Chapter 21

8.3K 235 6
                                    

-BUNOS VIDEO- GRAY DAMASO (TEPPIE KOIKE) - KIMI DAKE(ONLY YOU) (One of TEACHER RIE : NOT YOUR ORDINARY TEACHER Soundtrack) :)

[Louie's POV]

Nakaupo ako sa rooftop ng school building habang nakatingin sa baba.

"Ang ganda pala ng view dito!"

Nilingon ko si Rie.

"Hi! *smile*",Rie.

Ibinalik ko ang tingin sa baba.

"Bakit hindi ka sumasali sa kanila?", tanong sa'kin ni Rie.

Tiningnan ko ang mga kaklase ko na naglalaro ng soccer sa school field.

"May problema ka ba?"

Napatingin ako kay Rie, yinakap nito ang stuff toy na si Pikachu.

"Alam mo kung may problema ka 'wag mong solohin.May mga kaibigan ka naman para makinig sa'yo...tsaka... andito din naman ako. Hindi bilang teacher pero bilang kaibigan.", Rie habang nakatingin sa malayo.

Napangiti ako sa sinabi niya, kakaiba din ang teacher na 'to, maliban sa ka-edad lang namin siya may pagka-weirdo din ang isang 'to.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo, I tapped Rie's head.

"Okay lang ako. Ganito lang talaga ako. *smile*", ako sabay alis.

"Ba't ba ang hilig ng mga estudyante kong ito na talikuran ako.", himutok ni Rie habang yakap si Pikachu.

[Channe's POV]

Nakita ko si Louie at Rie sa rooftop.

Ano kayang pinag-uusapan ng dalawa.

"Channe!"

Napalingon ako kay Gray...

*BOGSH*

"ARAY!",hiyaw ko sabay hawak sa ulo ko.

"Saan ka ba kasi nakatingin?", sabi sa'kin ni Blaze.

Natamaan lang naman ako ng bola ng soccer sa ulo.

"Aish!", ako.

[Louie's POV]

Pauwi na kami dahil tapos na ang klase.

"Di'ba biyernes na bukas ? So walang pasok kinabukasan?",sabi ni Blaze.

"Oo nga noh! So...anong plano niyo?",Gray.

"Gumala kaya tayo?", Channe.

"Sige! Game ako di'yan.", Aeron.

"Sama kayo,Seven at Kaiser?", Channe.

"Okay.", sabay na sagot nila Seven at Kaiser.

"Ayos! Ikaw,Louie?", Channe.

"Okay.", Louie.

"OK! Magiging masaya 'to!", Channe.

"Paano si Rie?", Blaze.

Napatingin kaming lima maliban kay Seven kay Blaze.

"Bakit?", Blaze.

"Blaze!",Gray.

"Huh?",Blaze.

"Aminin mo nga! May gusto ka ba kay Rie?!",Gray sabay hawak sa kuwelyo ni Blaze.

Tinanggal ni Blaze ang pagkakahaw ni Gray sa kuwelyo niya.

"Wala nga!", sabi ni Blaze.

"Kung wala...bakit lagi mo siyang bukambibig?!",Aeron.

"Ano kasi...ma-may naaalala lang akong tao sa kanya.",sabi ni Blaze.

"Naaalala?",Gray.

"Sino?",Aeron.

"Girlfriend mo?",Channe.

"Ha? Wala 'yon! 'Wag niyo ng pansinin sinabi ko!*laugh*",Blaze.

"Mauna na ako sa inyo.",sabi ko.

"Ha? Pe--------", Channe.

"Kita nalang tayo bukas sa school.",sabi ko sabay alis.

[A/N]

Saktong pababa ng kotse si Rie ng mapadaan sila Seven sa kanto malapit sa restaurant na binabaan niya.

Napatingin si Seven sa gawi ni Rie.

"Rie.",Seven na napatigil sa paglalakad.

"Oi,Seven!", Channe.

Napatingin si Seven kay Channe.

"Tara na!",Channe.

"Mauna na kayo! May pupuntahan pa pala ako.",Seven.

"Eh?",Channe.

Hindi na hinintay ni Seven na makapagsalita pa si Channe, agad siyang tumakbo papunta sa restaurant kung saan niya nakita si Rie na pumasok.

[Seven's POV]

Tumigil ako sa tapat ng restaurant kung saan ko nakita si Rie na pumasok.At 'yun nakita ko si Rie mula sa labas ng restaurant na may kausap na lalaki.

Bakit bigla akong nainis?

Asar akong lumakad paalis doon.

At dahil sa inis ko ay tinadyakan ko ang lata na nadaanan ko at 'di inaasahan ay natamaan nito ang isang lalaki sa ulo.

Galit itong lumingon sa'kin, lumapit ito sa'kin sabay hawak sa kuwelyo ng uniporme ko.

"Anong problema mo?! Masakit 'yon ah!", maangas at galit nitong angil sa'kin.

Hinawi ko ang kamay niya.

"Ano naman ngayon ha?!", sabi ko sa kanya sabay sapak dito.

[Louie's POV]

Lumabas ako mula sa likuran ng restaurant na pinagpapart time job ko para kunin ang mga stock ng softdrinks na naroon ng makita ko si Sophia, kasama ni si Arthur ng St. Agnes Academy, ang kilala at kinatatakutan na gangster sa siyudad, magkahawak ang mga ito ng kamay.

"Tama nga ang hinala ko. Hindi nga ako nagkakamali ng nakita ko noon.", sambit ko.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Channe...",bulong ko.

[Seven's POV]

Pumasok ako sa loob ng classroom, agad akong naupo sa upuan ko sabay nangalumbaba.

"Oi,Seven anong nangyari d'yan sa mukha mo?", tanong sa'kin ni Gray.

Hindi ko siya sinagot nanatili lang akong nakatingin sa blackboard ng pumasok si Louie.

Agad itong lumkad palapit sa'min.

Lumapit ito kay Channe.

"Bakit?",Channe habang takang nakatingin kay Louie.

"Hiwalayan mo na si Sophia.",Louie.

Napatingin kaming lahat kay Louie.

"Ano bang pinagsasasabi mo, Louie?", natatawang sabi ni Blaze.

"'Wag kang magbiro ng ganyan, Louie.", Gray.

"Hindi ako nagbibiro. Hiwalayan mo na si Sophia, Channe.", seryosong sabi ni Louie kay Channe.

*KA-BLAG*

Tinadyakan ni Channe ang upuan na nasa harapan niya sabay tayo.

Hinawakan nito sa kuwelyo si Louie.

"Ano ba sa tingin mong sinasabi mo?", galit na tanong niya kay Louie.

"O-Oi,Channe.", Aeron.

Nagtitigan sila Channe at Louie, hanggang sa--------

*BOGSH*

Napa-upo si Louie sa sahig, tumayo si Louie saka sinapak din si Channe...napaatras ito.

Inawat nila Aeron,Gray at Blaze ang dalawa pero wala pa ring silang nagawa dahil pati buong klase ay nagkagulo na.

Nanatili lang kaming nakatingin ni Kaiser sa kanila.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon