[Rie's POV]
"Rie."
Tiningnan ko si Sid.
"Bakit?", tanong ko sa kanya.
"Mukhang may gustong kumausap sa'yo.", sabi niya sabay nguso sa may pintuan ng faculty room.
Sinundan ko ang ininguso ni Sid, nakita ko si Shaun na nakatayo sa labas ng pintuan ng faculty room, tumayo ako saka ko siya nilapitan.
"May problema ba?", tanong ko sa kanya.
"Ano...ma-e-expel ba sila Liam at Troy?", tanong niya sa'kin.
"*smile*Nag-aalala ka para sa mga kaibigan mo?", tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus ay tumingin siya sa malayo.
"*smile*'Wag kang mag-alala hindi ko hahayaan na ma-expel silang dalawa.", sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa'kin saka namulsa.
"Ano bang aasahan ko sa isang teacher.", sabi niya sabay alis.
Wala akong nagawa kundi ang sundan siya ng tingin.
[Seven's POV]
Tinignan ko ang blackboard...
SELF STUDY! -RIE- ^_^V
"Na naman?", sambit ko.
"Ano bang pinaggagawa ng Teacher na 'yon.", Renz.
*DOOR OPENED*
Napatingin kaming lahat sa may pintuan...
"*disappointed face*", 4D.
"Bakit?", Jiroh.
"WALA!", 4D.
"Eh?!", Jiroh.
[Rie's POV]
Nanatili akong nakatayo sa harapan ng bahay nila Harold...
"Ikaw na naman?"
Nilingon ko si Harold.
"'Di ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na ako? Hindi ko na babaguhin ang sinabi ko sa mga pulis.", sabi niya sabay pasok sa gate ng bahay nila.
"Kahit na alam mong hindi ka sigurado sa mga nakita mo?', tanong ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at nanatiling nakatalikod sa'kin...
"Please! Gawin mo sana ang tama. 'Wag mong hayaan na masira ang buhay ng dalawang tao dahil sa mali mong akala.", sabi ko sa kanya sabay yuko.
*DOOR CLOSED*
[Seven's POV]
Last Period : ENGLISH SELF STUDY! ^_^V
"Na naman?", Blaze.
"Ano bang klaseng guro siya?", Gray.
"Tch!", Channe.
Kunot-noo kong tiningnan ang blackboard.
"Miss mo na siya?", bulong sa'kin ni Aeron.
Tiningnan ko si Aeron....
"Gusto mo ng mamatay?", sabi ko sa kanya.
"*grin*", Aeron.
[Shaun's POV]
"Ahh...sinukuan na siguro tayo ni Rie ng tuluyan.", Renz habang nilalaro ang bola ng baseball sa kamay niya.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Rie sa'kin kahapon...
"'Wag kang mag-alala hindi ko hahayaan na ma-expel silang dalawa."
"Rie...", sambit ko.
[Seven's POV]
"Bakit pakiramdam ko ang boring ng paaralan ngayon?", Blaze.
"Oo nga.", Gray.
"*sigh*", Aeron.
"Nasaan na kaya si Rie?", Channe.
"Rie...", sambit ko.
Napatigil sila sa paglalakad at lumapit sa'kin sabay tingin sa tinitingnan ko...
"Si Rie nga...", Gray.
"Tara sundan na'tin siya.", sabi ko.
Sinundan namin si Rie. Nakita namin siyang tumigil sa harapan ng isang bahay.
"Teka...bahay ni Harold 'yan diba?", Kaiser.
Napatingin kami kay Kaiser...
"Kung gan'un ito pala ang dahilan kung bakit lagi siyang absent.", Channe.
"Rie...", Blaze.
"Hindi ba naiirita sa kanya ang mga kapitbahay nila Harold?", Gray.
"Kakaiba talaga siya.", Aeron.
"*smile*", ako, Louie at si Kaiser.
[Shaun's POV]
Habang naglalakad ako pauwi ay hindi maalis sa isip ko si Rie...
Sumuko na ba siya sa'min ng tuluyan?
Kung totoo 'yon wala nga siyang pinagkaiba sa ibang teacher na nakilala ko.
"Akalain mo 'yon! Malaki pala ang pakinabang ng pangalan na'tin noh, Laim?",
"Tama ka, Troy. Ang kawawang mga taga-Southville High, sila ang pinagbintangan ng kasalanan na tayo ang may kagagawan.*laugh*"
Napatigil ako sa paglalakad saka nilingon ang dalawang lalaki na nakasalubong ko.
[Kaiser's POV]
Tiningnan ko ang pumasok sa classroom sa pag-aakalang si Rie pero si Shaun ang nakita ko, tumungo ulit ako sa mesa ko at natulog.
"Bakit nangyayari 'to?", Rino.
"Paano kung ma-expel sila Liam at Troy ng tuluyan?", Renz.
"Anong gagawin na'tin?", Alvin.
"Sa tingin ko'y wala na tayong magagawa.", Drake.
"Walang magagawa?"
[Louie's POV]
Napatingin kami sa nagsalita...
"RIE!", 4D.
"Paano niyo nasasabi ang mga salitang 'yan?", tanong niya sabay lakad papunta sa harapan ng klase.
"Kahit ano naman ang sabihin namin hindi din naman sila maniniwala.", Rino.
*PAK PAK PAK PAK PAK*
"PARAAN SAAN 'YON?!", angil naming lahat kay Rie habang hawak ang mga ulo namin.
Ikaw ba naman ang paluin ng folder sa ulo...
"So, ganu'n?", Rie.
"Ha?", 4D.
"Porke't walang naniniwala sa inyo mananahimik nalang kayo kahit pinagbibintangan na kayo ng mga bagay na hindi niyo ginawa?", Rie.
"Sana'y na naman kami eh.", Renz.
"HE!", angil nito kay Renz.
"Sinigawan niya ba ako ngayon ngayon lang?", Renz.
*PAK*
"Baliw.", Rino.
"Errn!", Renz kay Rino.
"Bakit hindi niyo patunayan sa kanila na mali sila sa inaakala nila sai nyo? Normal lang na mapasok kayo sa gulo kasi mga bata pa kayo at hindi pa alam ang pagkakaiba ng tama sa mali. Marami pa kayong dapat matutunan. At handa akong turuan kayo. At saka naniniwala naman ako sa inyo eh. Simula sa araw na ito ako ang magiging number one supporter niyo!", Rie.
Napatingin kaming lahat kay Rie...
"*wink/V sign/smile*", Rie.
"KAWAII! [Cute!]", 4D.
"*mad face*", Seven.
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...