Chapter 39

7.1K 213 5
                                    

[Rie's POV]

Tiningnan ko ng masama ang lalaki na may hawak sa kuwelyo ko.

"Umalis? Sa tingin mo ba takot ako sa inyo?", sabi ko sa kanya.

"Aba ang tapang mo ah. Gusto mo akong labanan?", sabi nito sa'kin.

Hindi ako nagsalita dahil sa galit siguro nito ay sinampal ako nito.

"RI-RIE!", sambit ni Gray.

Pero hindi ako natinag sa sampal niya, hinawakan ko ang kamay niya gamit ang kanan kong kamay saka ko ito pinilipit. Namilipit naman ito sa sakit itinulak ko ito palayo sa'kin.

Saka ko hinarap ang mga kasama nito...

"Mga sandamukal kayong mga walang kuwentang tao. Paano niyo nagagawang pagtulungan ang isang highschool student.", sabi ko sa kanila.

"Sino ka ba sa tingin mo?!", angil ng isa sa'kin.

"Ako ang homeroom teacher ng bata na 'yan.", sabi ko.

"Teacher? Can a teacher now a day butt in to their students personal problems?", sabi ng isa na naka-suit na lalaki.

"Kahit anong problema basta't damay ang estudyante ko haharapin ko.", sabi ko sa kanila.

"Tumahimik ka!", sabi ng isa sabay sugod sa'kin ng suntok.

Inilagan ko ang suntok niya kaya hindi ko inaasahan na sa likuran ko ay may nakaabang na pala na isa sa mga kasama nito at may hawak itong pamalo.

"Huli ka ngayon!", sabi nito.

*BOGSH*

"RIE!"

Sinalo ko ang pamalo nito saka ko siya hinawakan sa kuwelyo niya sabay sandal sa kanya sa pader, tiningnan ko siya ng masama.

"Kung iniisip mong isa lang akong ordinaryong babae puwes sasabihin ko sa'yo basta't pagdating sa mga estudyante ko gagawin kong lahat kahit pa mapatalsik ako bilang teacher!", sabi ko sa kanya.

"Gray!", Channe, Aeron, Louie, Kaiser at Blaze.

"Rie!", Seven.

"Ta-Tayo na.", sabi ng lalaking naka-suit.

Lumapit sila Channe kay Gray, tinulungan nila itong tumayo...

"Okay ka lang ba?", Aeron.

"Bakit ba kayo nandito?", Gray sabay alis ng pagkakahawak sa kanya nila Aeron at Blaze.

"Ha?", Channe, Aeron, Blaze, Louie, Kaiser at Seven.

"Teka, Gray ano ba 'yang pinagsasasabi mo?", Aeron.

"Natural nag-aalala kami sa'yo dahil kaibigan ka namin!", Blaze.

"Pabayaan niyo nalang ako.", Gray sabay lakad paalis.

"Teka, Gray!", Channe sabay hawak sa pulsuhan ni Gray.

"PUWEDE BANG LAYUAN NIYO-------*slap*"

Napatingin kaming lahat kay Rie.

[Gray's POV]

Hinawakan ko ang pisngi ko na sinampal ni Rie.

"PABAYAAN?! ALAM MO BA 'YANG MGA PINAGSASASABI MO?! HALOS MABALIW AKO SA KAKAISIP KUNG NASAAN KA! LAHAT KAMI NAG-AALALA SA'YO! LAGI KONG INIISIP...paano kung nahuli ka na nila. Paano kung may ginawa na silang masama sa'yo! Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na 'yon!", angil sa'kin ni Rie habang naiiyak.

"Ri-Rie...", sambit ko.

"Nag-aalala na ang buong klase sa'yo.", Seven.

"Mas nag-aalala ako sa inyo. Hindi niyo alam kung gaano kadilikado ang mga taong humahabol sa'kin.", sabi ko sa kanila.

"Wala akong pakialam!", Rie.

Napatingin ulit kaming lahat kay Rie.

"Hindi ako natatakot para sa kaligtasan ko...natatakot ako na masaktan ang mga estudyante ko.", patuloy ni Rie.

*PHONE RING*

[Rie's POV]

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko saka ko sinagot ang tawag.

"Ganun ba. Sige.", sabi ko sabay pindot sa end button.

Tiningnan ko sila...

"Alam na nila kung nasaan si Gray at papunta na sila dito.", sabi ko sa kanila.

Napatingin sila sa'kin.

"Masama 'to.", Channe.

"Anong gagawin na'tin? Hindi nila puwedeng mahuli si Gray!", Blaze.

"Umalis na kayo. Ako ng bahala-------", Gray.

"Hindi! Sumama kayo sa'kin. Dali!", sabi ko sa kanila sabay lakad paalis doon.

Sumunod silang pito sa'kin.

[Seven's POV]

Panay ang tingin naming pito sa loob ng bahay na pinagdalhan sa'min ni Rie.

"Oi, bahay ba 'to ni Rie?", bulong ni Blaze.

"Who knows.", Channe.

Nakita naming lumabas ang isang lalaki na naka-apron sa kusina at may hawak itong sandok.

"Nagugutom na ba kayo?", tanong nito sa'min.

Naiilang na umiling kaming pito.

"Oi, Shiro hindi pa ba------EHHHHHHH!", sabi ng matabang lalaki ng makita kami.

"Oh andyan ka na pala, Yo.", 'yong lalaking may hawak na sandok.

"Si-Sino ang mga 'to?", tanong ng lalaking mataba.

"Estudyante ni Young Lady.", sagot ng lalakingmay hawak na sandok.

"Ah. Hi! Ako pala si Yo! Feel at home! *smile*", Yo.

"Oi, Taba! Mabuti't duma------"

"Sinong tinawag mong taba?! HA?! ", Yo sabay hawak sa kuwelyo ng bagong dating na lalaki.

"Ikaw! Bakit lalaban ka na?! Ha?!"

*PAK PAK*

"Hoy, hindi ba kayo pinagsabihan ng mga magulang niyo na bawal mag-away ang matatanda sa harapan ng mga bata?", Shiro.

Napatingin sila Yo at 'yong bagong dating sa'min pito.

"Mōshiwakegozaimasen! [We're sorry!]", Yo at ang bagong dating sabay yuko.

"Tama na 'yan!"

Napatingin kaming lahat sa nagsalita, nakita na'min ang isang lalaki na nasa taas ng hagdanan.

"Mahiya nga kayo sa mga bisita.", sabi ng isa ring pamilyar na lalaki na nakatayo sa pintuan ng kusina at kumakain ng mansanas.

"Sorry po!", Yo at ang bagong dating na lalaki.

Bumaba ang lalaki sa hagdan saka lumapit sa'min...

"AH! 'Yong lalaki sa ice cream shop!", Blaze sabay turo sa lalaki.

"AH! Oo nga!", Channe.

"*smile* Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sa inyo."

"Ha?", Kaiser.

"Oi, Seven 'wag mong sabihin na tumitira sa iisang bubong ang lalaki na 'to saka si Rie?! Aba 'di na tama 'yan!", bulong sa'kin ni Aeron.

"Sira! Mali 'yang iniisip mo!", sabi ko sa kanya.

"Eh?", Aeron.

"Ako nga pala si Reiko Sawada, nakakatandang kapatid ng homeroom teacher niyo. *smile*", pagpapakilala nito.

"EH?!", Channe, Aeron, Louie, Kaiser, Blaze at Gray.

"*giggle*", ako.

"*tingin kay Seven*", Channe, Aeron, Gray, Blaze, Kaiser at Louie.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon