38

827 99 3
                                    

Nakarating na si Brutus sa tapat ng gate kung saan nakatayo ngayon si Roxie at ang apat na Casanova. Walang pag-aalala na makikita sakanyang muka ngunit may pag-aalinlangan na nakapinta.






"Bro kamusta na si Lina?." Nag-aalalang tanong ni Davion.


"Asan na si Bes?." Tanong naman ni Roxie.


"Nasabi ko na sakanya. It is better na malaman niya na ng maaga." Wika ni Brutus.


"Ah... Pupuntahan ko siya guys." Sambit ni Davion sa grupo. Tumango naman ang mga kasama niya at agad siyang kumaripas ng takbo.



Napansin ni Brutus ang pag-aalala ni Roxie. "Wag ka namang malungkot diyan labs. Wala kang dapat na ipag-alala. Ok lang yun. Wala naman kaming naging relasyon." Nakatingin lang si Roxie sa binata. "Hahatid na kita. Ako na magdadala ng bag mo." Sunod na sabi ni Brutus.


Napangiti si Roxie. "Mabuti pa nga. Oh." Wika niya habang iniaabot ang bag.


"Ang kati pre nilalangam ako." Sambit ni Lindon habang nagkakamot ng braso.


"Oo nga eh. Ikaw Kyzer. Hindi kaba nilalangam diyan?." Tanong ni Darwin na nagkakamot din.


"Nilalangam din ako kaso kulay itim." Sabi ni Kyzer.


Napangiti si Brutus. "Ingit lang kayo mga bayawak haha. Sige mauna na kami."


Agad na hinablot ni Brutus ang porselanang kamay ni Roxie.
Dahan-dahan niya itong hinila at nagpadala naman ang binibini.



"Roxie. Mag-ingat ka diyan hahaha!." Pahabol ni Kyzer.



Tinatahak na nila Brutus ang daan papunta sa condo ni Roxie.
Maraming nakatingin sa masayang binatilyo at sa nahihiyang binibini.

Accidentally Flirting With The Casanova #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon