Chapter 02

11.3K 364 4
                                    


Tumayo si Principal saka lumapit sa akin sabay tayo sa tabi ko.

"Ito pala si Ms. Sawada ang bagong English teacher dito at homeroom teacher ng 4D.", pagpapakilala ni Mr. Antonio sa akin sa kanila.

Nginitian ko sila tapos bigla na namang gumana imahinasyon ko tungkol sa mga magiging estudyante ko.

"Goodmorning,Teacher Rie!"

"Goodmorning!"

"Kamusta po ang araw niyo?"

"Naku napakaganda dahil-----"

"Ms.Sawada!"

"Yes, mahal kong estu—", hindi ko na natapos pagiimahinasyon ko dahil pagkalingon ko ay pagmumukha ni Head Teacher ang bumungad sa akin.

"Head Teacher?", gulat kong tawag dito.

Ngumisi ito sa akin sabay seryoso ulit ng mukha at tingin sa mga kapwa ko teacher na nandoon.

"Huh?", tangi kong nasambit.

Inilapag niya ang isang folder sa mga kamay ko na naka-angat pa pala, taka kong binuklst ito at binasa ang nakasulat doon.

"Black Section?", basa ko sa first page.

Napatingin silang lahat sa'kin, saka sila sabay-sabay na lumapit sa'kin na ikinagulat ko.

"Sigurado ka bang ikaw ang magiging homeroom teacher nila?", Mr. Reyes, ang teacher sa Science at tumango ako bilang sagot dito.

Isinara ko ang folder sa mesa ko at saka tumayo't tumingala.

"Ipinapangako ko na aalagaan ko ang mga mababait kong estudyante!", madamdamin kong sabi.

"Mababait?", takang sambit ni Mr. Tan.

"Tuturuan ko ang mga masunurin kong mga estudyante sa abot ng aking makakaya!", pagtutuloy ko.

"Masunurin?", Mrs. Sandoval.

Magsasalita pa sana ako kaso biglang tumunog ang school bell na indikasyon na para magumpisa ang klase.

"Okay! Oras na para sa klase!", excited kong sabi.

"Ms. Glenreed, ihahatid na kita sa klase mo.", Head Teacher.

"Okay!"

Naglakad na kami ni Head Teacher papunta sa classroom ng mga bago kong estudyante...

Tumigil kamo sa bungad ng isang pasilyo na.

"Ma-Madilim?!", sambit ko.

Nilingon ko ang pasilyo, pumikit ako at dumilat ulit. Napakagat ako sa mga daliri ko.

"Nasa dulo ng pasilyo na iyan ang classroom ng mga magiging estudyante mo."

Nilingon ko si Head Teacher saka nilingon ko ulit ang madilim na pasilyo.

"Seryoso?", hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango siya ng sunod-sunod. Humarap ako sa madilim na pasilyo.

"Okay! Para sa mga mababait kong estudyante papasok ako sa madilim na pasilyo na 'yan,Head Teacher!", sabi ko sabay lingon kay Head Teacher na nasa likuran ko.

"Nawala siya.", sambit ko saka bumuntong hininga.

Naglakad na ako sa madilim na pasilyo. Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay palingon-lingon ako.

"Walang multo...", paulit-ulit kong sabi sa sarili ko hanggang sa may narinig ako na parang tunog ng isang nahulog na bakal.

"EHH!", sabi ko sabay tayo ng matuwid, tatakbo na sana ako buti nalang at narinig ko ang huni ng isang pusa.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon