Chapter 40

6.9K 213 8
                                    

[Reiko's POV]

"Ako naman si Rain ang ikalawang  kuya ni Rie.", Rain.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam kong nahahalata na ninyo kung sino talaga ang homeroom teacher niyo. Ngayong alam niyo na kung sino siya gusto ko sanang hilingin sa inyo na sana ay manatiling sekreto ang katauhan ng teacher niyo dahil oras na malaman ito ng paaralan niyo posible siyang matagal sa trabaho.", sabi ko sa kanila.

"Wala kaming planong sabihin ang tungkol kay Rie dahil 'pag natanggal siya bilang guro magiging boring na ang pagpasok namin sa academy.", Seven.

"Oo nga. Tsaka nasanay na kami na laging nasa harapan ng blackboard si Rie at pinapagalitan kami.", Channe.

"Nasanay na rin kami na laging nakikita ang mukha ni Rie.", Gray.

[Gray's POV]

"Gray, makinig ka. Dito ka lang muna sa'min ngayon. Mas ligtas ka dito.", sabi sa'kin ni Rie.

"Paano sila Mama at ang mga kapatid ko?", sambit ko.

"Huwag kang mag-alala may mga tauhan na akong nagbabantay sa kanila ngayon.", Reiko.

"Tsaka susunod na rin ako d'un.", Rain.

Napatingin ako sa kanila saka ako npayuko...

"Bakit?", sambit ko.

"May problema ba, Gray?", Rie.

"Hindi ka ba natatakot na baka mapahamak ka at ang pamilya mo?", tanong ko kay Rie.

Tumayo siya saka lumuhod sa harapan ko sabay hawak sa kanay ko.

"Gagawin ko ang lahat para sa inyo na mga estudyante ko. Tandaan niyo ito lagi. Nandito lang ako 'pag kailangan niyo ako. *smile*", Rie.

"Rie.", sambit ko.

Tumayo siya saka kami tiningnan nila Seven...

"*smile*", Rie.

* * *

Matapos naming kumain ay inihatid na kami ni Rie sa kuwarto na tutulugan namin nila Seven.

Humiga ako sa tabi ni Seven...

"Kaya pala ang galing makipaglaban ni Rie. Kabilang pala sa mafia ang pamilya niya.", Blaze.

"Oo nga! Ang stig ni Rie.", Channe.

"Oo nga! At akalain niyo Kuya pala niya ang pinagkamalan na'tin na boyfriend niya. *laugh*", Aeron.

Dumapa si Kaiser mula sa pagkakahiga...

"Masuwerte nga siguro tayo kasi nakatagpo tayo ng teacher na gaya ni Rie.", Kaiser.

"Marami ng ginawa si Rie para sa'tin siguro oras na rin para ibalik na'tin sa kanya ang pabor.", Louie.

"Uhm!*knod*", Channe at Blaze.

*KNOCK KNOCK KNOCK*

Dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng kuwarto na inuukopa namin, sumilip mula roon si Rie.

"Gising pa ba kayo?", Rie.

"Bakit?", Seven sabay upo.

"Gusto niyong manood ng movie habang kumakain ng ice cream?", Rie sabay pasok sa loob ng kuwarto.

[Seven's POV]

"Matutulog na kami.", sabi ko sabay higa ulit.

"Sige na! Please!", Rie sabay upo sa tabi ko.

*sigh*

Wala kaming nagawa kundi pagbigyan si Rie sa gusto nito...

Nasa kalagitnaan na kami ng pinapanood namin ng maramdaman kong may kung anong bagay ang dumantay sa balikat ko, nilingon ko ito at nakita ko si Rie na nakasandal na ang ulo sa balikat ko habang tulog.

"*sigh*Pasaway talaga.", sambit ko.

Nakita kong nakatingin si Gray sa natutulog na si Rie.

"Salamat, Rie.", sambit nito.

Dahan-dahan kong hinawakan ang ulo ni Rie sako ko ito inilayo sa balikat ko.

Tiningnan ko ang kama...bakante ito dahil lahat kami ay sa sahig nahiga.

Tumayo ako saka dahang-dahan na kinarga si Rie, inilapag ko siya sa kama sabay kumot sa kanya...

*sigh*

"Nakatulog siya sa panonood?", Blaze.

"Oo.", sagot ko.

"Si Rie talaga.", Channe.

[Gray's POV]

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko, kinuha ko ito saka ako tumayo sa higaan ko at dahan-dahang naglakad papunta sa veranda ng kuwartong kinaroroonan namin.

"Hello?", sagot ko sa kanilang linya.

["Kamusta ka na? Gusto ko lang sabihin sa'yo na baka gusto mong magpakita sa'kin. Balita ko maganda't bata pa ang homeroom teacher mo. Kamusta na ang mga kaibigan mo?"]

"Huwag mong idadamay ang mga kaibigan ko at si Rie dito!", angil ko sa kanya.

["Kung gan'un Rie pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan.", sabi nito sabay tawa ng nakakaloko saka nito tinapos ang tawag.]

Tiningnan ko sila Seven saka ko ibinaling ang tingin ko kay Rie.

"Patawad, Rie.", bulong ko sabay labas ng kuwarto.

Teacher Rie S1 (under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon