Chapter 42

7.1K 210 10
                                    

[Reiko's POV]

"Sabihin mo itong mensahe ko kay Phyton, kung may problema siyasa'kin ako ang harapin niya. Sabihin mong hihintayin ko ang oras ng paghaharap namin.", sabi ko kay Dammuel.

"*smirk* Tayo na.", sabi nito sabay lakad paalis sa lugar na iyon.

Pero bago umalis ay tumigil ito sa may pintuan saka tumingin sa'kin saka kay Rie...

"Makukuha ko rin ang kayamanan ng pamilya niyo Reiko. *smirk*", sabi nito saka tuluyan ng umalis.

Tiningnan ko si Rie saka ako napahawak sa baril ko ng mahigpit...

[Seven's POV]

Nanatili akong nakaluhod habang nakatitig sa sahig...

"Gray!", narinig kong sigaw nila Channe at Blaze sabay lapit kay Gray.

"Seven, okay ka lang?", tanong sa'kin ni Louie sabay tayo sa'kin.

Hindi ako makapagsalita...

Natatakot ako...

Natatakot ako...

[Rie's POV]

"Oi, Seven!", narinig kong sigaw ni Aeron.

Tinulungan ako ni Kuya Reiko na makatayo...

"Okay ka lang ba?", tanong niya sa'kin.

Tumango ako bilang sagot...

"Seven!", sigaw ni Kaiser.

Napatingin ako kayla Seven, nakita ko si Seven na nanginginig kaya bigla akong nag-alala kaya nilapitan ko siya...

"Seven? Anong problema?", tanong ko sa kanya.

Natigilan ako ng tumingin siya sa'kin, nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang takot at pangamba...

"Seven...sor---------"

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Seven payakap sa kanya.

[BGM: Spring Love by CODE V]

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya...

"Se-Seven..."

"Baliw ka! Sobra akong nag-alala! Paano mo nagagawang pag-alalahanin ang estudyante mo ng ganito?", bulong niyasa'kin habang yakap ako.

Hindi pa rin ako makapagsalita...

[Seven's POV]

"Uhurm!"

Napatingin ako sa paligid, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang Kuya Reiko ni Rie kaya agad ko siyang binitawan...

"Hokage moves!", Blaze.

"Confirmed!", Aeron habang nakangisi.

Nakita kong nagpipigil ng tawa sila Channe, Gray at Kaiser.

"Lumabas din ang katotohanan.*laugh*", Gray.

"I didn't see that coming.", Reiko sabay ngiti.

"*sigh*", tangi kong nagawa.

"Sabi ko na nga ba!", Rie.

Napatingin kaming lahat sa kanya, alam na kaya niya?

"Grabe! Na-touch ako du'n, Seven!", sabi nito sabay palo sa braso ko.

"Ha?", kunot-noo kong sambit.

"Concern ka sa teacher mo! Sorry kung pi-----------"

"Ewan ko sa'yo.", putol ko sa sinasabi niya sabay lakad paalis.

"Ang gulo ng dalawang 'to.", Aeron.

"Ang slow mo talaga, Rie.", Louie sabay tapik sa balikat ni Rie at sunod kay Seven.

"Ha? Hoy, Seven! Teka!", sigaw ni Rie sabay habol sa'kin.

Sumabay sa'min sa paglalakad si Rie, pumagitna siya sa'min ni Louie, humawak siya sa kaliwa kong braso habang ang kaliwang kamay niya ay nakahawak sa kanang braso ni Louie.

"Galit ka ba,Seven?", pangungulit nito sa'kin.

"Hindi. Bitiwan mo nga ako.", sabi ko sa kanya sabay alis ng kamay niya sa braso ko pero humawak siya ulit sa'kin.

*SIGH*

Nasa likuran namin sila Reiko, Channe, Gray, Kaiser at Aeron.

"Sigurado ka ba?", tanong nito ulit sa'kin.

"Oo nga!", asar kong sagot.

"*grin*OKAY! Tayo ng kumain ng ice cream!", Rie ng hindi pa rin bumibitaw sa'min ni Louie.

"Mukha ka ng ice cream.", bulong ko.

Napatigil kami sa paglalakad ng biglang tumigil si Rie sa paglalakad.

"Bakit?", tanong ko sa kanya.

Itinapat niya ang kanang hintuturo niya sa tapat ng bibig niya.

"Shhh!", Rie.

"Ha?", ako.

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa kanang kamay ko.

"Oi! Ano sa tingin mong ginagawa mo?", tanong ko sa kanya.

"Shhh!", sabi nito sabay tingin sa kaliwa saka sa kanan.

Napakunot-noo ako...

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hilahin palayo...

"O-Oi!", sigaw ko.

"Oi! Rie! Seven! Hintay!", Blaze at Aeron sabay habol sa'min ni Rie. 

"*smile*", Reiko.

ICE CREAM SHOP...

Nangalumbaba ako saka tumingin sa labas ng  glass wall ng ice cream shop...

"Here you go.", Shiro at Yo sabay lapag isa-isa ng baso ng ice cream sa mesa.

"Oi!"

Tiningnan ko si Rie, ngumuso ito...

"Ano?", tanong ko sa kanya.

"Usog ka.", sabi niya.

Napabuntong-hininga nalang ako sabay usog, saka siya umupo sa tabi ko at nag-umpisa ng kainin ang ice cream nito.

[Reiko's POV]

Pinagmamasdan ko si Rie habang kumakain sa tabi ni Seven... napangiti ako...

""Kuya Reiko!"

Napatingin ako sa may pintuan, nakita ko si Rain, lumapit ito sa mesa namin...

"Anong nangyari di'yan?", tanong ko sa kanya.

"Oi, Gray! Bakit hindi mo sinabi sa'kin na may pinsan ka pala na amasona?"

Gulat na napatingin si Gray kay Rain...

"Kung gann'un nagkita na kayo ni Ate Demmie?", tanong ni Gray kay Rain.

"Demmie? Hindi bagay sa kanya ang pangalan niya.", Rain sabay upo sa tabi ni Rie.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon