Chapter 47

5.5K 158 4
                                    

[Rie's POV]

"Sino ka?!", tanong ng lalaking blue ang kulay ng buhok.

Ito siguro ang lalaking tinatawag nilang Jude...mukha itong uranggutan...

"Hoy, umalis ka na dito kung ayaw mong masaktan.", sabi niya sa'kin.

"OH! Natatakot ako.", sarkastiko kong sabi.

"HOY! Wala kaming panahon para makipaglaro sa'yo kaya uma--------"

Napatingin ang mga ito sa kasama nila na bumagsak at sabog ang nguso saka tiningnan ang soccer ball na nasa tabi nito sabay tingin pabalik sa'kin, tinaasan ko sila ng kilay saka ako namewang.

"*grin*", ako sa kanila.

Nakita kong bumakas sa mukha nila ang takot, isa-isa silang umatras at kalaunay nagsitakbuhan na sila at iniwan si uranggutan este Jude na nakatingin sa mga kasama na tumatakbo palayo.

"Boo!", ako habang nakatayo na sa harapan nito.

"*scream*", Jude sabay takbo paalis.

Dahil sa tinis ng pagkakatili ni Jude ay napatakip ako sa tenga ko...

"Grabe 'yon makatili ah. Parang hindi lalaki.", sambit ko sabay pulot ng soccer ball ko.

Nilapitan ko si Aeron at ang kapatid nito...

"A-Ang game...", Aeron.

"Nandoon naman sila Seven sila ng bahala doon.", sabi ko sa kanya.

"So-Sorry.", sambit niya.

"*smile* Pasaway.", ako sabay pitik sa noo niya.

Nakita kong tumayo ang kapatid nito saka namulsa at lumakad palabas...

"Ganyan ba talaga ang kapatid mo? Hindi marunong magpasalamat kahit halos ikamatay mo na ang pagliligtas sa kanya?", tanong ko sa kanya.

Tinulungan kong makatayo si Aeron, tiningnan naming dalawa ang kapatid niya na naglalakad palabas...

"Pabayaan mo na siya...", tanging sambit niya.

"*sigh* Tara na.", sambit ko saka kami naglakad pabalik sa school.

* * *

Nakarating na rin kami ni Aeron sa Gym...

Napatingin ako sa scoreboard...

4A - 32

4D - 15

Seryoso????

Nasa 2nd quarter na ang laro at malapit ng mag-3rd quarter!

"Maglalaro ako."

Napalingon ako kay Aeron... nakatayo na ito ng maayos...

Hahakbang na sana ito papasok ng court ng hawakan ito sa balikat ni Kaiser...

"Ako ng bahala, magpahinga ka nalang 'jan.", sabi nito.

[A/N]

"Pero---------"

"Baka makita ni Vice Principal ang pasa mo.", bulong ni Kaiser kay Aeron.

Walang nagawa si Aeron kundi sundin si Kaiser...

Agad na hinubad ni Aeron ang jacket nito sabay lapit sa referee...

Pumito ang referee sabay sinyas ng SUB...

"Okay! 4D oras para maglaro!", sigaw ni Seven.

"OO!", Channe,Louie, Gray at Kaiser.

At nag-umpisa na ang laro...

*Buzzer*

Hudyat na ito ng pagtatapos ng 2nd Quarter... umupo sa bench sila Seven, Channe, Kaiser, Gray at Louie, nilapitan ang mga ito ni Rie...

"Okay lang 'yan! Manalo o matalo okay lang dahil ang mahalaga ay nag-enjoy kayo!", sambit ni Rie.

"Oi, Rie mag-uumpisa palang ang totoong laro.", Blaze.

Napatingin si Rie kay Blaze ng may pagtataka sa mukha.

"AH! Magaling na paa mo?", agad na tanong ni Rie kay Blaze.

Napatingin si Blaze sa paa niya sabay arteng nasasaktan saka umupo sa tabi ni Kaiser...

"Bistado ka na.", sabi ni Kaiser dito.

[Rie's POV]

*BUZZER*

Nag-umpisa na ang 3rd quarter at sa amin ang bola...

"GO, TEAM! KAYA NIYO 'YAN!", cheer ko sa kanila.

"GO, 4D !", sigaw naman ng mga kaklase nila.

"ORAS NA PARA MAGSERYOSO MGA ENGOT!", Blaze.

"TARANTADO!", Kaiser, Channe, Seven, Gray at Louie.

[A/N]

Na kay Gray na ang bola...

"Hoy, Pandak. 'Wag na kayong umasa pa na mananalo pa kayo.", sabi ni Alex kay Gray.

"*smirk*", Gray.

"Nang-aasar ka ba?", Alex.

"'Wag ka puro dada!", Gray sabay lusot sa kanan ni Alex.

Natigilan si Alex dahil sa bilis ng kilos ni Gray, nakita nalang niyang nasa harapan na si Gray nila Rey at Rino pero ang mas ikinagulat niya ay ng itira ni Gray ang bola kahit alanganin ang lagay niya.

Napatingin silang lahat sa bola at nagulat sila ng makita nila si Seven na tumalon saka sinalo ang bola sabay talon ulit at dunk dito...

*DUNK*

Hiyawan lahat ng nanonood... pati mga babae na bisita naghiyawan din...

Score: 4A - 40    vs     4D - 34

* * * 

Sorry kung medyo korni ... lutang kasi utak ni ATUHOR ngayon... sorry sa matalaga na UD !! T_T mahal ko kayo :3 

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon