Natapos nadin ang klase ni Lina at ngayon ay papunta na siya sa magiging tagpuan nila. Dinukot niya ang kanyang telepono at nagsimula nang pumindot dito.
Sa may coffee shop , sa tapat ng school tayo magkita.
Mensahe na pinasa niya kay Roxie.
(Lina Divine Shanxi)
Nagsimula na siyang humakbang at wala na siyang pakealam kung may hahadlang man sa tatahakin niyang daan.
Samantala, natangap na ni Roxie ang mensahe ni Lina. Naglalakad na siya at papunta na ng mapansin niya ang apat na Casanova.
Nakatingin siya sa likuran niya at parang may hinahanap siya.
Nasan na kaya siya?.Hinahanap niya si Brutus na sa tabi ng apat na Casanova ay di niya makita . Muli siyang lumingon sa harap at muling naghanap.
Samantala, nag-uusap ang apat na Casanova. Pinaplano nila ang pagkuha sa numero ng dalaga.
"Pre lapitan natin." Aya ni Davion.
"Tara , tapos ibigay mo number ko haha." Tawa ni Kyzer sa ideya niya.
"Sige , ibibigay ko din sa mga panget yan haha." Asar ni Davion
"Hahaha." Tawa ng dalawang Casanova.
Nawala ang ngiti ni Kyzer. "Gagi pre wag." Malumanay na wika niya.
"Laf trip kami sainyo. Haha." Wika ni Lindon.
Nahinto na sila sa pagtawa at seryoso na ang mga muka nila.
"Lapitan niyo na at kunin niyo na yung number bago pa makalayo." Sambit ni Darwin.
"Tara pre, sisiw lang saatin yan." Aya ni Kyzer kay Davion at nagsimula na silang maglakad.
"Pre ano nga palang pangalan nito?" Takang tanong ni Kyzer.
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AventuraSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure