31

940 147 7
                                    

Napadpad na si Davion sa Bar na pagmamay-ari ng pamilya ni Kyzer. Nasasabik na siya at hindi yun sa alak o bar kundi sa isang babae.



Maganda ang atmospera ng bar nila Kyzer, maaari kang madala sa kakaiba nitong mundo.



Malamig ngunit siguradong ika'y mag-iinit , madalas mayaman ang mga parokyano at palaging may magagandang binibini na aaliw sayo.




Natanaw na ni Kyzer ang grupo ngunit hindi pa siya natatanaw ng mga ito. Bigla siyang umupo sa tabi nila na nagpinta ng saya sakanilang mga muka.




"Ubos na ba?." Agad na tanong ni Davion pagka-upo niya.

"Tamang-tama lang ang dating mo Bro." Wika ni Kyzer.


"Kakasimula palang namin Davion, kaya malabong maubos agad itong alak no." Inosenteng sabi ni Lina.





Napatulala si Davion habang nagsasalita ang dalaga. Kakaibang tinig ang narinig niya, masyadong malambing para sakanya. Agad niyang kinuha ang basong may lamang alak at tinunga.



Tang*na. Kakarating ko lang at di pako lasing pero bakit ganito palagi ang dating niya!?.




Tumunga din ng alak ang dalaga, na binigyan ni Davion ng halaga at nagpangiti sakanya.


"Lina, dahan-dahan ka lang sa pag-inom ha." Wika ni Brutus.


Katabi niya si Lina at kaharap nila si Davion. Tumiklop agad ang dalaga na parang makahiya.


Tumango lang si Lina upang ipabatid ang pagsang-ayon niya. Seryosong pasulyap-sulyap si Davion sakanila. Hindi mapigilan ng binata dahil sila ay nasa tapat niya.




"Davs , kamusta na progress natin kay Roxie?." Tanong ni Lindon.


Napalunok si Davion at si Brutus dahil sa kakaibang tanong ng kanilang kasama. Nakangiti naman si Lina, na mukang matutuwa sa usapan nila.


"Maganda naman ang performance ko kaya sa tingin ko malapit na kaming ikasal." Sagot ni Davion na may tonong pabiro.



Hindi nagawang pumikit ng mga  ni Brutus , bukas na bukas ang mga ito katulad ng tenga niya. Pinakingan niyang mabuti ang mga sinabi ng binata at nagsalubong ang mga kilay niya dahil sa huling salita.




"Naks naman pre, elibs nako sayo." Sambit ni Darwin.

"Kala ko nga masungit yung si Roxie eh. Akalain mo, napaamo siya ng panget na beast hahaha!." Tawa ni Kyzer.

Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon