanang kamay ko at nag-OK sign sa kanya.Tumayo ulit ako at umupo ulit sa railings.

"Ano bang ginawa ni Mr.Jacinto sa kanya?"

"Pinagbintangan niya si Seven na nagnakaw ng laptop niya.", patuloy ni Gray.

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang ipagpatuloy ang kuwento niya.

"Hindi magagawa ni Seven ang sinasabi ni Mr. Reyes. Mabait na tao si Seven. Ang totoo niyan si Seven ang pangatlo sa school na pinaka-matalino. May pangarap si Seven noon na gra-graduate daw kami ng sama-sama at maghahanap ng trabaho pero lahat ng iyon ay naglaho dahil sa kagagawan ng taong iyon.", sabi pa niya.

"Ano bang problema ng kalbo na 'yun?", tanong ko sa kanya.

"Ayaw niya kay Seven para sa anak niya kaya para mawala na sa landas nila si Seven ay fri-name up niya si Seven at nagtagumpay naman siya dahil naghiwalay si Seven at ang anak niya pero hindi pa rin siya tumigil nagpalipat pa siya sa Southville High para lang tuluyan ng tumigil sa pag-aaral si Seven."

"Eh gago pala ang kalbo na 'yun eh! Lagot siya sa akin!",bulong ko.

"May sinasabi ka?", biglang tanong ni Gray, umiling naman ako bilang sagot.

Buti nalang hindi niya narinig ang sinabi ko.

[Seven's POV]

*FLASHBACK*

"Wala po akong ninanakaw!", Seven.

"SINUNGALING! MAY NAKAKITA SA'YO!", Mr. Reyes.

"Ano?! Nasa bahay ako ng mga oras na 'yon!", Seven.

"*lumapit kay Seven*Kahit anong gawin mo walang maniniwala sa'yo. Tingnan mo ang itsura mo.", bulong ni Mr. Reyes sa kanya.

Kinuyom ni Seven ang mga kamao niya...

"Kung ako sa'yo aamin nalang ako kung ayaw mong pati sila madamay."

*END OF FLASHBACK*

"*smirk* Ang matanda na 'yon."

"Oi,Seven."

Nilingon ko si Dan, may nginuso siya...

Sinundan ko ang nginuso niya...

Nakita ko ang taong sumira sa buhay ko.

Tumayo ako at hinarangan ang daraanan niya.

"Se-Seven.", gulat niyang sambit.

"Kamusta ka na...Mr.Reyes?"

"Ha! Tingnan mo nga naman! Ang dating patapon na estudyante ay tuluyan ng naging patapon!", Mr. Reyes. *smirk*

"*smirk*Salamat sa'yo."

"Ginawa ko lang ang nararapat."

"Anong gusto mong gawin namin sa isang 'to, Seven?", Dan.

Tumalikod ako at itinapon-tapon ang hawak kong bola ng baseball.

"Mauna na ako!", sabi ko sabay bato ng bola kay Mr.Reyes.

Pero bago pa tumama dito ang bola ay may sumalo na dito.

"YEY! Nasalo ko!", sabi ng nakasalo sabay angat ng kamay na may hawak sa bola sa ere.

"Huh?", Dan,Saito at Lim.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang babaeng sumalo sa bola na nakatalikod sa'kin, lumingon ito.

"Oh! Seven!", sabi niya ng makita ako.

"Ms. Glenreed?"

[Rie's POV]

Nilingon ko ang nagsalita, nagtaka ako kung sino ito.

"Sino ka?", pagkukunwari ko na d'di ko siya kilala.

"Oi,Seven sino ba ang bata na 'yan?"

Tiningnan ko ng masama ang lalaki na may pilang buhok.

"Sinong tina-------"

"Hindi ko siya kilala. Tara na.", Seven sabay lakad paalis.

Sumunod ang tatlo kay Seven...

"Seven! Hihintayin kita bukas! Aasahan ko ang pagdating mo sa school!", sigaw ko sa kanya habang kumakaway.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon