41

985 107 2
                                    

Vote and Comments guys.




Matapos nilang mananghalian ay agad silang bumalik sa BBU para sa kanilang klase.




Ginastos nila ang kanilang oras sa upuang gawa sa kahoy, sa pisara at sa taong nasa harapan ng klase nila.



Mabilis at mabagal na umikot ang mga ting-ting ng relo.
Nagaganap na ang kahuli-hulihang klase nila, nagsusulat si Brutus sakanyang kwaderno at si Roxie naman ay maiging pinapakingan ang guro na nasa harapan.




Tinapat ni Brutus ang mga labi niya sa tenga ng kanyang katabi. "Labs... Punta tayo sa mall mamaya." Bulong niya kay Roxie.


Tinignan ni Roxie ang muka ng guwapong katabi niya. "Pagkatapos nitong last subject?."


"Pwede ba?.


Tumango si Roxie. "Sige."


"Salamat labs." Malambing na sabi ni Brutus.

Ang sweet naman ng boyfriend ko. He said na ako ang first girlfriend niya so sakin palang siya naging ganito!. Ang suwerte ko naman sana hindi na siya magbago.




Makalipas ang ilang minuto ay nasabi na ng guro ang mahiwagang salita na hinihintay ng madla. Mabilis na tumayo si Brutus at binuhat ang bag ni Roxie.





"Tara na labs. Mag de-date na tayo."


"Date?."


Tumango si Brutus. "Oo first date naten." Sagot niya.


Agad na tumayo si Roxie. "Tara na beh." Aya niya.



Nagsimula na silang maglakad papunta sa puwesto ng limang Casanova.


"Mga bayawak bilisan nyo diyan at may date pa kame ng labs ko." Wika ni Brutus.


Tinignan ni Kyzer ang mga kasama niya. "Sige Bruts. Mauna na kayo. Wag nyo na kaming alalahanin." Wika niya.


"Enjoy your honeymoon ha." Sambit ni Lindon.


Napayuko si Roxie nang dahil sa hiya at napa-alon naman ang noo ni Brutus.


Tinignan ni Brutus ng masama si Lindon. "Anong sabi mo LINDON?." Madiin na tanong niya.


"Ah-wa-wala. Sabi ko enjoy your labing-labing hahaha!." Tawa ni Lindon na agad na dumistansya kay Brutus.


Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon