[Gray's POV]
Nanatili lang akong nakatayo doon habang pinagmamasdan ang ginagawa ng mga kasama ni Seven sa estudyante.
Biglang napatingin sa'kin ang lalaking pula ang buhok, tumigil ito sa ginagawa at saka humarap sa'kin.
"Look who's here!", sabi niya.
Tumigil ang dalawa pa nilang kasama at tumingin sa'kin pati na rin si Seven, nagulat si Seven ng makita ako.
"G-Gray.", sambit niya.
Lumakad ako palapit sa kanila, nilagpasan ko ang tatlo at si Seven, nilapitan ko ang estudyante na binugbog ng tatlong kasama ni Seven.
"Okay ka lang ba?", tanong ko sa kanya saka ko siya tinulungan na tumayo.
"Sa-Salamat.", sabi niya.
"Umalis ka na dito.", sabi ko sa kanya.
Tumakbo paalis ang estudyante, ng wala na ito ay hinarap ko si Seven at ang tatlo niyang kasama.
"Hindi ko akalain na sa ganito ka dadalhin ng pagkamuhi mo sa mga guro.", sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa malayo.
"Oi,Seven sino ba ang pakialamerong ito? Pagsabihan mo 'to at baka makatikim 'to.", sabi ng pula ang buhok na kasama niya.
"Pabayaan niyo na siya.*tayo* Tara na, Dan.", Seven sabay lakad paalis.
"Sandali lang!", sigaw ko sa kanya.
Tumigil sila sa paglalakad.
"Bumalik ka na, Seven. May bago tayong homeroom teacher at... at sa tingin ko...naiiba siya sa lahat ng guro na nakilala natin.",pangungumbinsi ko sa kanya.
"Tch! *smirk* Naiiba? Nagpapatawa ka ba? Pare-pareho lang sila...mga plastic.", Seven.
Lumakad na uli si Seven kasunod ang dalawa niyang kasama dahil nagpaiwan ang pula ang buhok na tinawag niyang Dan, lumapit ito sa'kin saka ako kinuwelyuhan.
"Tigilan mo na si Seven dahil kahit anong gawin mo hindi na siya puwedeng umalis sa grupo.", sabi niya sa'kin.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"*smirk*", sabay bitaw sa kuwelyo ko saka ako tinulak.
Naglakad na ito paalis para sumunod kayla Seven.
"Oi!", sigaw ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
"seven, ano ba itong pinasok mo?", bulong ko sa sarili ko.
[Seven's POV]
Itinapon ko sa labas ng backdoor ng restaurant na pinagtratrabahuan ko ang mga basurang naipon sa kusina.
Ng humarap ako ay may isang...
Bata?!
"Hello! *wide smile*", bati nito.
"Huh?"
"Ikaw si Seven diba?"
"O-Oo."
Tiningnan nito ang hawak na folder saka tumingin ulit sa'kin, biglang nanlaki mga mata nito.
"OH! Mas guwapo ka pala sa personal kaysa sa picture!", kinikilig na sabi nito.
"Ha?", takang sambit ko.
"OH! May guwapo pala akong mga estudyante!", dagdag pa nito.
"Estudyante?"
"Yup! Ako nga pala si Rie Sawada! Ang bago niyong homeroom teacher!"
"Kung gan'un. Ikaw pala ang naiibang teacher na sinasabi ni Gray."
"Huh? Sinabi ni Gray 'yon?"
"Tss! Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.
"Gusto ko sanang sabihin sa'yo na bumalik ka na sa school?", nakangiti niyang sabi.
"Nagpapatawa ka ba? *smirk*"
"Oh? Mukha ba akong nagpapatawa?", sabi nito.
"'Wag ka ng umasa.", sabi ko sabay lakad papunta sa pinto.
"Huh?"
"Hindi na ako babalik sa walang kuwentang paaralan na 'yon."
"Te---"
Hindi ko na siya pinatapos ng sinasabi, agad akong pumasok sa loob ng restaurant.
"Ay, nilayasan ako? 'Di bale babalik ako dito hanggang makumbinsi ko siyang bumalik.", Rie.
[Gray's POV]
"May problema ba?", Blaze.
"Ah...wa-wala!", sagot ko.
-"Kahit anong gawin mo hindi na siya puwedeng umalis sa grupo."-
Naaalala kong sabi ni Dan sa'kin kahapon.
Anong ibig sabihin ng lalaking iyon?
"Gray!"
Tiningnan ko ang tumawag sa'kin.
Nakita ko si Rie na nakatayo sa harapan ko.
"Bakit?"
Bigla niya akong hinawakan sa brsao at hinila palabas ng classroom. Dinala niya ako sa may hagdanan papuntang rooftop.
"Ano ba?!", asar kong sabi sa kanya.
"Gray."
Napatingin ako sa kanya, umupo siya sa hagdanan at saka nangalumbaba.
"Nag-aalala ka kay Seven?"
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Tss! Ano bang pinagsasasabi mo?"
Tumayo siya at tumingin sa'kin sabay ngiti.
"'Wag kang mag-alala ibabalik ko siya dito.", sabi niya sabay lakad paalis.
"R-Rie.", sambit ko habang sinusundan siya ng tingin.
[Aeron's POV]
Hinarangan ko ang daraanan ni Rie.
"Oh! Aeron!",gulat niyang sabi.
"Bakit?", tanong ko sa kanya.
"Ha?"
"Bakit ba gustong-gusto mo na pabalikin ang taong 'yon dito?!"
"*smile* Bakit? Dahil isa siya sa mga mahalaga kong estudyante, katulad mo.", sagot niya.
"Pero ayaw na niyang bumalik dito diba?!"
"Kahit na. Hindi ko pa rin siya susukuan. Dahil ako ang homeroom teacher niyo at nangako ako sa inyo na magtatapos kayo ng pag-aaral ng sabay-sabay.", sabi niya sabay lagpas sa'kin.
Sinundan ko siya ng tingin.
"Bakit mo ginagawa 'to?", pabulong kong sabi.
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...