Pinagmasdan ni Jasmine ang magandang babae na naka-upo sa tabi ni Brutus at parang hindi siya naniniwala na girlfriend ito ng kanyang kapatid.
Nagbitaw si Jasmine ng ngisi. "Really?. I know she's your fling brother." Sambit niya.
Nagsalubong ang dalawang kilay ni Lina dahil sa mga salitang pumasok sa kanyang tenga. Naglaho ang kanina'y hiya niya sa katawan at binigyan niya si Jasmine ng masamang mga mata.
Nilinis ni Darwin ang lalamunan niya na umagaw sa atensyon nilang lahat. "She's not a fling, she's our friend." Wika niya.
Lumambot ang muka ni Jasmine."Oh. I'm sorry... By the way she's beautiful. Anong pangalan mo?." Tanong niya kay Lina.
"Li-lina Divine Shanxi." Kabadong sagot ng dalaga.
Tumingin si Jasmine kay Brutus. "Ngayon ka lang ata nagka-girlfriend Brutus?."
Nausod ang dila ni Brutus, hindi niya alam ang sasabihin niya at nauunahan siya ng mabilis na pintig ng kanyang puso. Kilalang-kilala siya ni Jasmine at alam niya na Playboy si Brutus.
"I think . He's inlove." Sabat ni Davion dahil batid niyang kailangan ng tulong ni Brutus. Napabuntong hininga si Brutus.
"Is that true my dear brother?." Tanong nanaman ni Jasmine.
Muling kumabog ng malakas ang puso ni Brutus at napalunok siya ng matindi. "Me-maybe." Nautal niyang sagot.
Ngumiti si Jasmine. "You're not pretty sure so baka puppy love lang yan."
Mas lalong ninerbyos si Brutus at pati narin si Lina. Sumenyas si Kyzer sa DJ ng palihim. Biglang yumanig ang katawan nila dahil sa malakas na musika. Nabuhay ang kanina'y seryoso nilang mga muka.
Tumayo si Jasmine. "Let's dance!." Aya niya sa grupo.
Tumayo din si Darwin. "Sure!." Sambit niya at mabilis silang pumunta sa gitna ng bar.
"Ganun lang talaga yung ate ko na yon!." Sigaw ni Brutus sakabila ng malakas na tugtugin.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AdventureSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure