Chapter 30

7.7K 231 6
                                    

[Rieko's POV]

Tiningnan ko si Rie na nakaupo sa taas ng terrace at malayo ang tingin...

"Narinig ko mula kay Harry na dalawa sa estudyante mo ag nasangkot na naman sa isang gulo pero iba ngayon dahil may mga pulis nang kasali.", sabi ko sa kanya sabay upo sa upuan na nasa likuran niya sabay tingin sa malayo.

Hindi siya sumagot...

"Sumusuko ka na ba? Sa tingin mo ba magagawa ng mga estudyante mo ang manakit ng taong walang kalaban-laban? Dahil base sa nakita ko kahapon parang hindi nila kayang manakit ng kapwa.", sabi ko sa kanya.

Napatingin siya sa'kin...

"Mababait ang mga estudyante mo, Young Lady. Pero dahil sa mapanghusgang mundo na kinatatayuan na'tin ngayon, sarado na ang mga puso't isipan ng mga taong nakatira dito sa mga katulad ng estudyante mo.", sabi ko.

Humarap siya ng upo sa'kin...

"Wala na silang panahon para alamin ang tunay na nararamdaman ng mga tao sa paligid nila. Hinuhusgahan nila ang mga estudyante mo dahil sa itsura ng mga ito. Mga mali ng mga estudyante mo ang lagi nilang nakikita at hindi ang mga magagandang katangian na meron sila. At sa tingin ko ikaw lang ang nakakakita ng mga magagandang katangian na iyon.", patuloy ko.

"Anong gagawin ko, Onii-chan?", tanong niya sa'kin.

"Gawin mo ang sa tingin mo ay dapat ginagawa ng isang teacher para maprotektahan ang mga estudyante niya sa mundong ito. Matulog ka na.", sagot ko sa tanong niya sabay gulo sa buhok niya at pasok sa loob ng bahay.

Sinundan ni Rie ng tingin ang Kuya Reiko niya saka ibinaling ulit sa malayo ang tingin niya, may-maya pa'y pumasok na ako sa loob.

KINABUKASAN...

[Rie's POV]

Idinilat ko ang mga mata ko saka ako tumingin sa wall clock na nasa kuwarto ko.

  "Gawin mo ang sa tingin mo ay dapat ginagawa ng isang teacher para maprotektahan ang mga estudyante niya sa mundong ito."

Bigla kong naalala ang sinabi ni Kuya kagabi... 

Tama si Kuya. Kailangan kong protektahan ang mga estudyante ko hangga't kaya ko, hindi ako dapat sumuko lalo na ngayon kung kailan kailangan ako nila Troy at Liam.

Tumayo ako saka pumasok sa banyo at saka naligo...

Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis saka lumabas ng kuwarto ko at patakbo pumunta sa dining area at kumuha ng tinapay, kinagat ko ito saka patakbong lumabas ng bahay.

"Oi, Kutong-lupa hindi ka ba kakain?!", pasigaw na tanong ni Rain.

"Hindi na!", pasigaw kong sagot.

"*sigh*Ang babaeng 'yon talaga.", Rain.

"*smile*Pabayaan mo na siya. Talagang ipinanganak siya na maging teacher.", Reiko.

"*smile*Isang mabait at responsableng teacher.", Rain sabay kagat sa tinapay na hawak nito.

[Louie's POV]

Tiningnan ko ang blackboard...

SELF STUDY!!

RIE ^_^v

"Nasaan na kaya ang teacher na 'yon.", Channe.

Tiningnan ko si Seven, nakatitig lang ito sa blackboard...

"Sa tingin niyo? Sinukuan na kaya tayo ni Rie?", Gray.

"Siguro nga. Sunod-sunod kasi na problema ang ibinigay na'tin sa kanya.", Blaze.

"Kung ganu'n katulad lang pala siya ng ibang teacher, magaling lang sa umpisa pero susukuan din pala tayo sa bandang huli.", Rino.

Hindi kami nakapagsalita...sinukuan na nga ba kami ni Rie?

[Rie's POV]

Sinalubong ko sila Troy at Liam sa labas ng isang computer shop, nagulat sila ng makita nila akong dalawa.

"Paano mo nalaman kung nasaan kami?", Liam.

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila.

"Anong kailangan mo?", Troy.

"May gusto lang akong itanong sa inyong dalawa.", sabi ko sa kanila sabay ngiti.

Hindi sila nagsalita, maya-maya pa'y lumakad na silang dalawa paalis, tumakbo ako saka humarang sa daan nila.

"Sumama kayo sa'kin.", sabi ko sa kanila.

"Ha?", Troy at Liam.

Nginitian ko sila sabay hawak sa kamay nilang dalawa, hinila ko sila paalis doon.

"Saan mo ba kami dadalhin?", Troy.

"Basta!", sagot ko.

[Laim's POV]

Tiningala namin ni Troy ang signage ng shop na nasa harapan namin.

"Bakit tayo nandito?", Troy.

"Nandito tayo para kumain ng ice cream!", Rie.

"Ha?", sambit ko.

Lumakad papunta sa likuran namin si Rie.

"Dali na!", sabi niya habang tinutulak kami papasok ng ice cream shop.

Ng makapasok kami sa loob ay umupo kami sa isang bakanteng mesa na pang-apat, maya-maya pa'y may lumapit sa amin na isang lalaki.

"Ohayō min'na![Goodmorning everyone!]", sabi ng lalaki.

[Rie's POV]

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang lalaking bumati sa'min.

"Onii-chan?", bulong ko.

"Ha?", Liam at Troy.

Napatingin ako kayla Troy at Liam, inabot ko sa kanila ang menu...

"Pe------", Liam.

"Umorder ka nalang, Liam. Ikaw din Troy.", sabi ko sa kanilang dalawa.

Hinawakan ko sa kamay si Kuya Rain saka ko siya hinila papunta sa counter, sumandal ito sa counter.

"Anong ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.

"Actually, hindi lang ako ang nandito.", sabi ni Kuya Rain sabay turo sa likuran niya.

Napatingin ako sa loob ng counter.

Lalong nanlaki ang mga mata ko ...

"Kuya Reiko?!", sambit ko.

"Yo!", Kuya Reiko.

"Tawagoto!", sambit ko.

"Oi! Wala kasi kaming magawa sa bahay kaya naisipan naming tumulong ni Kuya Reiko dito sa ice cream shop ni Shiro saka namin naisipan na bigyan ng bakasyon si Shiro ng apat na buwan.", Rain.

"Anata wa sore o yarimashita ka? [You did that?]" , tanong ko.

"Hai! [Yes!]", Rain. 

"Sōdesu ka. [I see.]",  sambit ko.

"Sila ba ang mga estudyante mo na sinasabi ni Harry?", Kuya Reiko.

Tiningnan ko sila Laim at Troy...

"Oo.", sagot ko.

"Hmmm...base sa nakikita ko mukhang mababait naman ang mga estudyante mo, Young Lady.", Rain.

"Onii-chan.", sambit ko sabay tingin kay Rain.

"O heto, bigay mo sa kanila.", Kuya Reiko sabay lapag sa dalawang baso ng banana split sa counter.

Napatingin ako kay Kuya Reiko...

"Sagot ko na 'to.", Rain.

"Anata ni watashi no ani ni kansha. [Thank You my Big Brothers.]", sambit ko sabay ngiti,

Inilapag ni Rain ang dalawang banana split sa harapan nila Liam at Troy.

"Kumain na kayo.", sabi ko sabay ngiti sa dalawa.

Tiningnan nila ako, tinanguan ko sila saka sila nagumpisang kumain ng ice cream.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon