May pasok nanaman, isang umagang malamig-lamig at masarap sa pakiramdam.
Nasa classroom na ang limang Casanova, naghihintay nalang sa guro nila.
Nag-uusap sila at tungkol sa babae ang kanilang mainit na ibinubuga.
"Ako nauna kay Jenny." Wika ni Lindon.
"Sige, basta sakin si Janna." Sambit naman ni Darwin.
"Sige sainyo nayang mga yan, bastat walang aagaw sa Lina ko." Sabi ni Kyzer.
Napatingin sila kay Kyzer, naging seryoso sila nang marinig nila ang pangalang Lina."Anong sayo?. Eh ako ang naunang nakakita dun." Reklamo ni Lindon.
Napatingin si Darwin kay Lindon. "Anong ikaw?. Natatandaan ko eh ako yun eh." Reklamo niya din.
"Ako nauna dun mga loko." Sabat ni Kyzer.
Napasandal at napapikit si Brutus sa puwesto, inalala ang mga panahon nung una nilang makita si Lina.Pare-pareho kaming nakaabang kay lina nung una namin siyang nakita. Sobrang ganda niya talaga, bihira lang kami makakita ng tula niya. Pero may isa pang maganda dito sa classroom, Fvck!. Super ganda ni Roxie.
Inabante ni Davion ang katawan niya. "Mga pre , ganto nalang kung sino ang makakakuha ng number ni Lina sakanya na siya at magpaparaya na ang iba. Ano call?." Kampanteng tanong niya.
Biglang napadilat si Brutus, naging alisto ang isip at tinalasan ang pandinig.
Naapahawak si Kyzer sa baba niya."Pano tayo makakasiguro na sakanya nga galing?."
"Pano nga ba?." Nakatulala si Lindon nang siya ay magtanong. Napatingin siya sa kuwadernong sa lamesa'y nakapatong. "Sa—sa papel, sa papel ipasulat tapos papirmahan kay Lina." Sambit niya.
"Pwede..." Wika ni Davion."Ang mandadaya ay madidisqualified?." Tanong ni Darwin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AdventureSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure