Chapter 55

4.9K 135 1
                                    

[Seven's POV]

Bumuntong-hininga muna ako bago pindutin ang doorbell...

"Kahit hindi mo sila totoong mga magulang hindi naman sila nagkulang, tama ako di'ba?"

Bigla kong naalala ang sinabing iyon ni Rie...

Napabuntong-hininga ulit ako... pipindutin ko ulit sana ang doorbell ng biglang bumukas ang pintuan...

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagbukas ng pinto...

Titig na titig siya sa mukha ko...

"Ma-Mama...", sambit ko.

Nginitian niya ako, unti-unting tumulo ang mga luha niya sabay hawak sa mukha ko saka ako niyakap...

"Sorry, Mama.", sambit ko ulit.

"Sshhh..."

"Rowe-----"

Napatingin kami ni Mama kay Papa na gulat habang nakatingin sa'min...

"*smile*", Papa.

"Pa-----"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad akong niyakap ni Papa...

"Welcome home, anak.", Papa.

Napangiti ako sa sinabi ni Papa, hindi ko namalayan na tumutulo na pala luha ko...

Masaya ako dahil okay na kami ng pamilya ko pero sa kabila nun ay malungkot ako dahil isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko ang umalis...

"KUYA!"

Napatingin kami nila Mama't Papa kay Rayver na nakatayo sa may hagdan, agad itong bumaba doon at lumapit sa'kin... ng makalapit na siya sa'kin ay agad ko siyang hinead lock sabay gulo sa buhok nito...

"Kuya, tama na!", sambit nito.

[Rie's POV]

"Araw-araw na pabalik-balik dito ang mga estudyante mo, Rie. Ayaw mo ba silang harapin?"

Nilingon ko si Kuya Reiko na nasa pintuan ng kuwarto ko saka ko ibinalik ulit ang tingin ko sa labas ng bintana na inuupuan ko...

Lumakad si Kuya palapit sa kama ko saka siya umupo doon...

"So, anong plano mo ngayon ? Tuluyan mo na bang iiwan ang mga estudyante mo?", tanong ulit niya sa'kin.

"Gusto kong bumalik sa Japan.", wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"*sigh* Nakaka-disappoint ka, Rie sa totoo lang."

* * *

[A/N]

Tatlong linggo na ang lumipas mula ng mag-quit si Rie at sa loob ng tatlong linggo na iyon ay walang ibang ginawa ang 4D kundi ang tumayo sa harapan ng gate ng school, nagbabakasakali na muling papasok doon si Rie pero araw-araw naman silang nabibigo.

[Vice Principal's POV]

"Hindi ba sila nagsasawa?", Mr.Reyes.

Nakatayo ako sa bintana ng faculty room kungsaan tanaw ang entrance ng paaralan at mula doon ay tanaw ko ang 4D.

*FLASHBACK*

Nadaanan ko si Seven na nakaupo sa hagdan na parang ang lalim ng iniisip...

"Oh, anong ginagawa mo dito, Mr. Gonzaga? Wala ka b------"

"Vice Principal.", tawag nito sa'kin.

"Ha?"

"'Pag nagpakabait ba kami at nagpakatino posible bang ibalik niyo si Rie dito?", wala sa sariling tanong nito sa'kin.

Hindi ko masagot ang tanong niya dahil sa totoo lang hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya.

"Kahit imposimble ay gagawin pa rin namin. Aasa pa rin kami na isang araw ay babalik siya dito.", sabi ni Seven.

"Seven.", sambit ko.

Ngayon ko lang nakitang gan'ub si Seven at ang 4D...

"Sabi niya sa'min 'pag mahal at importante sa'yo ang isang tao ay 'wag namin itong susukuan at iyon ang gagawin namin sa kanya."

*END OF FLASHBACK*

Napabuntong-hininga ako...kinuha ko sa drawer ng mesa ko ang resignation letter ni Ms. Sawada...

"Saan kayo pupunta, Vice Principal?", tanong sa'kin ni Mr. Reyes.

"Ha?", Mr. Reyes.

[A/N]

Nasa kalagitnaan ng pag-uusap si Vice Principal at ang Chairman, nandoon din si Mr. Ruiz at si Mr. Reyes ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ng Chairman...nakatayo doon ang 4D.

"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?! LUMABAS NA KAYO! LUMA-----"

Hindi na naituloy pa ni Mr. Ruiz ang sasabihin nito dahil isa-isang lumuhod ang 4D sa harapan nila...

"Anong---", Mr. Ruiz.

"Hindi po kami pumunta dito para manggulo, nandito kami para makiusap.", Seven.

"*smile*", Vice Principal.

"Sa tingin niyo ba ay may magagawa pa 'yang pagluhod niyo?! Nasaan na ang resignation letter ni Ms. Sawada, Vice Principal?", Mr. Ruiz.

Ipinakita ni Vice Principal ang resignation letter ni Rie kay Mr. Ruiz dsbsy punit nito sa harapan ng mga naroon na ikinagulat ng mga ito...

"Vice Principal!", Mr. Ruiz.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon