Natapos na ang mga klase nila at tila nasa kundisyon sila para mag-aral. Mabilis na tumayo di Brutus at agad naman siyang sinundan ni Roxie.
"Guys lunch na tayo." Biglang aya ni Roxie nang makalapit na sila sa grupo. Agad na sumenyas si Brutus sakanila at alam na nila ang ibig nitong sabihin.
"Lunch na pala?. Bakit feeling ko busog na busog pako?." Takang tanong ni Darwin.
"Ako nga din eh. 8 na pala ako kumain kanina. I'm sure magugutom ako kapag 12:30 na." Sabi ni Lindon.
"Hindi ko manlang nagamit yung energy ko. Kaya pala hindi ako gutom." Sambit naman ni Davion.
"Ganun ba mga pre. Sige muna na kame ha." Wika ni Brutus.
"Mauna na kame ha. Sumunod kayo." Sabi ni Roxie.
Tumango-tango lang ang apat na Casanova. Mabilis na naglakad si Brutus na sinabayan naman ni Roxie. Sa kabilang parte ng building sila dumaan na ikinataka ni Roxie.
"Bakit dito tayo dumaan?." Tanong ng dalaga.
"Parehas lang naman no." Sagot ni Brutus.
Baka makasalubong namin si Lina kapag dumaan kami dun.
Ilang saglit pa ay nagpasya nang lumabas ng classroom ang apat na Casanova. Merong dalagang nag-aabang sakanila at yun ay si Lina.
"Asan si Brutus at Roxie?." Tanong ni Lina sa apat na Casanova.
"Ah. Nauna nang mag Lunch. Tara sabay ka na samen." Aya ni Lindon.
"Sige." Sagot ni Lina.
Nauna na pala. I'm sure maabutan ko pa sila. Bakit kasi nauna agad sila?.
Nagsimula na silang maglakad na Lima papunta sa restaurant na kinakainan nila.
Samantala, nagpunta sila Brutus sa tapat ng condo building niya.
"Hintayin moko dito Roxie. Saglit lang." Utos ni Brutus.
"Sige." Nakangiting wika ng dalaga.
Kinauha ni Brutus ang kotse niya at mabilis niya itong pinaandar papunta aa tapat ni Roxie. Agad na binuksan ni Brutus ang kanang pinto ng kanyang kotse. "Tara na Rox." Aya niya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AventuraSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure