[Someone's POV]
Pinulot ko ang cellphone na nasa kalsada.
"Kung gan'un siya pala ang may kagagawan nito sa'yo."
Tiningnan ko ang contacts ng cellphone.
"*smirk* Tayo na.", sabi ko sabay alis.
[Seven's POV]
Umaga na pero nakahiga pa rin ako. Tiningnan ko ang wall clock sa kuwarto ko, six thirty na pala, tumayo ako sa kama ko at saka lumapit sa bintana hinawi ko ang kurtina sabay bukas nito, biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa labas ng gate ng bahay namin.
"SEVEEEEEEEEN!"
Bigla kong na-realize wala pala akong suot na tshirt at sa tingin ko napansin din nito iyon kaya bigla itong tumalikod sa akin.
*angry vein*
Sinuot ko ang tshirt ko sabay takbo pababa ng hagdan at palabas ng bahay, pinagtitinginan tuloy ako ng mga maid namin ngina. Ng makalabas ako ng gate agad ko siyang hinawakan sa braso sabay hila sa kanya papunta sa gilid ng pader.
"Bakit ka ba sumisigaw at bakit ka nandito? Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?", inis kong sigaw sa isip-bata kong homeroom teacher.
"Malalate ka na!Sa school record mo malamang.", sagot niya.
"Hindi ako papasok.", sabi ko.
"HA?!",sigaw ulit niya.
"*angry vien*ISANG SIGAW PA'T LALAYASAN NA KITA!", pabalik kong sigaw sa kanya.
"Sorry! Hehe! Grabe ang laki pala ng bahay mo!",sabi niya sabay tingin sa bahay namin mula sa labas ng gate.
Hinawakan ko ulit siya sa braso sabay hila pabalik sa kung saan ko siya dinala kanina.
"Umalis ka na.", sabi ko sa kanya.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka pumapasok!", giit niya.
"Anak ng----Aish!"
Pumasok ako sa loob ng bahay namin at agad akong naligo, after 10mins ay lumabas na ako't nagbihis. Ng matapos na akong magbihis ay agad akong lumabas ng bahay ng nasa labas na ako ng gate ay agad kong hinawakan siya sa kamay at hinila paalis doon.
[Aeron's POV]
Nasa classroom kami nila Channe at nag-uusap ng biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang tumatawag.
Calling...
Seven
Agad ko itong sinagot.
"'Wag na 'wag niyong sasaktan ang kaibigan ko!", angil ko sa kabilang linya.
"Bakit? Sino 'yan?", tanong ni Blaze sa'kin.
Hindi ko siya sinagot...agad akong tumakbo palabas ng classroom.
"Aeron!", tawag ni Channe sa'kin.
[Vice Principal's POV]
Naglalakad ako sa hallway upang siguraduhing wala ng estudyante sa labas ng respective classroom nila bago mag-ring ang bell ng makita ko si Ramirez Aeron na tumatakbo sa hallway patumbok sa'kin.
"Aeron, baw-----------*bogsh*"
Bumangga ako sa pader dahil sa pagtulak sa'kin ni Aeron, medyo nahihilo pa ako.
"RAMIREEEEEEEEEEEZ!", sigaw ko.
[Rie's POV]
Isinubo ko ang dulo ng cornetto na kinakain ko.
"Ang sarap!", sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.
"Grabe, tao ka ba talaga? Limang piraso ng cornetto ang naubos mo.", sabi ni Seven sa'kin.
"Correction! Anim!", sabi ko.
"Grabe ka.",Seven.
Naglalakad na kami papunta sa school...actually late na kami.
"Sa lahat ng teacher na nakilala ko ikaw lang ata ang teacher na walang pakialam sa itsura't ugali namin. At ikaw lang ata ang teacher na walang pakialam kahit malate siya."
"Kasalanan mo 'to. Pa-special ka kasi.", sabi ko sa kanya.
"Ano? Eh, hindi ko naman sinabing sunduin mo ako!", inis niyang bulyaw sa'kin.
"Basta kasalanan mo.", giit ko.
"Aba't--------"
*PHONE RING*
"Shut up ka muna.",sabi ko sa kanya sabay harap ng kanan kong palad sa mukha niya.
"*angry vien*", Seven.
Sinagot ko ang tawag.
"Sige ako ng bahala sa kanya.", sabi ko sabay end sa tawag.
"Bakit?", takang tanong ni Seven.
"Tumawag ka daw kay Aeron at sinasabing hawak ka daw nila.", sabi ko sa kanya.
"Pa-Paano?"
"'Yon ang ipinagtataka ko dahil kasama kita.", sabi ko.
Biglang natigilan si Seven.
"Sh*t! Ngayon ko lang naalala 'yong cellphone ko nawawala! Sh*t!"
*BOGSH*
"ARAY! *hawak sa ulo* Para saan ang batok na 'yon?!", angil niya.
"HUWAG KANG MAGMURA!"
"O-Okay."
Kinuha ko ang cellphone ko't tinawagan ko ang cellphone ni Shiro.
"I-trace mo ang location ng cellphone ni Seven.", sabi ko sabay patay sa cellphone ko.
After 2 mins ay lumabas na sa cellphone ko ang location ng cellphone ni Seven.
"Tayo na.", sabi ko sabay takbo kasunod si Seven.
[Seven's POV]
Nagtago kami ni Rie sa likod ng mga drum na naroon sa isang bodega, nakita namin si Aeron na binubugbog ng mga lalaki.
"Seven, 'pag hinabol nila ako ilayo mo na si Aeron dito.", narinig kong sabi ni Rie.
"Huh?"
"HOY!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Rie na nakatayo na.
"Ri-Rie.",nanghihinang sambit ni Aeron.
"Aeron.", sambit ko.
"LAYUAN NIYO SIYA MGA PANGIT!",sigaw ni Rie sa mga ito.
"SINONG TINAWAG MONG PANGIT?!", sigaw ng isang lalaki.
"KAYO! ALANGAN NAMAN AKO!", Rie.
"Psst! Rie, anong ginagawa mo?", bulong ko sa kanya.
"Manahimik ka!", bulong niya sa'kin pabalik.
"IKAW! HABULIN SIYA!", sigaw ng parang lider ng mga ito.
"WAAAAAAAAAAAAAAH! TAKBOOOOOOOOOOO!", Rie sabay takbo.
Tumayo ako sa pinagtataguan ko at sinundan ng tingin sila Rie at ang mga lalaking humahabol dito.
"Nababaliw na ba siya?", sambit ko.
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...