[A/N]
Nanatili lang si Rie na nakatayo sa labas ng classroom ng 4D, hindi niya alam kung paano niya haharapin ang mga estudyante niya ng hindi umiiyak o nagpapakita ng lungkot sa mukha..
"Bahala na.", sambit niya sabay buntong-hininga.
Nakangiting binuksan ni Rie ang pintuan saka siya pumasok sa loob...
"Goodmo---"
"Iiwan mo rin ba kami?", bungad na tanong agad sa kanya ni Gray.
Napatingin si Rie kay Gray pero hindi pa rin niya tinatanggal ang ngiti sa mga labi niya...
"Ano bang pinagsasasabi niyo ? *laugh*", Rie.
"Kung ganun wala ka rin palang pinagkaiba sa mga teacher na nakilala namin.", Blaze.
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Rie...
"Hindi ka magqui-quit diba?", Channe sabay tingin sa kanya.
Hindi makapagsalita si Rie dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ni Channe...
"'Wag kang mag-quit, Rie. Paano kami 'pag nag-quit ka?", Aeron.
"'Wag mo kaming iiwan.", naluluhang sambit ni Troy.
Pilit pa rin na pinipigilan ni Rie na hindi tumulo ang luha niya....
"Rie...", 4D.
"Makinig kayo... sa oras na hindi na ako ang homeroon teacher niyo, magpapakabait kayo ha. 'Wag niyong bibigyan ng problema at sakit ng ulo ang mga teacher niyo pati na rin ang bagong homeroom teacher niyo lalong lalo na si Vice Principal.", pigil ang luha na sambit ni Rie sa 4D.
"Kasalanan namin di'ba ?", Kaiser.
Napatingin si Rie kay Kaiser...
"Kung hindi sana kami sumugod sa faculty room at nagwala hindi ka sana mapipilitang mag-quit.", Kaiser.
"*smile* Wala kayong kasalanan. At saka hindi pa naman final ang desisyon ko eh.", pagsisinungaling ni Rie.
"'WAG KANG MAGSINUNGALING!", angil ni Seven sa kanya.
Gulat na napatingin si Rie kay Seven... ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinigawan siya ni Seven...
"Nangako ka sa amin na hindi mo kami iiwan! Na sasamahan mo kami hanggang sa dulo!", Seven.
"Patawarin niyo ako.", Rie sabay lakad palabas ng classroom ng 4D.
[Seven's POV]
Wala kaming nagawa kundi ang mapapatitig sa teachers table...
"Ano ng mangyayari sa'tin?", Gray.
"Iniwan na niya tayo ng tuluyan.", Blaze.
"Kagaya lang pala siya ng ibang teacher, iniwan niya rin tayo!", sambit ni Shaun.
"Sa tingin niyo ba basta nalang tayong susukuan ni Rie ng walang dahilan ? Hindi ganung tao si Rie.", Channe.
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ni Mr. Ruiz kanina. Kapag hindi siya nag-quit pati tayo ay patatalsikin sa paaralang ito.", Louie.
"Pero hindi iyon sapat na dahilan para iwan niya tayo!", Aeron.
"Naaalala niyo ba ang sinabi ni Rie sa atin noon? Gagawin niya ang lahat para sa atin.", Troy.
"Isinakripisyo ni Rie ang pangarap niya para sa atin.", Kaiser.
"Bakit kailangang mangyari 'to? Ano bang klaseng pagsubok 'to.", Alvin.
"Ayokong mawala si Rie. Siya lang ang teacher na nagkaroon ng lakas ng loob na ilagay sa kapahamakan ang sarili niya para sa kaligtasan ko.", sambit ni Gray na hindi na napigilan ang pag-iyak.
Narinig ko nalang ang paghikbi ng mga kaklase ko.... daig pa namin ang batang iniwan ng ina....
Dahil hindi lang isang teacher ang nang-iwan sa amin kundi isa ring kaibigan....
* * *
Kinabukasan...
[Rie's POV]
Pinagmasdan ko ang buong Southville High, ito na ang huling pagkakataon na tatapak ako sa paaralang ito... napangiti ako ng mapait na ngiti...
Naglakad na ako papunta sa faculty room habang hawak ko ang resignation letter...
Pagdating ko sa faculty room ay dumiretso ako sa mesa ni Vice Principal, inilagay ko ang resignation letter ko sa mesa niya saka ako nagpaalam...
[Vice Principal's POV]
Tiningnan ko ang resignation letter na nasa harapan ko...
"Salamat po sa lahat, Vice Principal. Kayo na po ang bahala sa mga bata.", sabi niya sa'kin bago umalis.
Wala akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga...
"Rie...", sambit ko.
[Seven's POV]
"MASAMANG BALITA ! Tuluyan ng nagpasa ng resignation letter si Rie!", Jiroh.
Napatingin kaming lahat kay Jiroh... agad akong tumakbo papunta sa faculty room kasunod ang mga kaklase ko...
"Rie...", sambit ko.
* * *
PABITIN MUNA...
PAALALA PO SA EPISODE 54 ... KAILANGAN NIYO PO NG TISSUE DAHIL BAKA MAIYAK KAYO SA SCENE NA IYON :) DAHIL MASKI AKO AY NAIIYAK HABANG SINUSULAT KO ANG EPISODE NA 'YON :)
ADD ME UP ON FACEBOOK : CLICK THE EXTERNAL LINK BELOW ^_^
Para ma-update kayo kung may BAGONG UPDATE na ang TEACHER RIE :) Doon ko kasi ipopost ang mga update tungkol sa TEACHER RIE <3 ^_^ KAMSA !
Pakibasa rin ang isang 'to :)
THE BADBOY MEET MS.BULLY by Sugie_kim
KAMSA ! :D
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
AcciónSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...