Nawala na parang bula ang mga ngiti ng doktora. Muli niyang naalala ang pinag-usapan nila ni Lina.*Flashback*
Agad na pumasok si Lina sa kuwarto ng doktora. "Tuloy ka iha. Maupo ka dito." Aniya sa magandang dalaga.
Mabilis na lumapit si Lina at alam niya na isang sugal ang kanyang ginagawa.
"Anong pangalan mo?." Tanong ng doktora.
"Lina."
"Lina mag papa check-up kaba?."
"Hindi." Tipid na sagot ni Lina.
"May nararamdaman kaba na related sa—"
"Wala." Putol ni Lina.
"O anong problema Lina?"
Seryosong tinignan ni Lina ang doktora at batid sakanyang mga mata ang pighati na nadarama. Huminga siya ng malalim kasing lalim ng iniisip niya. "Gusto kong magpangap na buntis. Isasama ko dito ang lalaking gusto ko at dapat positive ang lalabas na result sa pregnancy test."
Nabigla ang doktora sa narinig at tila may galit na mababanag sa kanyang muka. "Hindi ko gagawin yan." Madiin niyang sabi.
"Kung ganon tapos na pala ang buhay ko." Malungkot na sabi ni Lina.
Nanlaki ang mga mata ng doktora. "A—anong ibig mong sabihin?."
"Magpapakamatay nalang ako kaysa dibdibin ko ang sobrang selos araw-araw." Sagot ni Lina.
"Magpapakamatay!?. Nababaliw kanaba!?."
"Oo nababaliw na nga ako kaya kapag hindi ka pumayag... Asahan mo na—."
"My gad, sa ganda mong yan naisipan mong gawin ang bagay na to?." Tanong ng doktora.
"Anong silbi ng ganda mo kung hindi ka mahal ng taong mahal mo?."
"Ngayon lang ako naka encounter ng kagaya mo. Masyado ka atang desperada Lina. Mga kabataan talaga ngayon. Sige umuwi kana at kakalimutan ko lahat ng nangyari ngayon." Sabi ng doktora.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AdventureSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure