53

775 20 0
                                    

"Talaga ate Jasmine!?." Manghang tanong ni Roxie kay Jasmine habang nanluluwang ang mga mata.

"Oo naman. At isa pa masyadong poor ang Lina nayon. Hindi sila bagay ni Brutus no." Sagot ni Jasmine.

"Kahit hindi siya gaanong mayaman... Inlove padin ako sakanya." Seryosong sabi ni Davion.

Tumikhim si Ricardo. "Nandito pa naman ako." Sabi niya.

Napatawa si Roxie. "Ikaw talaga bes, nag-momoment si Davion eh."

"Baket?. Seryoso kaya ako." Sarkastikong sabi ni Ricardo.

"Kumain na nga tayo." Sabi ni Roxie.

Masaya silang kumain at buo na ang loob ni Jasmine na kausapin si Brutus. Kasalukuyang nasa sala ngayon si Brutus at Lina. Nakaupo sila sa Sofa at nanonood ng pelikula.

"Higa na tayo sa kama babe." Mapang-akit na sabi ni Lina.

Plano niyang may mangyari sakanila ni Brutus sa lalong madaling panahon. Dahil hindi siya mapanatag sa kanyang nililihim.

"Maaga pa. Hindi pa ko inaantok." Sabi ni Brutus.

Isinandal ni Lina ang isang braso niya sa balikat ni Brutus. Nilapit niya ang labi niya sa tenga ng binata.

"Aantukin ka sakin babe. Kaya tara naaa." Aya ni Lina.

Hindi na umimik si Brutus at seryoso padin siyang nakatingin sa TV. Iniisip niya padin si Roxie at pati nadin ang kanyang mga kaibigan.

May nag doorbell sa condo ni Brutus. Mabilis na napatingin si Brutus kay Lina.

"May bisita ka?." Tanong ni Brutus sa nagtatakang dalaga.

Umiling si Lina."Wala. Wait pupuntahan ko."

Pinigilan ni Brutus ang pagtayo ni Lina. "Ako na. Condo ko to."

Tumayo si Brutus at dahan-dahan na naglakad. Iniisip niya kung sino ang nasa likod ng pinto, pabilis ng pabilis ang pagkabog ng kanyang puso.

Sinilip niya ang maliit na monitor at nakita niya ang kanyang magandang kapatid. Mas lalong bumilis ang pagpintig ng puso niya.

Mabilis siyang bumalik sa pwesto ni Lina. "Nandito si Ate. Magtago ka muna sa kuwarto Lina." Utos niya kay Lina.

"Ano!?. O sige pupunta nako." Sabi ni Lina.

Mabilis na bumalik si Brutus upang pagbuksan si Jasmine na tuloy lang sa pag doorbell.

Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon