[Rie's POV]
"Young Lady?"
Nilingon ko si Shiro, tumabi siya sa'kin.
"May problema ba?"
"*iling* Hindi ko naman siya matatawag na problema, naiintindihan ko naman sila kung bakit sila nagkakaganyan.", sabi ko sabay tingala sa langit.
"Kulang lang sila sa atensyon at pagmamahal...sa tingin ko.", Shiro.
"Tama ka.", ako.
"Alam ko namang hindi mo sila papabayaan.", Shiro sabay tayo.
"*smile*"
[Seven's POV]
Inis kong tinadyakan ang trash can na nadaanan ko saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
*BOGSH*
Hindi ko pinansin ang taong nakabanggaan ko, nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"HOY!"
Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang sumigaw, nilapitan ko siya.
"May problema ka?", maangas kong tanong sa kanya.
"*lapit kay Aeron*Hindi ka ba tumitingin sa dinaraanan mo? Nabangga mo ako!", galit niyang sabi sa'kin.
"Pakialam ko sa'yo?SINO KA BA?!", sigaw ko sa kanya.
"ANG LAKAS NG LOOB MO AH PARA SIGAWAN AKO!"
"MANAHIMIK KA!",sigaw ko sa kanya sabay sapak dito.
Bumagsak ito sa lupa, hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataon na tumayo sunod-sunod na tadyak ang ibinigay ko sa kanya.
[Rie's POV]
"Goodmorning!", bati ko sa kanya.
Hindi nila ako pinansin, nagpatuloy nalang ako sa klase ko.
Natigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako sa upuan ni Seven, hindi pa rin siya pumapasok.
*sigh*
Isinara ko ang libro ko. Bigla silang natahimik lahat at napatingin sa'kin.
"'Yan na muna sa ngayon.", sabi ko sa kanila.
Lumakad ako palapit kayla Gray.
"Saan ang bahay nila Seven?", tanong ko kay Gray.
"Sa-----",Gray.
"Bakit mo ba pinagaaksayahan ang taong 'yon? Kung ayaw na niyang pumasok hayaan mo siya!", Aeron.
"Anong sabi mo? Wala ka na ba talagang pakialam sa kaibigan mo?", tanong ko kay Aeron.
"Sa tingin mo may pakialam ako sa kanya? Kaibigan? Nagpapatawa ka-----*bogsh*"
Napaupo siya sa sahig, gulat siyang napatingin sa'kin habang hawak ang panga niya pati na rin ang iba kong estudyante na naroon ay nagalit sa ginawa ko kay Aeron.
"GANYAN NA BA KAKITID ANG UTAK MO?! WALA KANG PAKIALAM?! PWES AKO MERON! KUNG HINDI KAYO NAG-AALALA PARA SA KANYA, AKO NAG-AALALA AKO PARA SA KANYA DAHIL ISA SIYA SA MGA IMPORTANTENG TAO SA BUHAY KO KATULAD NIYO!", sigaw ko sa kanila sabay lakad papunta sa upuan.
"RIE!"
Tumigil ako sa paglalakad.
"Saan ka pupunta?!", tanong ni Aeron sa'kin.
"Wala kang pakialam di'ba?", sabi ko sa kanya sabay alis.
"Rie!", Gray.
[Aeron's POV]
Napaupo ako.
-"Wala kang pakialam di'ba?"-
Paulit-ulit na nag-eecho sa isipan ko ang sinabing iyon ni Rie.
"*kuyom ng kamao*", ako.
"Aeron.", Gray.
Hindi ko siya sinagot nanatili lang akong nakatungo.
"Bakit sinabi mo 'yon?", Blaze.
Napatingin ako kay Blaze.
"Kaibigan pa rin naman na'tin siya di'ba?", Blaze.
Nakita kong lumakad palabas ng classroom si Kaiser,Louie at Channe.
"Saan kayo pupunta?", tanong ko sa kanila.
"Hahanapin si Seven.", Kaiser.
"Alam mo Aeron gusto na kitang sapakin kanina dahil sa mga binitiwan mong salita pero naunahan na ako ni Rie kaya hindi ko na itinuloy.", Louie.
"Napakalaki mong sira ulo,Aeron.", Channe.
Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi nila. Tama si Channe isa nga akong sira ulo, tumayo ako at tinadyakan ang upuan sa harapan ko saka ako tumakbo palabas.
"Aeron!", Blaze.
[Seven's POV]
Umupo ako sa gilid ng tunnel na dinaanan ko. Hinawakan ko ang sugat ko sa labi, napangiwi ako dahil sa hapdi.
"Tss! Nakakainis!", asar kong sabi.
Tumayo na ako at paika-ikang lumakad paalis.
[Rie's POV]
Hinanap ko si Seven kahit saan pero hindi ko siya mahanap, tumigil ako sa pagtakbo sa gitna ng park.
"Hindi ka puwedeng tumigil sa pag-aaral ulit, Seven.", bulong ko.
Tumakbo ulit ako para hanapin si Seven.
"SEVEN!", tawag ko sa pangalan niya.
[Aeron's POV]
"SEVEN!", paulit-ulit kong tawag kay Seven.
Takbo doon...takbo dito ang ginawa ko para hanapin siya pero bigo ako, hindi ko pa rin siya mahanap.
"SEVEN!", tawag ko ulit sa kanya.
Nasaan ka na ba?
[Kaiser's POV]
Nakita ko si Seven na nakaupo sa isa sa mga swing sa playground na nadaanan ko, nilapitan ko siya.
"Nandito ka lang pala.", sabi ko sa kanya.
"*tingin kay Kaiser*Ikaw pala.", sabi niya.
"Kanina ka pa namin hinahanap."
"Namin?", taka niyang sabi.
"Oo. Sila Channe,Gray,Louie,Blaze...pati si Aeron.", sabi ko sabay tayo sa tabi niya.
Tumayo siya at naglakad palabas ng playground.
"Pati ang isip-bata na 'yon hinahanap ka, sobra siyang nag-aalala sa'yo.", patuloy ko.
[Seven's POV]
Palabas na ako ng playground ng lumitaw sa harapan ko ang isip-bata kong homeroom teacher.
"Seven...", sambit nito.
Hindi ko siya sinagot, nagpatuloy ako sa paglalakad saka ko siya nilampasan.
"SEVEN!"
Tumigil ako sa paglalakad.
"HIHINTAYIN KITA BUKAS!",sigaw niya.
Nilingon ko siya.
"*smile*",Rie.
"Tss!", sabi ko sabay alis.
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
AçãoSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...