30

1K 156 8
                                    

Naglakad sila papunta sa Jollibee kung saan bida ang saya. Ilang hakbang lang ito sa university kaya mabilis silang nakapunta.


Agad na bumungad sakanila ang napakadaming tao.
Masuwerte sila dahil agad silang nakahanap ng pwesto.


Nilakbay nila ang kanilang mga mata at parang hindi makapaniwala sa nakikita.


"Andaming bata haha." Tawa ni Lindon.

"Madami ding senior." Wika ni Kyzer.

"Madami ding chix dito sa Jollibee." Muling sabi ni Lindon.

"Gustong-gusto ko kayang kumain dito dati." Seryosong sabi ni Darwin.

"Talaga?." Manghang tanong ni Roxie.

"Oo"

"Parehas pala tayo."

"Kami na ni Brutus ang mag-oorder." Sambit ni Davion at tinignan nito si Brutus.

"Ok. Treat ko diba." Kampanteng sagot ni Brutus.


Kasalukuyang nag-oorder ang dalawa at naiwang magkakaharap sa pwesto ang lima.


"Bes nililigawan kana ba ni Brutus?." Tanong ni Roxie.

"Ah—."


*Flashback*


Tinawagan ni Lina si Brutus nung nakaraan ngunit lasing ito. Tinawag siya nitong babes na nagpakabog sa puso ng dalaga. Agad niyang pinatay ang tawag dahil batid niyang lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.


Bakit ba parang sasabog na ang puso ko kapag nakakausap ko siya!?.

Kriiiinggggg! Kriiiinggg!

Makalipas ang ilang minuto ay nag ring ang cellphone ni Lina at agad niya naman itong kinuha. Sinipat niya kung sino ang tumatawag.


Bakit tumawag si Brutus?.

"Hello?."

"Oyy babes! Bakit moko binabaan ng tawag ha!?. Pwede bang samahan moko lagi sha University ah." Wika ni Brutus.

"Ba-bakit naman?." Tanong ni Lina.

"Gusto ko lang."

"Pa-pag-iisipan ko!." Sagot ni Lina at pinatay na ang tawag.


Aisssh! kinikilig ako sa boses niya!. Inlove na ata talaga sakin si Brutus!. Yes!. Gusto niya akong makasama!.



Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon