Chapter 54

5.2K 149 20
                                    

[PAALALA : KUNG MADALI KAYONG UMIYAK, MAGHANDA NALANG PO KAYO NG TISSUE AT KUNG HINDI PO KAYO MADALING UMIYAK GEH IPAGPATULOY NA PO NINYO ANG PAGBABASA ^^]

[Seven's POV]

Tumakbo kami papunta sa faculty room pero bigo kami dahil hindi na namin naabutan si Rie roon...

[BGM : Ansatsu Kyoushitsu - Mata Kimi Ni Aeru Hi]

"Palabas palang siya ng campus."

Napatingin kami kay Vice Principal, tinanguan niya kami agad naman kaming tumakbo papunta sa daan papunta sa gate ng school....

Inside a room with a big windows, sunlight gently filtering through trees

That day when we met you, somehow felt distant

One by one, memories we've spun together really warm my heart

Inside a really small room you gently taught us about bonds of hearts

Rie.... hindi ka puwedeng umalis... hindi mo kami puwedeng iwan...

Nakita namin si Rie na naglalakad palabas ng Campus...

"RIE!", tawag namin sa kanya.

Pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad...

"RIE!", paulit-ulit naming tawag sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya pa rin kami nililingon...

"RIE!", tawag ko sa kanya.

Hindi niya pa rin kami nililingon...

"Nangako ka di'ba na hindi mo kami iiwan?", tanong ko sa kanya.

"O-Oo.", sagot niya.

"Pero bakit tatalikuran mo kami ngayon ?", sabi ko.

Nanatili lang siyang nakatalikod sa'min...

[Rie's POV]

'Wag kang lilingon, Rie.... hindi nila puwedeng makita na umiiyak ka...

"Akala ko ba sasamahan mo kami hanggang sa graduation?!", Gray.

"Akala ko ba walang iwanan?", Blaze.

"Sinabi mo sa'min noon na 'wag naming hayaang mawala sa'min ang taong mahalaga sa'min! Mahalaga ka sa'min, Rie kaya ayaw ka naming mawala !", Kaiser.

When this season comes again, we won't be able to search for your figure anymore

Forever, we difinitely won't forget

Until the day we can see you again...

Lalong tumulo ang mga luha ko pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na 'wag silang lingunin...

"Oi, Rie magsalita ka naman!", Channe.

"'Wag mo kaming iiwan!", 4D.

"RIE!", Seven.

Kinuyom ko ang kamao ko sakto namang may tumigil na taksi sa harapan ko...

"Hahayaan mo nalang ba na matapos ito dito, Rie ? Ayaw mo bang makita ang mga estudyante mo kahit sa huling pagkakataon ? Kahit ngayon lang ay yakapin mo sila.", sabi ng isipan ko.

"RIE!", 4D.

Napakagat-labi ako saka ako lumakad palapit sa taxi...

"Sabi mo sa amin noon na kailangan naming magpakatotoo sa sarili namin pero bakit ayaw mong magpakatotoo sa sarili mo ngayon ?!", Seven.

Hindi ko pa rin siya sinagot... binuksan ko na ang pintuan ng taxi...

"RIE!", 4D.

Sumakay na ako sa Taxi...

"Ta-Tayo na po. *sniff*", sabi ko sa taxi driver.

Pinaandar na ng taxi driver ang sasakyan, kahit masakit kailangan ko itong gawin...

[Seven's POV]

Hinabol namin ang sinasakyan na taxi ni Rie habang tinatawag namin ang pangalan niya...

Spreading wide pink sakura colour was a familiar scene for us when we kept exchanging words

But from tomorrow those daily activities will change

You had cherished everybody more than yourself

As we watched over your back who always cherished us, We have made this far...

Hangga't kaya namin ay hahabulin namin siya, pero tuluyan na kaming tumigil ng makalayo na ang sinasakyan niyang taxi at ang tangi nalang naming nagawa ay sundan ng tingin ang taxi na sinasakyan ni Rie...

"Ang sakit...", Blaze.

"Mas masakit pa 'to kesa sa panloloko sa'kin.", Channe.

"Ano ng gagawin na'tin?", Louie.

"Paano na tayo?", Aeron.

Hindi ako nagsalita dahil sa totoo lang parang hinihiwa ang puso ko ng mga oras na'to....

[A/N]

Nakaupo lang ako sa upuan ko habang nakatingin sa resignation letter ni Miss Sawada...

"Sa totoo lang parang nawalan ng sigla ang faculty ng umalis ang Teacher na 'yon.", Mr. Reyes.

"Kamusta na kaya ang 4D?", Teacher Tina.

Pinulot ko ang resignation letter ni Ms. Sawada saka ko ito pinagmasdan...

"*sigh*", tangi kong nasambit.

Samantalang bumalik sa classroom nila ang 4D, nanatili lang silang nakaupo doon habang nakatitig sa Teachers Table...

"Marami ng ginawa si Rie para sa'tin.", Alvin habang nakatingin sa teachers table.

"Siya ang kauna-unahang teacher na naglakas loob na turuan tayo.", Aeron.

"Ang kauna-unahang teacher na sumampal at nanigaw sa'kin dahil sa pagiging makasarili ko.", Blaze.

"Siya rin ang nagturo sa'tin kung gaano kahalaga ang pagkakaibigan.", Channe.

"*sad smile* Saan ka ba nakakita ng Teacher na luluhod sa harapan ng Prinipal para lang sa isang tulad ko ? Kakaiba talaga siya.", Louie.

Binalikan ng 4D ang araw na una nilang nakilala si Rie...

Nilapitan ni Seven si Gray na iyak ng iyak pa rin... ipinatong niya ang kanang kamay niya sa ulo nito... si Gray ang kauna-unahang naging malapit kay Rie... at ito rin ang kauna-unahang nagpahalaga kay Rie...

*sigh*

Kahit pilit mang pigilan ng iba ang mga luha nila ay sadyang napakasakit para sa kanila ang nangyari... iniwan sila ng Teacher nila, ang guro na hindi sila hinusgahan sa kabila ng itsura nila, ang guro na hindi sumuko sa kabila ng mga problema na ibinibigay nila dito at ang guro na handang isugal ang buhay niya para sa kanila...

Napuno ng kalungkutan at iyak ang buong classroom ng 4D, sabihin ng bakla sila pero ito nalang ang alam nilang paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman nila...

"'Wag kayong mag-alala hindi ko hahayaan na masaktan kayo. *smile* Hangga't ako ang homeroom teacher niyo walang sino man ang puwedeng manakit sa inyo. Pangako ko 'yan."

"Rie...", bulong ko.

* * *

sorry kung hindi siya masyadong nakakaiyak :D ^_^V

PEACE PO TAYO :D

LAST 4 EPISODE...

#TEACHERRIE1GOODBYE

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon