Chapter 16

8.3K 254 2
                                    

[Blaze's POV]

Papasok na ako ng bahay ng marinig ko mula sa pintuan ang pag-uusap nila Mama at Papa.

"Pirmahan mo 'to para matapos na itong problema na'tin.", narinig kong sabi ni Papa.

"Teka,masyado atang maaga 'to, hindi pa na'tin 'to nasasabi sa mga bata.", Mama.

"Maiintindihan rin nila--------"

"KAHIT KAILAN HINDI KA NAMIN NAINTINDIHAN! UMALIS KA NA KUNG AALIS KA! HINDI KA NAMIN KAILANGAN!"

"Bla-Blaze!", Mama sabay tayo sa gitna namin ni Papa.

"Kahit kailan talaga ay kahihiyan ka sa pamilya na'tin.", Papa.

"*smirk*Wala akong pakialam!", sabi ko sabay labas ulit ng bahay.

"Blaze,anak!", sigaw ni Mama.

[Rie's POV]

Kanina pa ako naggagala pero hindi ko pa rin siya mahanap, naka-off ang cellphone niya kaya hindi siya ma-trace ni Shiro.

Umupo ako sa isa sa mga bench na naroon sa park saka ako tumingala sa langit.

"Mama,tinutupad ko na ngayon ang pangarap ko. Pangako hindi ko po sila susukuan kahit anong mangyari.*smile*", sambit ko.

"Hoy."

Napatingin ako sa taong nakatayo sa harapan ko.

"Hi,Rie!", Gray.

"Kayo pala.",sambit ko.

"Anong ginagawa mo dito?", Channe.

"Hinahanap ko si Blaze.", sagot ko.

"I see.", Louie.

"Kanina pa ako naglalakad at nagtatanong pero walang makapagsabi kung nasaan siya.", malungkot kong sabi.

"Oh."

Tiningnan ko ang hawak na cornetto ni Kaiser, kinuha ko ito.

[Seven's POV]

Tiningnan ko si Rie, nakatitig lang ito sa ice cream.

Nakakapanibago...

"Anong problema? Bakit hindi mo pa kinakain 'yang ice cream?". tanong ni Aeron sa kanya.

"Nag-aalala ako kay Blaze.", mahinang sabi ni Rie.

"Bakit ka nag-aalala sa kanya? Estudyante mo lang siya 'di ba?", Kaiser.

"Hindi ko lang siya basta estudyante. Isa siya sa mga importanteng tao sa buhay ko kagaya niyo.", Rie.

Hindi kami nakapagsalita sa sinabi ni Rie.

Ngayon lang kami nakakilala ng Teacher na nag-aalala,naniniwala at itinuturing kaming importanteng tao sa buhay niya. Hindi niya kami hinuhusgahan kahit ganito mga itsura namin.

Sa kabila ng mga kalokohang ginawa sa kanya ni Blaze ay nag-aaalala pa rin siya dito.

"Bakit hindi na'tin puntahan ang bahay niya?", Louie.

"Oo nga! Tama si Louie!", Channe.

[Rie's POV]

"Magandang hapon po, Mrs. Solis. Ako po si Rie Glenreed, ang homeroom teacher ni Blaze."

"A-Ano pong problema? May ginawa po bang kasalanan ang anak ko?", Mrs. Solis.

Nasa sala kami ng Mama ni Blaze habang nasa labas lang sila Seven.

"Naku wala po! Ang totoo po niyan ay nagpunta ako dito para itanong kung...may problema po ba si Blaze?", tanong ko sa kanya.

*SILENCE*

"Ang totoo niyan...*deep breath*Magdi-divorce na kami ng Papa niya."

"Di-Divorce?"

"Oo. Naaalala ko pa noon, laging inaabangan ni Blaze ang pag-uwi ng Papa niya. Laging humihingi ng atensyon si Blaze sa ama niya pero wala itong ibang nakikita kundi ang Kuya ni Blaze.", Mrs. Solis.

Hindi ako nagsalita hinayaan ko lang siyang magkuwento.

"Hanggang isang araw, naaksidente ang Kuya niya na naging dahilan ng pagkamatay nito , bigla nalang nagbago ang pakikitungo ng Papa ni Blaze sa kanya. Sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng panganay namin.Pati si Blaze, bigla nalang nagbago ang pakikitungo ni Blaze sa'kin at sa Papa niya pero hindi sa bunso niyang kapatid.",Mrs. Solis.

"Kaya pala.", sambit ko.

"Please,Ms. Glenreed alagaan niyo po ang anak ko.",Mrs.Solis.

"Oo naman po.*smile*", sabi ko.

"Salamat po!", Mrs.Solis.

[Blaze's POV]

"Blaze!"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa'kin, inilagay ko sa bulsa ko ang cellphone ko.

"Leah.", sambit ko.

"Blaze, tulungan mo si Sam binubugbog siya ng mga taga-Northville High!"

Dahil sa narinig ko ay tumakbo ako papunta sa lugar na sinasabi ni Leah, nakita ko si Sam na binubugbog ng grupo nila Gino.

"SAM!",sigaw ko.

Patakbo akong lumapit sa kanila, tinulak ko sila Gino palayo kay Sam.

"Sam, okay ka lang ba?"

"Bla-Blaze.",nanghihinang sambit ni Samuel.

Tumayo ako at hinarap si Gino.

"Hoy, ano sa tingin mong ginagawa mo?",tanong ko kay Gino.

"'Wag ka ngang makialam dito,Blaze. Sa totoo lang ginagawan ka pa nga namin ng pabor! 'Di ba traydor ang itinuturing mong kaibigan na 'yan? Sinulot niya ang girlfriend mo!", Gino.

Hindi ako nagsalita...

"Wala akong pakialam sa mga pinagsasasabi mo. Alam mo ba kung ano ang nakakapainit ng ulo ko ngayon?", sabi ko.

"Huh?",Gino.

"SINAKTAN MO ANG KAIBIGAN KO AT HINDI KITA MAPAPATAWAD SA GINAWA MO!", sigaw ko sa kanya.

"'Wag mo akong sigawan!",Gino sabay sapak sa'kin.

[Rie's POV]

*PHONE RING*

"Bakit,Shiro?...Sige,Salamat!", pagkasabi ko nun ay tumakbo ako agad papunta sa lugar kung nasaan si Blaze.

Ng marating ko ang kinaroroonan ni Blaze ay nakita ko siyang nakahandusay sa sahig katabi ang isang lalaki.

"Samuel."

Nilingon ko si Kaiser. "Samuel?", sambit ko.

"Kababata siya ni Blaze at ang boyfriend ngayon ng ex ni BLaze.", Channe.

"Blaze!", Gray.

Nakita kong pinagtatadyakan ng mga lalaki si Blaze.

"Kayo.", inis kong sambit.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon