Kaunting estudyante lang ang makikita sa unibersidad dahil walang pasok. Madilim ang unang pagdilat ni Davion sa kanyang kuwarto. Inangat niya ang kanyang katawan mula sa pagkakahiga at naglakad palapit sa bintana.
Hinawi niya ang makapal na kurtina at binulag siya ng nakakasilaw na sinag ng araw. Mabilis niya rin itong isinara at napahawak sa mga mata.
Lumabas siya ng kanyang kuwarto at nagpunta sa kusina. Agad siyang nagpabula ng tubig para sa kape niya. Sa unang paghigop palang nito ay napatulala na siya.
May naalala si Davion, isang magandang babae na iniibig niya. Mabilis siyang kumilos para mag prepara at balak niyang makipag kita sa kaibigan niya.
Hinablot niya ang kanyang cellphone mula sa taas ng drawer at mabilis niya itong binugbog ng pindot.
Itinapat niya ito sa bukas niyang tenga at pinakingan ang tunog na nasa kabilang linya.
"Anu yun pre?. Ang aga-aga mo." Boses ni Brutus na biglang boom sa tenga niya.
"Magkita tayo sa coffee shop dun sa dati, may importante akong sasabihin." Sambit ni Davion.
"O sige. Siguraduhin mong importante yan ah." Sagot ni Brutus.
"Oo , Ge hihintayin kita."
Agad na nilagutan ni Davion ang tawag at nagsimula na siyang lumakad. Mabilis ang bawat paghakbang ng mga paa niya na parang nag-uunahan sa pagpunta.
Nakarating na si Davion sa coffee shop. Mga lamesang walang laman ang agad na sumalubong sakanya. Agad siyang umupo sa tabi ng salamin at dumungaw sa magandang umaga.
Mga taong masaya, mga busina ng sasakyang sumasabay sa awit ng mga ibon at ang kislap ng araw na kulay dilaw sa paningin.
Ilang saglit pa ay dumating nadin si Brutus, agad itong naupo st wala siyang ideya kung anong pag-uusapan nila.
"Bakit mo nga pala ako gustong makausap Davion?." Tanong ni Brutus.
"Kamusta ang paghatid mo kay Lina?." Seryosong tanong ni Davion.
Napatigil ang mundo ni Brutus at napa-isip siya.
*Flashback*
Niyakap ni Lina si Brutus sa kuwarto at pinakawalan din naman siya ng dalaga. Nahiga siya sa tabi nito at napaisip ng kung ano-ano.
"Do what you want babes." Mapang-akit na sabi ni Lina.
Pinagmasdan ni Brutus ang dalaga at nakapikit ang mga mata nito. Batid ni Brutus na nadala ng kalasingan si Lina at ayaw niyang samantalahin ang ganitong sitwasyon.
Hindi kumibo si Brutus hangang sa mapuna niyang nakatulog na si Lina. Agad siyang lumabas ng kuwarto at umuwi na sa condo niya.
*Flashback Over*
BINABASA MO ANG
Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016
AventuraSTARTED JUNE 10 EXO CAST updating regularly Highest rank. #2 in adventure