[Rie's POV]
Nasa kasagsagan kami ng faculty meeting ng biglang humahangos na sumugod si Gray sa faculty room.
"Bakit?", tanong ko sa kanya.
"Na-Nagkakagulo sa classroom. Si Channe at Louie------"
Hindi ko na pinatapos si Gray ng pagsasalita. Agad akong tumakbo papunta sa classroom ng 4D.
Pagdating ko doon ay nagkakagulo ang mga estudyante habang nakapalibot kayla Channe at Louie na nagsusuntukan, agad akong lumapit sa dalawa at pilit silang inaawat pero itinulak lang ako ni Channe kaya bumagsak ako sa harapan ni Shaun.
"Oi, Rie. Huwag ka nalang makialam. Laban nilang dalawa 'yan.",Shaun.
Hindi ko pinansin si Shaun, tumayo ulit ako at lumapit kay Channe.
"Tama na 'yan!",sigaw ko sabay hawak sa braso ni Channe.
Pero itinulak lang niya ako ulit kaya bumagsak ulit ako sa sahig.
"Anong kaguluhan 'to?!"
Natahimik ang buong klase at sabay-sabay na napatingin sa may pintuan.
"Vi-Vice Principal!", sambit ko sabay tayo.
Naglakad si Vice Principal papasok ng classroom ng 4D. Tiningnan niya isa-isa ang 4D.
"Sinong pasimuno ng kaguluhang ito?", Vice Principal.
Nagulat ako sa itinuro ng buong klase, nilapitan ni Vice Principal si Louie...
"Ikaw na naman, Damian?",Vice Principal.
Hindi umiimik si Louie.
"Teka lang po, Vice Principal. Baka may dahilan--------",ako.
"Sige. Anong dahilan? Sabihin mo,Damian.", Vice Principal.
Hindi sumagot si Louie.
"Louie, sumagot ka tinatanong ka ni Vice Principal.", mahinahon kong sabi sa kanya.
Hindi pa rin siya sumasagot.
"Louie..."
"Bibigyan kita ng hanggang bukas para magpasa ng apology letter mo sa mesa ko. No Apology Letter means your expelled from this school.", Vice Principal sabay lakad palabas ng classroom.
"Te-Teka lang po, Vice Principal. Hindi naman po ata maka----"
"Eh 'di e-expel mo!", Louie sabay lakad palabas ng classroom.
"Teka,Louie!", tawag ko sa kanya.
"Pabayaan mo siya! Wala din naman siya gana nang mag-aral.",Channe.
Gulat akong napatingin kay Channe.
"Kasalanan din naman ni Louie.",Liam.
"Kahit naman sinong lalaki magagalit 'pag sinabihan na hiwalayan ang girlfriend niya ng walang dahilan.", Trey.
"Ng dahil sa iisang babae...NG DAHIL SA ISANG BABAE SISIRAIN MO ANG PAGKAKAIBIGAN NIYO NI LOIUE?!",sigaw ko kay Channe.
"Hindi siya isang babae lang! GIRLFRIEND KO SIYA AT MAS PIPILIIN KO SIYA KAYSA SA WALANG KUWENTANG TAO KAGAYA NG LOUIE NA 'YON!",Channe.
"Walang kuwenta? Paano mo nasasabi 'yan sa isang kaibigan?", tanong ko sa kanya.
"Kaibigan? Wala akog kaibigan na traydor!", Channe.
*BOGSH*
Napaupo sa sahig si Channe habang hawak ang panga niya.
Gulat kaming napatingin kay Gray...
"G-Gray...", sambit ko.
Galit na nakatingin kay Channe si Gray, ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganito si Gray...
"IKAW NA ANG PINAKAWALANG KUWENTANG KAIBIGAN NA NAKILALA KO SA BUONG BUHAY KO!",sigaw niya kay Channe sabay takbo palabas.
"Gray!", tawag ko sa kanya.
"Kasalanan 'to lahat ni Louie.",Shaun.
Napatingin ako kay Shaun...
"Kasalanan ni Louie?", sambit ko.
"Eh sino pa ba ang sisisihin namin? Si Louie naman talaga ang pno't dulo ng lahat ng 'to!", Liam.
"Walang matinong kaibigan ang sasabihan ang kaibigan niya na hiwalayan ang girlfriend niya ng walang dahilan!", Shaun.
Anong nangyayari sa mga batang ito?
Paano nila nasasabi ang mga salitang ito sa kaibigan nila?
"Sa tingin ko hindi ko pa nga talaga kayo kilala. Masyado akong nag-expect sa inyo pero ako rin pala ang mag-didisappoint sa sarili ko. Ayoko ng makipagtalo sa mga taong makikitid ang utak. Tapos na ang klase na'tin. Hahanapin ko pa ang estudyante ko na may kasalanan ng lahat ng ito...sabi niyo nga.", pagkasabi ko ng mga salitang 'yon ay lumabas na ako ng classroom nila.
[Seven's POV]
"Tama si Rie, mahirap ngang makipagtalo sa mga taong makikitid ang utak.", Kaiser.
Napatingin silang lahat sa gawi namin...
"Apat na taon...pero hindi niyo pa kilala si Louie? Imposible.",Kaiser.
"Anong ibig mong sabihin?", Channe.
"Wala.", Kaiser sabay tayo at lakad palabas ng classroom.
"Nangyayari ang lahat ng ito dahil kay Louie.", Liam.
"Kung hindi niya sana sina-----"
"HINDI NIYO PA RIN BA MAINTINDIHAN?! TAMA NGA SI RIE,siguro nga hindi ko rin ako masyado pang kilala para sabihing isa kayong totoong kaibigan.NAKAKAINIS KAYONG LAHAT!",Blaze sabay takbo palabas.
Tumayo ako at tumingin sa labas ng bintana.
"Kung makapanisi kayo...bakit, kayo ba ang ma-e-expel para sisihin niyo si Louie? Sa tingin niyo ba wala rin kayong kasalanan sa mga nangyari? Kahit sisisihin niyo pa si Louie hindi niyo na mababago ang mga nangyari na.",sabi ko sa kanila.
Hinarap ko si Channe...
"Sa tingin mo...sasabihin ba ni Louie ang bagay na iyon ng walang dahilan? Sa pagkakaalam ko hindi siya ganoong tao.", sabi ko sa kanya.
Hindi sumagot si Channe.
"Dapat mas alam mo 'yan dahil magkasama na kayo since grade school.", patuloy ko.
"Tumahimik ka!",Channe sabay takbo palabas.
[Rie's POV]
Hindi ako tumigil sa paghahanap kay Louie hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa isang eskinita kung saan saktong nakita ko si Louie na pumasok sa looban nito.
"Louie...", sambit ko.
BINABASA MO ANG
Teacher Rie S1 (under revision)
ActionSOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isang section na naiiba sa lahat, isang section na kung tawagin ay BLACK SECTION. Black Section dahil w...