Chapter 45

7.1K 147 3
                                    

[I choose this song from 100 pounds of beauty as the BGM of this Episode kasi parang sakto siya sa lungkot at sakit na nararamdaman ni Aeron in this Episode...AT PARA MAS DAMA NIYO ANG PAGBABASA NG EPISODE NA 'TO PAKINGGAN NIYO ANG KANTA HABANG BINABASA ITO.]

[Aeron's POV]

Naglalakad ako pauwi ng makita ko si Freyal sa labas ng isang convenient stor kasama nito ang grupo ni Jude na drop out sa school namin...

Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan ko sila...pumasok sa loob si Freyal at paglabas nito ay may kasama na itong isang estudyante...

Napakunot-noo ako...si Miko Aridillo ng Class 1A ang kasama nito...

"Freyal...", sambit ko.

Nakita kong inakbayan ni Freyal si Miko at saka umalis ang mga ito kasunod ang grupo ni Jude, susundan ko sana sila ng biglang may humawak sa balikat ko...

"Teka, Aeron."

Nilingon ko ang nagsalita, si Seven...

"'Wag mo akong pigilan, Seven kailangan kong pigilan ang batang 'yon.", sabi ko sa kanya.

"Isa sa mga rules sa annual basketball tournament ay hindi puwedeng mainvolve ang sino man sa mga kasali sa tournament sa anumang gulo 'pag na-involve sila automatic na disqualified agad ang section nila.", Seven.

"Pero hindi ko puwedeng pabayaan ang batang 'yon na gumawa ng isang bagay na ikakapahamak niya sa bandang huli. Ayokong matulad siya sa'kin noon.", sabi ko sa kanya.

"Isipin mo rin sana ang mga kaklase na'tin...ngayon lang ulit sila nagkaroon ng interes sa isang bagay at ayokong biguin sila oras na matanggal tayo sa tournament. Si Rie, pangarap niya na magkaroon tayo ng magandang alaala bago tayo grumaduate.", Seven.

Natigilan ako...tama si Seven, ngayon lang ulit naging interesado sa isang bagay ang mga kaklase ko, ayokong sirain ang kasiyahan nila...

[Freyal's POV]

Lumiko na ako sa kanto na papunta sa bahay namin...

"Anong ginawa niyo ay Miko?"

Napatigil ako sa paglalakad...

"Hmm...kailan ka pa nagkaroon ng interes sa mga ginagawa ko?", sabi ko sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakasandal niya sa pader...

"Sagutin mo tanong ko.", sabi niya sabay harap sa'kin.

"*smirk*", ako.

Nakita kong rumihestro sa mukha niya ang galit, kinuwelyuhan niya ako sabay sandal sa'kin sa pader...

"Anong ginawa mo kay Miko?", pigil ang galit na tanong niya ulit sa'kin.

"*smirk* Wala naman, gusto lang sana naming kunin sa kanya ang bagay na kailangan namin kaso ayaw niyang ibigay kaya ayon naturuan tuloy siya ng leksyon."

"Anong ibig mong sabihin?", kunot-noo niyang tanong sa'kin.

"Nakatikim siya mula sa mga kaibigan ko.", sagot ko sabay ngisi.

"FREYAL!", sigaw niya.

Nakita kong itinaas niya ang kanang kamao niya na nanginginig sa galit...

"Gusto mo kong suntukin? Sige, gawin mo!", hamon ko sa kanya.

Kitang-kita ko sa mukha niya ang sobrang galit, nakipagtitigan ako sa kanya.

"AHHHHHH!"

*BOGSH*

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon