Chapter 24

7.9K 235 10
                                    

[Louie's POV]

Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan ko, paulit-ulit kasing tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Seven at Gray kanina.

"Sa halos isang buwan na natin siyang kasama...ngayon ko lang siya nakitang umiyak",Gray.

"'Wag mong sayangin ang luha ni Rie,Louie.",Seven.

Tama si Seven...

Bumangon ako sa higaan ko at kumuha ng bond paper at nagsimula ng magsulat ng apology letter ko.

Pangako,Rie...

Gagawin ko ang lahat para makapagtapos kaming lahat.

[Channe's POV]

Papasok na ako ng school campus ng harangin ako ng grupo ni Arthur.

"Channe Javier?",sabi ng isa sa tauhan ni Arthur.

"Oo, ako nga. Bakit?"

Inabot niya sa'kin ang isang cellphone.

"Gusto kang kausapin ni Arthur.",sabi nito.

Inabot ko ang cellphone at saka ito inilapit sa tenga ko.

"Anong kailangan mo?",sabi ko kay Arthur na nasa kabilang linya.

["Ang lakas ng loob mong ligawan ang girlfriend ko,Javier.",Arthur.]

"Girlfriend?", kunot-noo kong sambit.

["Sophie Santiago.",Arthur.]

"A-Ano?", gulat kong sambit.

["Alam mo bang ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang pinakikialaman ang mga bagay na akin? Dahil sa ginawa mong pangingialam sa girlfriend ko masyado mo akong ginalit kaya kailangan mong pagbayaran ang aksyon mong ito, Javier. Mamayang hapon sa abandonadong warehouse sa 'di kalayuan sa Cartisian Academy, puwede mong dalhin ang mga kaibigan mo para mas masaya.",Arthur sabay cut sa tawag.]

Ibinalik ko ang cellphone sa tauhan ni Arthur.

"Darating ako...mag-isa.", sabi ko sa kanya sabay alis.

[Louie's POV]

Pumasok na ako sa loob ng Guidance Office kung saan hihintayin ko si Vice Principal , doon ako dumeritso pagkapasok ko ng school dahil gusto daw ako nitong makausap.

Umupo ako sa upuan na naroon at bumuntong-hininga.

Tiningnan ko ang wall clock na naroon.

8:00AM.

Maaga pa pala...

Napangiti ako dahil sa naiisip kong magiging reaction ni Rie 'pag nakita na niya ako na pumasok ulit.

[Seven's POV]

Nakita kong pumasok si Channe sa classroom...

Lumapit ito sa upuan nito at inayos ang bag nito sabay sout nito...

"Oi, saan ka pupunta?", tanong ni Gray dito.

"Oras na para itama ko ang mga mali ko.", sagot nito.

"Oi, anong ibig mong sabihin?", Blaze.

Tiningnan niya si Blaze saka ngumiti.

"Malaki ang naging kasalanan ko kay Louie.*sigh*Napakalaki kong tanga para pag-isipan ng ganun ang kaibigan na'tin.", Channe.

"Channe.", Aeron.

"Aalis na ako. Pakisabi kay Rie sorry.", Channe sabay alis.

"Oi,Channe!", Gray at Blaze.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon